Sunday, March 02, 2003

Sa Islang Umampon kay Mudum

Bilang pagtalima
sa ninanasa
ng bandilang may limampung bituin,
inihahasik
ang kapayapaan
sa islang umampon kay Mudum
sa pamamagitan ng pagpapaatungal
sa mga baril at bomba.

Ang bandidong tinutugis
ng mga kayumangging kawal ni Samuel
ay nakalalaya,
at ang kapayapaan
ay itinatanim
sa mga hukay
sa mga dibdib at utak
na naghahangad ng laya.
Kaya huwag pagtakhan
ang pagwawala ni Marso
sa islang umampon kay Mudum.

Binigkas sa Bukambibig, isang pangkulturang pagtatanghal ng UP Ugnayan ng Manunulat, UP Writers Club, at UP Quill sa pakikipagtulungan ng National Commission for Culture and the Arts na ginanap sa Likha-Diwa noong Pebrero 28, 2003.

No comments: