TUPARIN NATIN ANG BANTA NG ATING PANAHON
Matapos na babuyin ang mga balota
at baliin ang susing magbubukas sana
sa mga kahong nagkakanlong sa tunay na pasya ng bayan,
ang panipis na nang panipis na bituka ng mga mamamayan
ay binutas,
binutas ng rehimen.
At ang kalikasang noon pa'y nilalamas-lamas
ng mga dayuhan
ay tuluyang sa kanila'y ipinagahasa.
Dumalas ang pagbaha ng mga paa sa lansangan,
ang pagpinta ng mga bandila
at pagtuldok ng mga kamao
sa himpapawid.
At bakit hindi?
Ang mga mamamaya'y mga tao,
di tulad ng mga namumuno sa bansa.
Ngunit sapagkat iginigiit nila ang pagiging mga tao,
ang sagot sa kanila
ay ang dahasin,
pataying parang mga hayop.
Ito raw ay upang maipagsanggalang ang demokrasya.
Ang demokrasya'y ipinagtatanggol
ng rehimeng nahalal nang di nahahalal,
rehimeng gumahasa sa demokrasya.
Kaya't halina,
isigaw natin nang buong lakas
ang hatol ng ating panahon:
Nararapat na gumulong
ang ulong may suot na koronang ninakaw.
Isigaw natin ito hanggang sa mabuwag
ng ating mga tinig
ang mga alambreng pader ng Mendiola.
Tiyakin nating matutupad
ang banta ng ating panahon:
Mene thecel phares,
huwad na Pangulo.
Thursday, June 30, 2005
Tuesday, June 07, 2005
KAPATAWARANG WALANG BATAYAN
Sa kanyang sanaysay na “Tungkulin ng Manunulat” (Ani, Cultural Center of the Philippines, Hunyo 1987), napakalaking pananagutan ang iniaatang ng kuwentista, peryodista, makata, at mandudulang si Rogelio Ordoñez sa kanyang mga kapwa manunulat. Aniya:
“Sinasabing ang manunulat ay ‘mambabatas ng daigdig’ at ‘direktor ng konsensiya’ ng bayan kung kaya hindi lamang siya dapat na maging matapat na tagapaglarawan ng buhay, kundi dapat ding maging pinakamahigpit na kritiko nito.”
At siyang totoo! Napakalaki ng tiwalang ibinubuhos ng publiko sa di-karaniwang talinong ipinagpapalagay na taglay ng bawat manunulat, kaya’t bawat manunulat ay may malakas na impluwensiyang intelektuwal sa kanyang mga mambabasa. Dahil dito, ang manunulat ay may tungkuling hindi lamang isiwalat ang buong katotohanan kundi lumahok din sa pagbabago nito.
Malimit-limit din namang mapag-usapan ang mga alagad ng panulat na naging tapat sa pananagutang ito, ngunit bibihira ang mga talakayan tungkol sa mga manunulat na gumamit sa kanilang mga pluma upang maghabi ng mga kasinungalingan. Kaya naman sa panahong sila ang mamayagpag ay wari bang naliligaw tayo tungkol sa kung paano sila dapat na tingnan mula sa pangkasaysayang pananaw.
Ang kasaysayan ng siglong nagdaan ay hindi nagkukulang sa bilang ng manunulat na naging mga taksil sa dakilang misyon ng mga alagad ng panulat, ngunit magkasya na muna tayo sa dalawang tampok na halimbawa: sina Benigno Ramos at Guillermo de Vega.
Anak ng mag-asawang nasangkot sa Himagsikang 1896 sa Bulacan, Bulacan si Benigno Ramos. Bata pa’y kinakitaan na siya ng pambihirang kahusayan sa pagbigkas ng tula at pagtatalumpati. Ang kakayahan niyang ito ay umakit sa ilang pulitikong umugnay sa kanya upang hilingan siyang bumigkas o magtalumpati sa kanilang mga kampanyang elektoral.
Dahil sa pagkakaugnay sa mga pulitikong ito, naging maluwag ang pagkakapasok niya sa mga kilalang pasulatan sa Maynila, at naging mabilis naman ang kanyang pagsikat bilang manunulat dahil sa kanyang talino sa pagsusulat. Nakilala siya bilang isang makata at mamamahayag na rebelde, dahil sa kanyang matalim na pagbatikos sa mga pangunahing suliranin ng lipunan sa kanyang mga akda.
Noong dekada 1930, itinatag at pinamunuan niya ang kilusang Sakdalista, na lumahok sa halalan ng 1934 batay sa isang platapormang anti-imperyalista at anti-piyudal. Umani ito ng malaking tagumpay, bagay na lumikha ng takot sa establisimyentong pulitikal nang mangampanya ito nang taon ding iyon para sa pagboykot sa plebisito hinggil sa panukalang Konstitusyon ng 1935, na magtatalaga sa Pilipinas bilang isang komonwelt taliwas sa kahingian nitong kagyat at ganap na kasarinlan bago lumipas ang 1935.
Naging biktima ng paninikil ang kilusang Sakdalista, at dahil dito’y nakaisip ang maraming kasapi nito na magsagawa ng marahas na pag-aaklas. Ngunit dahil buhaghag at walang sapat na kasanayang militar, madaling nagapi ng mga awtoridad ang nagsipag-aklas.
Nang maganap ang pag-aaklas, nasa Hapon si Ramos diumano’y upang ikuha ng tangkilik ang partidong Sakdalista.
Sa mga huling taon ng dekada 1930, kabilang si Ramos sa mga magtatatag ng Lapiang Ganap, isang grupong nagpalaganap ng propagandang naglalayong ihanda ang publiko sa pagtanggap sa mga Hapones bilang mga tagapaghatid ng Pilipinas tungong paglaya mula sa kuko ng Estados Unidos.
Noong panahon ng digmaan laban sa Hapon, namayagpag si Ramos bilang isa sa mga direktor ng Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas (Kalibapi), isang grupong nagkalat ng propagandang pumupuri sa “pagtulong” ng Hapon sa Pilipinas. Ito’y sa gitna ng malawakang pamiminsala ng Imperyal na Hukbong Hapones sa buhay at kabuhayan ng milyun-milyong Pilipino, kabilang ang paggamit sa ilang daang babae bilang comfort women o mga parausan ng libog.
Isinilang sa Rizal –- isang lalawigang ipinangalan sa Pambansang Bayaning si Dr. Jose Rizal, isang dakilang makabayang manunulat –- si Guillermo de Vega, makata at mananaysay. Nag-aral siya sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) hanggang sa magtamo ng Ph.D. sa Agham Pampulitika.
Isa siyang propesor ng naturang kurso sa pamantasang nabanggit nang kunin siya upang maglingkod sa gobyerno ni Ferdinand Marcos. Naging aktibo siyang propagandista ng naturang rehimen.
Sa kasagsagan ng Batas Militar (1972-1986) –- isang panahong kinatampukan ng malawakang pagdakip, pagpapahirap, at pagpatay sa mga nagsusulong ng ganap na kasarinlan at tunay na katarungang panlipunan –- susulatin ni De Vega ang librong Ferdinand Marcos: An Epic, isang librong-tulang naglalarawan sa diktador bilang isang Mesiyas.
Tiyak na ubod ng lulupit ang mga panginoong pinaglingkuran nina Ramos at De Vega, at napakabigat ng pananagutan ng mga ito sa kasaysayan. Napakahihirap patawarin ang mga kasalanan ng mga ito.
Ngunit paano naman ang dapat na pagtingin ng kasaysayan sa mga tulad nina Ramos at De Vega? Sila ba’y di-hamak na higit na madaling patawarin kaysa sa kanilang mga panginoon, dahil di tulad ng mga ito’y hindi naman sila kumitil ng buhay?
Ang sinumang sasagot ng “Oo” sa ikalawang tanong ay walang mapatutunayan kundi ang kanyang pagtataglay ng isang kagila-gilalas na uri ng kahangalan, at kung marunong tumawa ang mga uod ay tiyak na pagtatawanan siya ng mga ito sapagkat kaydali nilang makikitang sila’y higit pang matalino sa kanya.
Kung siya ma’y may taglay na Ph.D. mula sa UP, na ipinagpapalagay na siyang pinakamahusay na pamantasan sa Pilipinas, makabubuti pang ang lahat ng salaping ginugol ng mga nagbabayad ng buwis upang siya’y makakuha ng kanyang titulo ay inihagis na lamang niya sa Payatas, at baka mapulot pa ng mga bata roong araw-araw ay nabubuhay sa pangambang baka sila maguhuan ng bundok ng basura, at makatikim man lamang sila ng ilang buwang hindi nila kailangang magkakalkal ng basura upang may maipalaman lamang sa kanilang mga impis na tiyan.
Totoong walang pinatay sina Ramos at De Vega. Ngunit sa bawat paglalabas nila ng akdang pumupuri sa Emperyong Hapones, sa kaso ni Ramos; o sa rehimeng Marcos, sa kaso naman ni De Vega –- pinabango nila sa harap ng marami pati na ang lahat ng kasalarinan ng mga ito. Katumbas ito ng pagdukot sa hukom na maglilitis sa salarin at pagputol sa dila ng mananaggol ng nagsasakdal. Paggawa ito ng paraan upang ang mamamatay-tao’y makaligtas sa anumang parusa at patuloy pang makakitil ng buhay.
Ang pagmaliit sa pananagutan ng mga tulad nina Ramos at De Vega sa kasaysayan ay pagmaliit din sa papel ng manunulat sa lipunan –- at kung manggagaling pa ito sa isa mismong manunulat ay tunay na nakapagbabaligtad ng sikmura.
Maaaring walang inutang na buhay sina Ramos at De Vega, ngunit napakaliit ng pagitan nila at ng mga umutang ng buhay. Kung sila’y nabuhay hanggang sa ating panahon, ang patawarin sila nang hindi naman tapat na humihingi ng kapatawaran ay hindi lamang isang napakalaking kamangmangan kundi higit pa’y isa ring pagkakasala sa bansa.

Sunday, June 05, 2005
PAGSASAKDAL KAY BENIGNO RAMOS, LIDER-SAKDALISTA
Sa kasaysayan ng nagdaang dantaon, isa sa mga personaheng lumikha ng pinakamalalaking alingasngas si Benigno Ramos –- makata, mambibigkas, mamamahayag, mananalumpati, lider-rebelde, pulitiko.
Hindi nawawala ang kanyang pangalan sa talaan ng pinakamahuhusay na manunulat, mambibigkas, at mananalumpating nabuhay sa kasaysayan ng Pilipinas. Subalit sa mga aklat ng kasaysayan, lagi’t lagi ring lumilitaw ang kanyang pangalan sa talaan ng mga taksil sa kapakanan ng sambayanan.
Isinilang sa Bulacan, Bulacan noong 1892, si Benigno Ramos ay anak nina Catalino Ramos –- isang kasapi ng Katipunan noong panahon ng Himagsikang 1896; at Benigna Pantaleon, na noong panahon ng Rebolusyon ay nagboluntaryong mangalaga sa mga sugatan at maysakit na Katipunero. Namulat siya sa mga karanasang ito ng kanyang mga magulang at maaaring ang pangyayaring ito ang nagtanim ng diwang mapaghimagsik sa kanyang kamalayan.
Bata pa si Ramos ay kinakitaan na siya ng kahusayan sa pagbigkas ng tula at sa pagtatalumpati. Noong siya’y isa pang paslit, madalas na siya’y nahihikayat ng mga nakatatandang kababayan na tumayo sa ibabaw ng isang bangko at doon magtalumpati o bumigkas ng tula habang pinanonood nila nang buong paghanga.
Ito ring kakayahan niya sa pagbigkas at pagtatalumpati ang magiging sanhi ng pagkakainteres sa kanya ng ilang pulitiko, na umugnay sa kanya at hinilingan siyang bumigkas o magtalumpati sa kanilang mga kampanya. Labinlimang taong gulang siya nang siya’y unang mahilingang bumigkas sa isang kampanya.
Ang kanyang pagkakaugnay sa mga pulitiko ang naging daan naman upang siya’y madaling magkapuwang sa mga kilalang pasulatan sa Maynila. Mabilis din ang kanyang pagsikat bilang isang manunulat, dala na rin ng kanyang kahusayan sa larangang ito.
Noong 1922, nakaugnay sa kanya ang noo’y Pangulo ng Senado na si Manuel L. Quezon, na nagbigay sa kanya ng trabaho bilang isang kagawad sa Senado.
Walong taon pagkaraan nito, magkakahiwalay ng landas sina Ramos at Quezon.
Noo’y nagsagawa ng isang welga ang mga estudyante ng isang mataas na paaralan sa Maynila dahil sa panlalait ng isang Amerikanang guro sa mga Pilipino sa isa sa kanyang mga klase. Kagaya ng mahusay ding makatang si Jose Corazon de Jesus, nasangkot si Ramos sa welgang-estudyanteng ito.
Si Quezon, na sumisipsip sa Gobernador-Heneral, ay nag-utos kay Ramos na itigil ang pagtangkilik sa welga at, higit pa riyan, itakwil ito. Ikinagalit ni Quezon ang pagtanggi ni Ramos na sundin ito, kaya’t sinabihan niyang magbitiw ito sa Senado.
Ang pangyayaring ito ay nagbunsod kay Ramos na maglabas ng sarili niyang pahayagan, na kanyang bininyagang Sakdal.
Ito’y inilathala nang lingguhan sa wikang Tagalog, at matinding bumatikos sa mga Amerikanong tagapamahala, kay Quezon at sa kanyang mga tagasunod, sa mga asendero, sa Simbahan, at sa Konstabularya. Ipinanawagan ng Sakdal ang kagyat na kasarinlan ng Pilipinas at kinundena nito ang palaki nang palaking agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap, na pinatunayan nito sa pamamagitan ng mga beripikadong estadistika.
Noong 1933, nagpasya si Ramos na magbuo ng isang partidong pulitikal. Mula sa mga mambabasa ng Sakdal ay nabuo ang organisasyong Sakdalista, na sa kongreso nito sa pagtatatag ay nagpasyang lumahok sa halalan ng 1934.
Ang plataporma ng mga Sakdalista ay umikot sa tatlong saligang usapin: edukasyon, dominasyon ng Estados Unidos sa ekonomiya ng Pilipinas, at ang panukalang pagkakaroon ng Estados Unidos ng mga base militar sa bansa.
Inilarawan nila bilang kolonyal ang sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas at, sa partikular, binatikos nila ang seryeng Readers ni Camilo Osias dahil sa pamamarali nito ng kulturang Amerikano. Iginiit nilang ang dahilan ng kahirapan ng kalakhang mamamayan ay ang pagkakasakal ng Estados Unidos sa ekonomiya ng Pilipinas, at tinutulan nila ang higit na pamumuhunan ng Estados Unidos sa bansa. Tinutulan din nila ang panukalang magtatag ng mga base militar ang Estados Unidos sa Pilipinas, sa kadahilanang hindi makikinabang ang Pilipinas sa mga ito.
Isa si Ramos sa mga nanalong kandidato ng Sakdalista, at dito nagsimula ang kanyang pagpapakita ng oportunismo. Pinalabnaw niya sa kanyang panunungkulan ang paghahapag ng mga kahingian at itinuon niya ang kanyang enerhiya sa mga periperal na usapin.
Gayunman, nagpatuloy sa pagkilos nito ang organisasyong Sakdalista. Ang mga lider nitong hindi nagpatianod sa tukso ng kapangyarihan at pribilehiyo ay humikayat sa mga mamamayan na iboykot ang plebisito ng 1935 para sa Konstitusyong Komonwelt, bilang paggigiit ng kahingian nilang magkaroon ang Pilipinas ng ganap at hustong kasarinlan nang hindi lumalampas ang 1935.
Ang Gobernador-Heneral ay naglabas ng kautusang nagsasabing sedisyoso ang naumang kampanya laban sa plebisito, at marami sa mga lider at kasapi ng organisasyong Sakdalista ang pinagdadakip.
Napoot ang kanilang mga kasamahan at nag-isip ng marahas na pag-aaklas. Hatinggabi ng Mayo 2, 1935 nang may 150 magbubukid na naaarmasan ng mga tabak at paltik ang nagmartsa patungo sa munisipyo ng San Ildefonso, Bulacan upang ibaba ang bandila ng Estados Unidos at itaas ang bandilang Sakdalista. Sumunod ang mga kasamahan nila sa iba pang lalawigan tulad ng Cavite, Rizal, at Laguna. Sa kabuua’y may 60,000 Sakdalista ang nasangkot sa pag-aaklas na ito.
Tumugon ang Konstabularya. Buhaghag at mahihina ang sandata, madaling nagapi ang mga Sakdalista, at pagdating ng tanghali ng Mayo 3 ay tapos na ang lahat: 57 Sakdalista ang napatay, daan-daan ang sugatan at may 500 ang nabilanggo.
Nang maganap ang pag-aaklas, si Ramos ay nasa Hapon. Noo’y madalas na siyang magtungo sa nasabing bansa upang diumano’y ikuha ng tangkilik ang kanyang partido.
Ilang taon matapos ito, si Ramos at ang ilang nakabig niyang lider ng mga Sakdalista ay magbubuo ng Lapiang Ganap, isang grupong nagkalat ng propagandang maka-Hapon. Naging behikulo ang Lapiang Ganap sa pagpapalaganap ng mga sulating nagsasabing ang Hapon ay makatutulong sa paglaya ng Pilipinas. Nang sumalakay ang Hapon sa Pilipinas noong 1942, kabilang nga sa mga sumalubong sa Hukbong Imperyal nito ang Lapiang Ganap.
Di naglaon, naging direktor sa publisidad si Ramos ng Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas o Kalibapi, na naging behikulong pampropaganda rin ng imperyalismong Hapones.
Naging sagad-sagaran si Ramos bilang isang propagandista ng imperyalismong Hapones sa Pilipinas, sa kabila ng malawakan at walang-habag na pamiminsala ng mga puwersa nito sa buhay at kabuhayan ng mga Pilipino –- mahirap man o mayaman.
Sa dakong kalagitnaan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas, isang himnong martsang may pamagat na “Dai-atiw ng Kalibapi” ang lumabas. Isa sa mga taludtod nito ang may lamang ganito:
Narito ang bansang Hapon
Na sa ati’y tumutulong
Upang tayo ay masulong
Mapaanyo ay yumabong...
Sa paglabas ng kantang ito, na nilapatan ng himig ni Felipe Padilla de Leon, ilang manunulat ang naghinalang si Ramos ang sumulat ng mga titik nito. Isang makata naman ang nagsabing hindi maaaring si Ramos ang sumulat ng mga pangit na taludtod na ito sapagkat siya’y isang lubhang mahusay na makata.
Isang organisasyon ng mga manunulat ang nagsagawa ng pagsisiyasat at napatunayang si Ramos nga ang sumulat ng mga titik ng “Dai-atiw ng Kalibapi.” Pinagtibay ng organisasyon ang isang resolusyong si Ramos ay lilikidahin sa tamang panahon.
Hindi na natuloy ang paglilikida sapagkat si Ramos ay naglaho na lamang at sukat dakong 1946, bagama’t hinihinalang kasama siya ng mga tumakas na Hapones na namatay sa Nueva Vizcaya nang bumagsak ang sinasakyan nilang eroplano.
Gayunman, hindi pinatawad ng kasaysayan si Ramos. Bagama’t hindi naglalaho ang pagkilala sa kanyang ipinamalas na kahusayan bilang isang manunulat, mambibigkas at mananalumpati, hindi naman nalilimot ng kasaysayan ang kanyang kataksilan sa kapakanan ng bansa. Pirmi siyang kabilang sa listahan ng mga taksil –- kasama nina Pedro Paterno, Emilio Aguinaldo, at iba pang katulad.
Ano kaya kung nabuhay si Ramos hanggang sa ating panahon? Magiging gayundin karahas kaya sa kanya ang kasaysayan?
Batay sa timpla ng kasalukuyan, may sapat na batayan upang mangambang kung kinabuhayan ni Ramos ang ating panahon ay makukuha niya ang kapatawaran kahit hindi niya hingin. Malamang na hindi iilan ang magpapaumanhin para sa kanya kahit na di siya humingi ng paumanhin, at magsasabing wala naman siyang kinitil na buhay.
Na isang napakalaking pagkakamali lalo kung magmumula sa hanay ng mga taong kundi man may napakataas na inabot sa pormal na pag-aaral ay may sapat na dahilan upang asahang magpakita ng malalim na kamulatan sa kasaysayan. Hindi nga pumisil ng gatilyo o nagtarak ng bayoneta si Ramos, subalit sa bawat paglalabas niya ng piyesang pumupuri sa imperyalismong Hapones ay pinabango niya pati ang pagkitil nito ng napakaraming inosenteng buhay.
Ganito ang dapat na pagtingin kay Benigno Ramos at sa kanyang mga katulad –- at may mga kaparis siya sa ating panahon.
Mga sanggunian:
1. Renato Constantino, The Philippines: A Past Revisited, Manila: Foundation for Nationalist Studies, 1975
2. Delfin L. Tolentino, Jr., “Benigno Ramos: ‘Poeta Revolucionario,’” introduksiyon sa Benigno Ramos, Gumising Ka, Aking Bayan (Mga Piling Tula), Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1998
KAHIT DI NIYA NAHAWAKAN ANG PATALIM
Duguan ang kanyang mga palad
kahit hindi niya hinawakan man lamang
ang patalim.
Nahagip ng kanyang mga mata
ang pagbaon ng punyal,
ngunit iba ang tulak ng kanyang mga labi:
“Hindi siya mamamatay-tao,"
aniya hinggil sa salarin.
Kahit di niya nahawakan man lamang
ang patalim –-
naliligo, naliligo ang kanyang mga palad
sa dugo ng taong pinutlan ng buhay.

Wednesday, May 11, 2005
SA PUTANG KINANTAHAN NG ISANG MAKATANG HIGIT PALANG PUTA
Naawit niya ang lahat ng tunog
sa pagitan ng iyong mga hita
sa bawat gabing ipinauupa mo ang iyong katawan.
Ngunit wala isa mang titik mula sa kanya
hinggil sa kung bakit
nalubog ka sa pusali:
wala isa mang titik niyang nagsasabi
na ika'y nariyan
pagkat ibig mong alpasan
ang larawan sa kuwadrong bintana
ng inyong barung-barong --
larawan ng kulay-uling na tubig sa estero,
at di mo ito maalpasan
nang di naglalangoy sa isa pang putikan,
pagkat siyang katalagahan
ng iilang diyus-diyosan sa bayang ito.
Inawitan ka
ng isang makatang ayaw gawing putik
na ikukulapol sa mukha ng mga huwad na bathala
ang tinta ng kanyang panulat.
Bakit?
Sa dakong huli,
siya pala'y magiging upahang tagahimod ng bulbol
ng mga naglublob sa iyo sa pusali ng pagpuputa.

Monday, May 02, 2005
HINDI NATATAPOS SA HULING TULDOK ANG PAGSUSULAT
Ang pagsusulat ay di natatapos sa huling tuldok. Hindi ito tulad ng pagtae na sa sandaling maideposito mo ang iyong tae sa inudoro ay masasabi mong “ayos na ang butu-buto,” sa lokal na islang.
Kailanma’y hinding-hindi maaaring sabihin ng isang manunulat na siya’y “isang manunulat lamang,” liban na lamang kung siya’y may talinong tulad ng sa isang kuto at kahit na nag-aral siya hanggang sa duktorado (at nakatapos ng ganito kataas na kurso nang may pinakamataas na karangalan) ay walang pumasok sa kanyang ulo sa itinagal-tagal ng kanyang pamamalagi sa pamantasan liban na lang marahil sa mga alikabok ng yesong sa di-inaasahang pagkakataon ay sumuot sa mga butas ng kanyang ilong at tainga at tumagos hanggang sa utak –- kung mayroon mang matatawag na utak sa loob ng kanyang bungo.
Kahit na hindi manunulat ang isang tao at talagang siya’y walang sinusulat kundi pana-panahong mga liham na ang pakay ay bihagin ang puso ng itinuturing niyang pinakamagandang nilalang na nabuhay sa buong kasaysayan ng daigdig, hindi niya masasabing ang sulat ay magwawakas sa paglukso ng puso ng kanyang pinaparaluman. Kadalasan, kung sa ganitong paraa’y magkulay-rosas ang paningin ng isang nililigawan at ituring niyang pinakamakinang na mutya ang mga katagang nakaukit sa mabangong papel na pinagsulatan ng liham sa kanya, ibabahagi niya sa mga kaibigan at kamag-anak ang sarap ng pakiramdam ng masabihan sa sulat ng gayon katamis na mga pangungusap.
Gaano pa kaya kung ang isang tao’y isang manunulat? Paglabas ng publikasyong naglalaman ng kanyang akda, daraan ito sa mga mata ng maaaring daan-daan, maaaring libu-libong tao at maaari pang daan-daang libo sa loob ng isang araw lamang. At ang mga makababasa ng akdang sa akala nila’y isang hiyas ng panitikan ay magkukuwento pa ng kanilang nabasa sa lahat ng kakayanin nilang pagkuwentuhan nito.
Ang tao’y kumikilos batay sa idinidikta ng kanyang kamalayan. At sa pagbubuo ng kamalayan, napakalaki ng epekto ng salitang nakasulat, lalo’t kadalasa’y maaaring magawa ng nakalimbag na salita ang mga bagay na hindi malimit na nagagawa ng karaniwang pag-uusap.
Bahagi ng pampublikong kaalaman ang kung paano nakapagbigay ng inspirasyon sa mga mamamayan upang magsagawa ng mga pagkilos tungo sa pagpapalaya sa bansa, halimbawa, ang dalawang nobela ni Dr. Jose Rizal, ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo; dili kaya’y ang makabayang mga tula nina Andres Bonifacio at Jose Corazon de Jesus.
Sa kabilang dako naman, hindi rin matatawaran ang papel ng mga manunulat ng mga teksbuk na pinopondohan ng World Bank o WB sa pagpapalaganap ng isang kamalayang makaneokolonyalismo. Malaki ang kinalaman nila sa pangyayaring magpahanggang ngayo’y itinuturing ng marami bilang mga tagapagligtas ang mga puwersang Amerikanong sumakop sa Pilipinas noong dulo ng ika-19 dantaon, sa kabila ng pagkakaroon ng marami ring katibayang nakalaya ang kalakhan ng Pilipinas nang halos walang tulong ng mga tropa ni Tiyo Samuel, na walang isang buwan mula sa pagtitibay ng Saligang Batas ng Malolos ay nagsimulang igiit ang kanilang “soberanya” sa Pilipinas.
“Maraming namamatay sa maling akala,” lagi’t laging sinasabi sa atin. Totoo ito.
Napakalaki ng pananagutan ng isang tao kung ang isa niyang kamag-anak o kakilala ay mapahamak dahil sa maling akalang sadya niyang itinanim sa isip nito. Kung ang kapatid niyang nakapiring ay nasa bingit ng bangin at sinabihan niya itong tumalon nang pasulong, at ito’y sumunod sa paniniwalang hindi bangin ang kanyang kinalalagyan, wala siyang ipinagkaiba kay Cain na pinatay sa pamamagitan ng sandata ang sariling kapatid na si Abel.
Kung sasamantalahin ng isang namamayagpag na manunulat ang kanyang katayuan upang ipampuno sa sariling bulsa ang paglalako ng mga sulating pampabilog sa ulo ng bayan, malaki ang kanyang pananagutan kung masalaula ang mga mamamayan dahil sa lakas ng impluwensiya ng kanyang mga sinulat.
Ganito ang lohikang dapat na gumabay sa pagtingin sa ilang manunulat sa Pilipinas na sa isang bahagi ng ating kasaysayan ay naglako ng mga sulating nagpabangag sa halos buong sambayanan. Hindi iilan ang kanilang ipinahamak sa pamamagitan ng pagtatanim ng isang palsong kolektibong kamalayan. Maaaring kailanma’y hindi sila tuwirang kumitil ng buhay, ngunit kung sadya nilang sinakyan ang wika nga ni Rogelio Ordoñez ay “ruweda ng panlilinlang,” utang nila sa buong bansa ang lahat ng buhay na nakitil dahil sa lasong kanilang inihalo sa pambansang kamalayan.

Sunday, April 10, 2005
GRADWAITION
(Pambungad na talumpati sa paglulunsad ng GradWait, ikapitong chapbook ng Kilometer 64, sa Bound Bookshop noong Abril 8)
Pagbati sa ating lahat. Gusto kong bumati ng "Magandang gabi," pero parang mahirap kapag inisip natin ang tema ng inilulunsad nating chapbook ng Kilometer 64 -- sa pamagat pa lang ay naroon na ito, GradWait.
Panahon nga ngayon ng pagkuha ng mga diploma, at tuwing ganitong panahon ay umuusbong ang isang atmospera ng pagmamalaki. Ito'y dala ng pagpapalagay na ang mga tumanggap ng diploma ay napabilang na sa paliit na nang paliit na pribilehiyadong klub ng mga "may sapat na pinag-aralan."
Kapag nabibigkas ang mga katagang "may sapat na pinag-aralan," naaalala ko si Andres Bonifacio -- hindi lang dahil kinuwestiyon ang kanyang mga kredensiyal sa Tejeros Convention. Bakit, 'ka n'yo?
Kapag nagtanong ka kung sino si Andres Bonifacio, kaagad kang sasagutin ng "Siya ang Ama ng Himagsikan." Aasarin ka pa ng kausap mo kung college graduate siya: "Ang bobo mo naman! Andres Bonifacio lang, hindi mo pa alam? Siya ang Ama ng Himagsikan!" ang sasabihin sa iyo ng karaniwang college graduate na tatanungin mo kung sino si Andres Bonifacio.
Pero kapag nagtanong ka kung ano ang katuturan ng isang Andres Bonifacio sa kasaysayan ng Pilipinas, kulang ang dalawang oras para ka makakuha ng matinong sagot -- kahit na college graduate ang kausap mo.
Sa edukasyon kasing nakukuha natin sa mga paaralan, sa kalakha'y sinasanay tayong magsaulo lang at hindi magsuri sa katotohanan. Sa pinakamalabis ay alam natin kung ano ang korte ng gulong pero hindi natin alam kung para saan ang gulong.
At kaydali namang magsaulo: kahit sino'y puwedeng dumampot ng teksbuk sa kahit saang bookstore o public library at isaulo ang mga laman niyon. Kaya ano ngayon ang kaibhan ng isang karaniwang nakatapos ng pag-aaral sa maraming walang diploma? Bakit kailangan nating gumising nang maaga araw-araw at gumastos ng ilampung libong piso sa loob ng apat na taon o higit pa para lamang sa kalakha'y magsaulo -- sa isang bansa kung saan ang edukasyon ay unti-unting nagiging pribilehiyo na lamang ng mga anak ng mayayamang wala namang ginawa kundi magpalaki ng kanilang mga puwit sa kanilang pagkakaupo sa mababango at air-conditioned na opisina?
Ang mga nakatapos daw ng pag-aaral ay makakukuha ng magandang trabaho.
Naaalala ko sina Benjamin Franklin at Leo Tolstoy.
Sila'y mga henyo sa kani-kanilang mga larangan. Si Benjamin Franklin ay isang dakilang scientist na siyang nakadiskubre ng elektrisidad at bukod pa'y isa ring mahusay na philosopher. Si Leo Tolstoy naman ay isang batikang manunulat na siyang may-akda ng epikong nobelang War and Peace; at ng isa pang bantog na nobela, ang Anna Karenina -- bukod sa ilan pang pawang mahuhusay na obra.
Pero sila'y parehong hindi nakatapos ng pag-aaral. Si Benjamin Franklin ay ni hindi nakaabot sa katumbas ng Grade VI. Si Leo Tolstoy ay nakatuntong sa kolehiyo, pero mabababa ang marka at hindi na rin nakatapos ng kurso.
Kung sila'y nabuhay sa Pilipinas at nagdaan sa karaniwang proseso ng paghahanap ng trabaho, ang pinakamadali nilang mapapasukang trabaho ay ang maging diyanitor -- diyanitor, mga kaibigan, kahit na sila'y mas marami pang alam kaysa sa mayayabang na sekretarya ng mga kumpanyang pag-aaplayan nila, at maging sa mga may-ari ng mga ito.
Diyanitor nga ang unang naging trabaho ng kaibigan nating si Abet Umil bago siya nakilala bilang isang manunulat, sapagkat siya'y hindi rin nakatapos ng pag-aaral. Diyanitor. Samantalang pag kausap mo siya'y malamang na mapag-uusapan ninyo sina T.S. Eliot, Bienvenido Santos, at Manuel Arguilla -- at ilan sa mga college graduate ang makikita ninyong may kakayahang makipagtalakayan nang matino tungkol sa nabanggit na mga manunulat?
Bibihira ang college graduate na nakikita kong may ganitong kakayahan, maski roon sa mga nag-Ph.D. sa Panitikan sa ilang malaking unibersidad, na bagama't nag-Ph.D. sa Panitikan ay lubhang limitado ang perspektiba sa literatura, kaya naman sa mga signipikanteng proyektong pampanitikan ay kung sinu-sino ang binibigyan ng mahahalagang papel -- maging yaong mga taong ang nakaraan at maging kasalukuyan ay punung-puno ng mga butas na amoy-patay na daga.
Pero ang mga may diploma ay makakukuha raw ng magandang trabaho. Siyanga kaya?
Dalawa lamang ang landas na karaniwang pinupuntahan ng mga college graduate sa panahong ito. Maaaring sila'y mapunta sa mga call center, kung saan sa wika nga ng ating ka-Kilometrong si Lecter ay magigi silang mga "human answering machine" -- pasintabi sa mga nakapagtrabaho at nagtatrabaho sa mga call center. Kundi man sila mapunta sa mga call center, sila'y mapupunta sa ibang bansa upang maging mga caregiver, kundi man domestic helper -- sa wika nga ni Ave Perez Jacob ay "mga tsimoy at tsimay ng mundo."
Malalim ang ugat ng ganitong kalagayan: kulang ang dalawang oras upang talakayin ito nang buo. Pero masasabi nating ito'y nagmula pa roon sa ipinunla ng mga Thomasite noong 1900s.
Ang iba't ibang aspeto ng sistemang pang-edukasyon ay ipinakikita ng mga tula sa GradWait, at ang ilan sa mga tulang ito ay itatanghal ng mga ka-Kilometro at ng mga inimbitahang panauhin. Muli, mahirap bumati ng "Magandang gabi" kaya pagbati na lang sa ating lahat, at sana'y maibigan natin ang mga pagtatanghal. Maraming salamat.

Thursday, March 10, 2005
BALIW
Hindi ko alam kung nasaan na siya, kung siya kaya'y buhay pa. Minsan ko lamang siyang nakita at matagal na akong hindi nagagawi sa lansangang kinakitaan ko sa kanya, ang A.H. Lacson sa Sampaloc, Maynila (lalong kilala sa luma nitong pangalan, ang Governor Forbes).
Ako noo'y pauwi mula sa isang panggabing klase sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST). Taong 1997 iyon.
Madilim noon ngunit malinaw sa akin ang ayos niya: buhok na pinapagdikit-dikit na ng nagkaipun-ipong mga dumi, gula-gulanit na damit na halatang bumibilang na ng taon nang hindi nadarampian ng sabon.
Ang bawat magdaan sa kanyang harapan ay sinasabihan niya ng: "Tarantado kayo, mga bobo kayo! Mga sira-ulo kayong lahat!"
Sa bahaging ito'y malamang na marami na ang natatawa sa babaeng ito at nagtatanong kung ano ang karapatan ng isang tulad niya na sabihang baliw ang matitino.
Habang sinusulat ito'y naaalaala ko ang isa ring babae, higit na matanda ngunit nasa kalagayang katulad niyaong sa babaeng nakita ko sa A.H. Lacson, na naligaw sa loob ng kampus ng UST at sinisigawan ng kung anu-ano ang bawat madaanan -- estudyante man o kawani ng unibersidad.
Isang kaklase ang noo'y kasama ko, na ang sabi'y: "Pag ikaw ang ginano'n, payag ka, sisigaw-sigawan ka lang ng sira-ulo?"
Ano nga naman ang karapatan ng mga tulad nila na sigawan tayo, kutyain tayo?
Kaydaling sabihing wala.
Kaydali sa ating sila'y pagtawanan. Ngunit masdan natin ang ating paligid at baka hindi na natin magawang tumawa.
Sa isang bansa kung saan bawat masalapi'y sinasamba at hindi inuusisa ang pinanggalingan ng kanyang kayamanan -- kung nakaw ba ito o pinaghirapan, kung saan mga baliw ang turing sa mga taong may matayog na paninindigan, kulang ang kahit isang milyong National Center for Mental Health (NCMH).
Sa isang lipunan kung saan ang kung sino ang kumaplog kay ganire't ganyang "artista" ay itinuturing na higit pang mahalagang balita kaysa sa karanasan ng milyun-milyon nating kababayang araw-araw ay dinarahas ng kawalang-katarungan at kapag nangahas na igiit ang karapatang mabuhay bilang tao'y hinahagkan ng batuta't mga punlo, kulang ang lahat ng strait jacket sa mundo.
Sa isang lipunan kung saan ang mga istasyong-radyong ang mga disk jockey ay pulos na nagyayabang na kaputang-inahan ang nalalamang sabihin sa pagitan ng pagpapatugtog ng mga kantang karamiha'y umaatikabong kaungasang nilapatan ng "musika" ay nagiging pangunahing mga himpilan, matamis pa ang manirahan sa isang mental hospital.
Huwag nating pagtawanan ang mga baliw at sa panahong ito'y kayhirap humanap ng mga kasintino nila sa ating paligid.

Saturday, February 26, 2005
PILA SA LOTERYA
Nang ako'y magpunta nitong nagdaang linggo lamang sa suki kong arkilahan ng mga VCD at VHS tape, nakita ko ang isang tanawing matagal kong di nakikita roon.
Katabi niyong video rental shop ang isang outlet ng Philippine Lotto. Kayhirap pong pumasok sa video rental shop sapagkat ang pila sa lotto, ay! ang pila sa lotto ay kayhaba po. Sa pagtantiya namin, kung yaong paliku-likong pila ay itutuwid, masasakop nito ang distansiya mula Ramon Magsaysay High School sa España hanggang sa panulukan ng Nicanor Reyes Street (lalong kilala bilang Morayta, ang luma nitong pangalan).
Samantala'y kung araw-araw tayong nanonood ng Eat! Bulaga, baka mapansin nating tila parami nang parami ang sumasali sa kanilang mga promo at pakontes. Ay akong ngang hindi naman sadyang nanonood ng Eat! Bulaga kundi nakapapanood lamang nito sa telebisyon ng mga sinasakyan kong bus ay nakapapansin na nito, di lalo na marahil yaong mga suki ng naturang programa.
Madaling hanapin ang pangunahing dahilan ng mga pangyayari: dumarami ang nagtataya sa pag-asang sila'y pagpalain ng kapalaran at biglang yumaman.
At hindi natin sila masisisi. Ang mga pangyayaring ito'y repleksiyon ng kalagayan ngayon ng kabuhayan sa ating bansa.
Ang antas ng disempleyo, bagama't bumababa raw ayon sa mga henyong sina Gloria Macapagal-Arroyo at Patricia Sto. Tomas, ay wala pa ring pagbaba sa double-digit na antas na unang naitala sa Pilipinas noong 1957 at lumitaw na lamang muli noong 2003.
Nasa 10 sa araw-araw, ayon sa pagtataya ng IBON Foundation, ang nagsasarang small- at medium-scale enterprise sa Pilipinas dahil sa matinding kumpetisyong dulot ng mga korporasyong transnasyunal. Mahigit sa 200 manggagawa tuloy ang araw-araw ay nawawalan ng trabaho.
Samantala, ang halaga ng mga pangunahing bilihin at serbisyo ay patuloy na tumataas, dahil sa tuluy-tuloy na pagsadsad ng halaga ng piso laban sa dolyar na dulot naman ng globalisasyon katulad ng aaminin maging ng negosyanteng si Raul Concepcion, datapwat walang kakabit na pagtaas sa kita ng mga mamamayan.
Mula sa P455.94 noong 2003, ang pang-araw-araw na gastusin sa pamumuhay para sa isang pamilyang may dalawang magulang at apat na anak--ang karaniwang pamilyang Pilipino--ay nasa P492.19 na ngayon, batay sa datos mula mismo sa National Statistics Office (NSO). Samantala, ang pangkalahatang minimum na sahod ay nasa P202.59 lamang, batay sa datos mula sa National Wages and Productivity Commission (NWPC).
Kung tutuusin natin ang katumbas ng P492.19 sa isang buwan, ito'y aabot sa P14,190. Maging sa hanay ng mga empleyado sa mga opisina ay marami ang hindi aabot sa ganito ang buwanang kinikita.
Yaon namang mga magsasakang palay ang itinatanim ay umaabot lamang sa P2,000 ang karaniwang kinikita matapos na magbenta ng ani, at ito'y kailangan nilang papagkasyahin sa loob ng tatlong buwan--hanggang sa susunod na anihan. Ito'y katumbas ng P22.22 lamang sa bawat araw.
Sa ganitong desperadong kalagayan ng bansa, dumarami ang nakaiisip na mangapit sa kapalaran sa pag-asang biglang mahango mula sa putikan.

Thursday, February 24, 2005
DI PUMUPUSYAW ANG HIMIG NG MGA KISSA
Ang kahapon ay ang ngayon din, Sulu.
Hindi nagmumulto ang pamamaslang sa Bud Dajo
sapagkat di yumao ang mga namaslang.
Ang kahapon at ang ngayon
ay walang ipinagkaiba kundi ang mga taon:
ang mga may karapatan sa yaman ng lupain
ay dinarahas ng mga kawatan,
mag dayo't mga tagaritong dugong-bughaw.
Ang ngayon ay ang kahapon din, Sulu:
ang mga salarin ay sila at sila rin.
Kaya't di pumupusyaw ang himig ng mga kissa.

Wednesday, January 26, 2005
KALATAS SA LUISITA MALL
sa likod ng maaliwalas mong mukha
ganap kang kalbaryo O Luisita
sapagkat dinilig ng dugo at luha
ang sagana at mayaman mong dibdib
-- Santiago Villafania, "Sonito 207: Hacienda Luisita"
I
Minsa'y may nagsabi sa akin
na tila sadya kang itinulos sa aspalto
upang takpan ang nagnanaknak na kahirapan
sa sinapupunan ng Hacienda Luisita.
Hindi ko ito sasalungatin.
Paano ko pabubulaanan
ang katotohanang kasinliwanag ng sanlibong araw?
Sa likod ng iyong ipinagyayabang na karangyaan,
nakalulula ang mga larawan
ng manggagawang-bukid na ang lingguhang sahod ay di maipambibili
ng kahit galunggong;
ng sakadang walang maiulam kundi hangin,
ng naghihikahos na manggagawang ayaw bigyan ng dagdag sa sahod.
II
Ikaw ang ngiti ni Kris Aquino,
panapal sa luhang bumabaha sa Hacienda Luisita.
Ikaw ang rosaryo ni Cory Aquino,
pangkubli sa kaimpaktuhang kamakaila'y dumakma
sa kayraming busabos na nangarap mabuhay.
Ikaw ang mga paliwanag ni Peping Cojuangco,
pampalabo sa mga totoong kaganapan.

Sunday, January 23, 2005
KABYAWAN SA FUDGE
At nailabas din naming Kilometer 64 ang aming ikaanim na chapbook ng mga tula. Ito'y tungkol sa mga nangyayari sa Hacienda Luisita, lalo na ang madugong pagbuwag sa hanay ng mga welgista noong Nobyembre 16 ng taong nagdaan, at pinamagatang Kabyawan.
Bakit Kabyawan? Pakinggan natin ang tagapagtatag ng grupo, si Rustum Casia: "Panahon ng anihan (nang) iputok ng mga manggagawa ng Central Azucarera de Tarlac (CAT) at mga manggagawang bukid ng Hacienda Luisita Inc. (HLI) ang welga.
"Kabyawan."
Pangunahing gumugunita sa marahas na pagbuwag na humantong sa isang masaker noong Nobyembre 16, tumutukoy rin ang mga tula sa Kabyawan sa matinding pagsasamantalang dinaranas ng mga manggagawa at manggagawang-bukid sa Hacienda Luisita--ang di-pamamahagi ng lupang dapat ay naipamahagi na noon pang 1967, ang pagpapasahod sa manggagawang-bukid ng P9.50 lamang sa bawat araw ng patrabaho at pagpapatrabaho nang dalawang araw lamang sa bawat linggo, ang napakababang bayad sa mga sakada na hindi sapat upang maipambili man lamang ng ulam na kapirasong tuyo, ang kulang na pasahod sa mga manggagawa sa milling.
Ang mga ito'y mga bagay na nagaganap sa gitna ng nakalululang karangyaan ng mga Cojuangco at Aquino, ang mayayabang na may-ari ng Hacienda Luisita.
Ginanap ang paglulunsad ng koleksiyon noong Enero 20 sa Fudge Cafe, ang paborito naming tambayan, na matatagpuan sa España Street, Sampaloc, Maynila.
Dito'y nagkaroon ng mga pagtatanghal. May pagbigkas ng tula mula kina Sonny Villafania, Jonar Sabilano, Kapi Capistrano, Babes Alejo, Spin (na sapagkat mayaman ay may bahay dito at dito), Rustum, sa Dulaang Katig, at sa inyong lingkod. Tumugtog din ang ND Go Gerls at ang inyong lingkod. Mayroon ding pagtatanghal ang performance artist na si Boyet de Mesa ng Tupada at New World Disorder.
Sa isang bahagi ng programa'y ipinalabas namin ang Sa Ngalan ng Tubo, isang bidyo dokumentaryong produksiyon ng Tudla Multi-Media Network, na tungkol sa mga pundamental na usapin sa likod ng welga sa Hacienda Luisita at sa karahasang naganap noong Nobyembre 16. Matapos ito'y nagbigay ng pananalita si Ka Rodel Mesa, isang tagapagsalita ng Alyansa ng mga Manggagawang-Bukid sa Asyenda Luisita (AMBALA), na naimbitahan namin.
Samantalang nagtatampok ng mga tula mula sa mga kasapi ng Kilometer 64, ang Kabyawan ay may tig-i-tig-isa ring ambag na tula mula sa mga sumusunod: Gelacio Guillermo, isang matagal nang tanyag na makata ng protesta at dating manggagawa sa Hacienda Luisita; Danilo Ramos, isang magbubukid mula sa Bulacan at pambansang tagapangulo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP); at Ronalyn Olea, dating tagapangulo ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP), ikatlong nominado ng Anak ng Bayan Youth Party (AnB) sa halalan sa party-list nitong nagdaang eleksiyon, at ngayo'y nasa National Union of Students of the Philippines (NUSP).
Mabibili ang bawat kopya ng Kabyawan sa halagang P20. Kung paano makabibili nito'y malalaman sa pamamagitan ng pagpunta sa e-group ng Kilometer 64.

Friday, December 24, 2004
INGAY
Dalawa sa mga blogger na madalas kong bisitahin ang mga blog--sina Ederic at Apol the Great--ang kamakaila'y kapwa may entry hinggil sa maiingay sa mga pampublikong sasakyan.
Mapanudyo si Ederic doon sa taong nakasakay niya minsan sa isang bus, na kay-ingay raw magpatugtog ng kanyang Walkman. "Kung inaakala mong sobrang ok pare ang tingin sa ‘yo ng iba dahil may libreng radyo kang dala," aniya, "sorry nagkakamali ka. Di lahat ng tao ay adik sa music mo! At nga pala, alam mo bang pwede kang gumamit ng bagay na isinasaksak sa tainga nang ikaw lang ang makarinig sa music mo? Earphones ang tawag dun!"
Samantala, ikinukuwento naman ni Apol ang nakasakay niyang mag-asawa sa dyip, na wala raw ginawa sa lahat ng sandaling kasakay niya sila kundi magbungangaan. Partikular niyang inasinta ng kanyang pangungutya yaong ale, na kaipala'y sa labis niyang pagkainis ay napagdiskitahan tuloy niya pati ang amoy.
Ang kanilang mga interesanteng kuwento ay nakapagpapagunita sa akin ng kamakailan din lamang ay sarili kong karanasan sa mga taong nasa pampublikong sasakyan ay walang kapaki-pakialam sa kalagayan ng kanilang mga kapwa pasahero.
Lampas na sa ikasiyam ng gabi noon at ako'y galing sa isang partikular na nakapapagod na coverage. Ipinasya kong samantalahin ang mahaba-haba rin namang biyahe ng bus mula sa may Taft-Gil Puyat hanggang sa aming tinitirhan sa labas ng Kamaynilaan upang matulog.
Aba'y nakatutulug-tulog na ako nang may bigla akong marinig na ingay sa bandang likuran ko. Sa simula'y hindi ko mahanap ang pinagmumulan ng ingay. Muli akong nagsandal ng ulo sa salamin ng bintana at pumikit, naiisip ko'y wala na ang ingay maya-maya lamang.
At doon ko naalaalang hindi magaling ang basta na lamang magpapala-palagay. Ang akala ko'y agad na pinabulaanan ng pagpapatuloy ng walang-katuturang ingay mula sa dalawang mukhang binatilyo dalawang upuan ang layo sa akin, na tila ginagaya ang ilang cartoon character sa telebisyon at sa bawat limang segundo'y pumapatid sa aking pagtapak sa mundo ng mga panaginip (ganoon kalalim ang aking antok noon).
Taglay ang pagkakakumbinsi sa pangangatwirang lahat kaming pasahero'y magbabayad kaya't nauna man sila (nakita ko na silang nakaupo nang ako'y sumakay) ay may karapatan kaming lahat sa isang biyaheng walang istorbo, ipinasya kong gumawa na ng hakbang.
Sa simula'y dinaan ko sa pagtitig. May limang minuto ko silang tinitigan ngunit nahulo ko ring hindi uubra ang taktikang ito, pagkat nakita na nila akong nakatingin sa kanila'y para bang walang anuman sa kanila.
Hanggang sa binigkas ko na lamang, habang nakatitig pa rin sa kanila, ang: "May problema kayo, 'tol? 'Tang ina n'yo, parang kayo lang ang tao rito, a."
(Sa yugtong ito'y hinubad ko na ang aking relo at ethnic bracelet, handang gamitin ang mga kamao kung hihingin ng mga pagkakataon.)
At naging maayos ang biyahe sapul sa sandaling iyon.

Thursday, December 23, 2004
HALAGA NG PANULAAN NG PAKIKISANGKOT
Isang lubhang di-inaasahang pagkakataon ang aming pagkakatuklas ng isang blog entry na nagtatangkang makipagtalo sa minsa'y sinulat namin hinggil sa kapangyarihan ng tula bilang isang anyong pampanitikan at sa di-maiwasang ibinubunga nitong mabigat na katungkulan ng makata sa lipunan. Kundi pa sa pangyayaring may hinahanap kami sa Internet na akda ng isa sa mga binabasa naming makata ay hindi ko pa matatagpuan ang blog entry na ito.
Oo, magpahanggang ngayong tapos na ang batas militar (lusak daw ng batas militar ang tahasang pagdidiskurso tungkol sa tungkuling panlipunan ng manunulat kahit na ito'y nagsimula pa sa panahon ni Dr. Salvador Lopez, noong dekada 1930) ay dapat igiit na may tungkulin ang manunulat--lalo na ang makata--sa pagbabago ng lipunan. Sapagkat ang mga kalagayang ipinagsanggalang mg batas militar--ang dayuhang kontrol sa ating ekonomiya, ang paghihirap ng napakarami sa gitna ng nakalululang kayamanan ng iilan (dahil sa pagsasamantalang tulad ng dinaranas ng mga manggagawa't sakada ng Hacienda Luisita)--ay narito pa rin. Sino ang pangahas na magsasabing nagbago na ang panahon?
Bilang unang sagot sa aming sinulat, sinabi ng blogger na ito--na kapuri-puri't umaamin namang siya'y hindi kritiko ng panulaan--na ang mga pananalita ni Mao Tse Tung sa Yenan Forum ay "laan sa lumang Tsina, hindi sa Tsinang lumalalang ng mga piniratang DVD, mga dekadenteng librong inililimbag nang lihim, mga drogang pangmayaman, at mga rave party."
Sa aming piyesang pinatutungkulan ay ni hindi namin nabanggit ni kapiraso ang Yenan Forum. Si Mao Tse Tung, oo, ngunit ang Yenan Forum?
Kaya naman higit na madali sa aming palagay ang tuusin ang layo sa pagitan ng A at B kaysa huluin kung paano napasok ang Yenan Forum sa usapan.
Sinasabi pa sa blog entry na aming tinutukoy na hindi raw dapat ang ginawa naming pagsasabing lahat ng marunong bumasa'y nagkakaisang ang tula'y siyang pinakamakapangyarihang anyong pampanitikan, liban na lamang daw kung itinuturing naming tula ang "Di ko kayang tanggapin/Na mawawala ka na sa akin" ni April Boy Regino, na talaga namang hindi namin itinuturing na tula--na kanya namang kinilala at dito siya tumama.
Nasa ganitong linya ng pangangatwiran ang pagpapalagay na higit pang pinipili ng masa ang mga kantang tulad ng kay April Boy Regino kaysa sa mga tula. Ngunit sabihin nga ninyo sa amin, ilan sa mga tagapakinig ni April Boy Regino ang may pagkakataong makabasa ng tula, sa bansang ito kung saan kakaunti ang mga pampublikong aklatan at kakaunti ang mga paaralang may mahuhusay na aklatan (at ilan nga ba ang nakapag-aaral sa dinami-rami ng tao sa Pilipinas?) at kaymamahal ng karamihan sa matitinong aklat sapagkat mahal na nga ang papel ay binubuwisan pa nang mataas ang publikasyon?
Bilang isang hindi lamang manunulat ng tula kundi mambibigkas din nito, magyayabang na kami at magsasabing walang maaaring makipagtalo sa amin hinggil sa kapangyarihan ng tula--lalo na ang mga hindi kailanman nakasubok na bumigkas ng tula sa harap ng publiko dahil kaagad nang nag-akalang walang makikinig sa kanila dahil higit na gugustuhin ng madlang marinig ang mga kabalbalang tulad ng: "Kailangan pa bang i-memorize 'yan?"
Sa gulang naming 27 ay marami-rami na ang aming karanasan sa pampublikong pagbigkas ng tula. Nakabigkas na kami ng tula maging sa mga lunan kung saan tiyak naming ang karamihan sa mga tagapakinig ay hindi aktibista (nababanggit namin ito dahil tinukoy ang aming pagkakasangkot sa kilusang protesta, at baka sabihin sa aming natural na maiintindihan kami ng mga nakakasalamuha namin sa kilusang ito). Nakikita namin ang kapangyarihan ng tula sa nagiging tugon ng madla sa aming mga pagbigkas--at binibigkas.
Bukod pa'y bakit higit nating madaling matandaan nang eksakto ang maiinam na linya sa mga tulang nababasa natin kaysa sa mga eksena sa mga kuwento o dula o nobela?
Nabanggit na rin lamang ang mga kanta ni April Boy Regino ay lubus-lubusin na natin. Sa tinukoy naming argumento laban sa pagsasabi naming pinakamakapangyarihang anyong pampanitikan ang tula ay may kubling panduduro sa mga karaniwang tao, na silang pangunahing inaabot ng panitikang makabayan at makalipunan sapagkat sila naman talaga ang may mapagpasyang papel sa kasaysayan dahil sa kanilang bilang: may natatagong pagpapalagay na walang alam ang masa liban sa maakit sa mga katarantaduhang "kanta" at iba pang kaungasan ng kulturang popular.
Baka magulat kayo kapag ipinakilala ko sa inyo ang sandamukal na nakikilala kong nagmula sa itinuturing na pinakamahuhusay na pamantasan sa Pilipinas, na mga tagahanga ng mga "kantang" pinaggagagawa ni Lito Camo para sa Sex Bomb at Viva Hot Babes ngunit hindi maunawaan ang mga tulad ng "Kung ang Tula ay Isa Lamang" ni Jess Santiago (sapagkat hindi naman nagsanay na magbasa ng ganitong mga sulatin kahit na ang mga ito'y abot-kamay lamang nila sa mga aklatan ng kanilang kasindak-sindak na mga pamantasan).
Hindi monopolyo ng mga kapos sa pormal na pinag-aralan ang kamangmangan, at mapatatawad ang "kamangmangan" ng mga tulad nila dahil sila'y kapos sa pagkakataon. Ngunit kapag inihatid sa masa ang makabuluhang sining ay kaya nilang unawain at pahalagahan ito, na pinatunayan ng pagdagsa ng mga karaniwang taong-kalye sa Kulturang Kalye noong Pebrero 2003, kung saan kasama sa mga nagtanghal at matinding pinalakpakan ng mga manonood sina Jess Santiago, Heber Bartolome, Joey Ayala, at Gary Granada.
At sapagkat ang masa'y may kakayahang umunawa sa sandaling dalhin sa kanila ang panitikan--lalo na ang tula--na nananawagan ng pagbabago sa kalagayan ng bansa't lipunan, may katungkulan ang lahat ng manunulat, lalo na ang mga makata, na tumalunton sa landas ng pakikisangkot.

Thursday, December 16, 2004
KAY LIGAYA PARAISO, NA MALAMANG SA HINDI'Y NAGIMBAL NANG MAPAG-ALAMANG SIYA'Y HINDI IPAPASOK NA KATULONG KUNDI IBUBUGAW
Ang Misis Cruz na iyon ay Misis Cruz lamang habang nangangalap ng babae. Sa tunay na Siya, siya'y hindi si Misis Cruz.
Marahil ay maganda si Ligaya at sina Edes at Saling ay hindi. Hindi ipapasok na alila ang isang magandang dalaga. Sayang. Higit siyang pagkakasalapian sa ibang paraan. Puwede, halimbawa, na ibenta sa isang "kasa." Sa ano't ano man, tiyak na si Ligaya ay kulong, walang laya, (kaya't) ni hindi makasulat sa kanyang mga dapat sulatan.
-- Edgardo M. Reyes, Sa mga Kuko ng Liwanag
I
Matagal ka nang ibinubugaw, Ligaya Paraiso.
At hindi lang ikaw.
II
Sangkatutak ang "pambansa" sa ating bayan:
Pambansang kasuotan.
Pambansang bulaklak.
Pambansang sayaw.
Pambansang hayop.
Sandamukal na pambansang lansangan.
Idagdag mo na riyan
ang pambansang Misis Cruz.
III
Ligaya, kaytagal mo nang ibinubugaw,
at hindi lang ikaw.
Naroon sa palasyo sa may Ilog Pasig
ang pambansang Misis Cruz,
na bukod
sa pagiging kabugaw-bugawan sa lahat ng bugaw
ay kaputa-putahan din sa lahat ng puta.
IV
Sa isang digmaan noon, Ligaya,
binura ng mga mamamayang Biyetnames
sa mukha ng mundo
ang kanilang pambansang Misis Cruz
na si Ngo Dinh Diem,
at pinalayas
ang lahat niyang suki.

Sunday, December 05, 2004
HEIGHT OF HISTORICAL MENDACITY
In a speech at the University of the Philippines last Nov. 23, F. Sionil Jose, 2001 National Artist for Literature, attacked nationalist statesmen Claro M. Recto and Lorenzo Tañada--while in the same breath calling for a "revolution"--in keeping with what seems to be a habit he developed through the years. He branded the nationalism they preached as "phony" and "socially meaningless."
This idea runs through his novels and short stories. Of late, in his novel Viajero (1993), Pepe Samson tells the protagonist Salvador de la Raza: "The bourgeois nationalists--Recto and Tañada--they merely hated the Americans." Pepe Samson is the protagonist of an earlier novel, Mass (first published in translation, 1982) in which C.M. Recto Avenue in Manila, named after the late statesman, is called the Rectum of Manila.
Jose has never elaborated on his basis for berating Recto and Tañada, except to say repeatedly in his columns that: "Recto and Tañada opposed agrarian reform, the single most important political act that could have lifted this country then from poverty and released the peasantry from its centuries-old bondage."
The role of the US in Philippine affairs is never to be downplayed. Jose might be interested to find out that the US Agency for International Development (USAID) had a hand in several Philippine land reform programs--including the Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) of 1988. The Philippine peasantry remains bound to penury, except in areas where agrarian reform has been undertaken in a revolutionary manner--beyond the confines of government.
Recto could indeed be faulted for opposing agrarian reform at some point in his life. But based on their record, to automatically label his and Tañada's nationalism as "phony" and "socially meaningless" for this is to commit treason against history.
For the record, Recto and Tañada contributed immensely to the quest for Filipino economic sovereignty. They were among the most prominent proponents of a national economy characterized by well-developed, Filipino-owned industries that would be the primary users of raw materials produced on Philippine soil.
The correctness of this idea of theirs would be proven in due time. The Filipino First Policy implemented during the Carlos P. Garcia presidency (1957-61), though in nature very conservative compared to Recto and Tañada's nationalist industrialization advocacy, did considerable wonders for the Philippine economy.
Recto and Tañada had the prescience to understand that an economy which receives investments from foreign capital but allows massive repatriation of profits, notwithstanding the use of its own resources, would suffer the pain of decapitalization. We have our ballooning foreign debt, caused by the continuous depletion of our dollar reserves, to prove that: from $150 million in 1961 to $56 billion in 2004.
Likewise, it was Recto and Tañada who first articulated opposition to foreign military presence on Philippine soil. They comprehended well that hosting foreign military bases is tantamount to inevitable involvement in foreign wars--an affront to sovereignty. Indeed, many US attacks on Vietnam were launched from Subic and Clark, making the Philippine government an accomplice to mass murders like the My Lai Massacre.
Recto could indeed be criticized for opposing land reform at some point in his life. For most of his life, he did not have enough awareness of the nature of the Philippines as a neocolonial and semi-feudal economy to realize that genuine agrarian reform is an inevitable prerequisite to nationalist industrialization, for it is the liberation of the country's most numerous sector and thus the largest component of its consumer base--the peasantry--from poverty that will catalyze the establishment, and ensure the sustenance, of strategic national industries.
But in his last years, his articulations were beginning to contain the seeds of advocacy for a more equitable distribution of wealth, aside from his nationalist ideas. He was on his way to appreciating the value of real agrarian reform.
In any case, his critique of US neocolonialism was and still is instructive in the analysis of Philippine economic conditions.
As for Tañada, former Sens. Arturo Tolentino and Rene Saguisag have set the record straight for him. He opposed Diosdado Macapagal's land reform bill not because he was opposed to land reform, but because it had provisions incompatible with the Constitution.
Anyhow, Macapagal's land reform was a very tame one that offered a lot of loopholes for big landlords.
Moreover, it is best that a man be judged by the totality of his life. That Tañada founded and headed the Bagong Alyansang Makabayan (Bayan or New Patriotic Alliance) which includes under its umbrella groups advocating genuine agrarian reform, and that he expressed total sympathy for the victims of the Mendiola Massacre, are telling enough.
That Recto opposed land reform at one point and Tañada voted against a land reform bill does not automatically mean that they are worthless to this country's history. Even Jose Maria Sison--an intellectual and activist far more radical than the 2001 National Artist for Literature could ever claim to be or have been--acknowledges debts to the two nationalist stalwarts.
To brand Recto and Tañada as "phony" and "socially meaningless" nationalists is the height of historical mendacity.

Friday, November 19, 2004
MAY HANGGAN ANG LIPAD NG KAPALALUAN
(Kay Kris Aquino, matapos niyang ipagmalaking ang kanyang mga alahas ay "katas ng Hacienda Luisita")
Gaano maaaring kumapal ang mukha ng tao?
Higit pa sa kapal ng etera
ng buong kalawakan.
Kaya naman nasisikmurang magyabang ng tao
kung kanyang naipambibili ng pinakamahal na mga alahas
ang dugong piniga mula sa nag-uusliang ugat
ng mga manggagawa't sakada sa tubuhan.
Ngunit hanggang saan makalilipad ang kapalaluan?
Hindi sapat ang kislap ng mga alahas
upang pawiin ang pagdidilim ng karangalan.
Kristina,
ngayon pa lamang ay nalulusaw na ang inyong pangalan
sa naglalagablab na panduduro ng kasaysayan
na magsasalaysay ng inyong kaimpaktuhan.

Wednesday, November 17, 2004
HACIENDA LUISITA
Sa tamis ng bawat iluwal mong butil ng asukal
ay pait ng luha't pawis ng sakada't manggagawa
na nilalamon ng kagutuman.
Sa bawat pakikibaka alang-alang sa buhay
ng mga nagbubungkal ng iyong lupa
ay may paghingang pinuputol ng mga punlo
sa ibabaw ng iyong nabubundat na tiyan.
Hacienda Luisita,
saanman ibaling ang mga mata
ay mukha mong nakangisi ang natatanaw:
nakikita ko sa iyong mga pinaslang na welgista
ang mga ibinuwal na sakada ng Escalante
at mga itinumbang magsasaka sa Mendiola.
Magpista ka, Hacienda Luisita,
sa tamis ng dugo ng mga binaklasan ng buhay
nang dahil sa paggigiit ng karapatang mabuhay.
Ngunit mangilabot ka,
pagkat wala pang nakapagbubuwal
at walang makapagbubuwal
sa Bundok Arayat!

Tuesday, November 09, 2004
AKO AY PILIPINO (?)
Sa isa sa kanyang pinakabagong mga kolum sa diyaryong Pinoy Gazette, na kanya ring inilabas bilang isang blog entry sa kanyang website, ang kaibigan namin at kapwa manunulat na si Ederic Eder ay nagbato ng isang magandang tanong na sukat pag-isipan ng bawat Pilipino: "Awtomatikong Pilipino ka na ba kung ikaw ay may ninunong Pinoy at kumakain ng adobo o marunong (kumanta) ng 'Ako ay Pilipino'?"
Ang tanong ay kanyang ipinupukol sa konteksto ng lubhang malaking media blitz na natanggap ng pagdating sa Pilipinas ng American Idol finalist na si Jasmine Trias. Sa press conference kasing isinagawa nang dumating sa bansa ang laking-Hawaii na instant celebrity, sinabi nitong siya'y isang Pilipino sa kaibuturan ng kanyang puso kahit na siya'y lumaki sa ibang bansa, at bilang isa sa mga pagpapatunay nito ay ibinahagi niyang alam niya ang kantang "Ako ay Pilipino."
Napanood namin sa telebisyon ang eksenang iyon habang sakay kami ng isang bus pauwi mula sa trabaho. Agad naming naalaala ang sinabi ni Sen. Aquilino Pimentel, Jr. tungkol sa kantang ginamit ni Trias upang patunayan ang kanyang pagka-Pilipino.
Sa isang higit na maagang bahagi ng taong ito, si Pimentel ay binatikos ng isang artikulo sa Philippine Daily Inquirer nang sa isang okasyon ay hindi niya nagawang sabayan nang maayos ang mga kasama niya sa pagkanta ng "Ako ay Pilipino." Isang liham sa patnugot ang isinagot ni Pimentel sa artikulong iyon; sinabi niyang ang naturang kanta'y kanyang iniwasan "na tulad ng isang salot" noong panahon ng batas militar (1972-86).
Yaong may mahahabang alaala sa kasaysayan ay kaagad na makagugunita sa sinabing ito ni Pimentel sa pangyayaring ang "Ako ay Pilipino" ay bahagi ng kultural na aparato ng diktadurang Marcos. Ito'y nilikha ng maninitik-kompositor na si George Canseco sa bisa ng isang kumisyon mula sa dating Unang Ginang Imelda Marcos. Isa sa mga linya ng kantang ito ay "Isang bansa, isang diwa"--islogan ng pasistang rehimen.
Nababanggit namin ang lahat ng detalyeng ito sapagkat pawang mahalaga sa pagsusuri kung tunay nga bang nagtatanim ng maka-Pilipinong diwa ang kantang "Ako ay Pilipino" sa mga tagapakinig.
Narito ang mga linya ng "Ako ay Pilipino" bago ang koro:
Ako ay Pilipino
Ang dugo'y maharlika
Likas sa aking puso
Adhikaing kayganda
Sa Pilipinas na aking bayan
Lantay na Perlas ng Silanganan
Wari'y natipon ang kayamanan
ng Maykapal
Bigay sa 'king talino
Sa mabuti lang laan
Sa aki'y katutubo
Ang maging mapagmahal
Kung ang mga linyang ito at ang mga linyang ito lamang ang titingnan, kaagad nating pakakahuluganan ang kanta bilang isang pagmamalaki sa pagiging Pilipino ng Pilipino.
Pumunta na tayo sa koro:
Ako ay Pilipino
Ako ay Pilipino
Isang bansa, isang diwa
Ang minimithi ko
Sa bayan ko't bandila
Laan, buhay ko't diwa
Ako ay Pilipino
Pilipinong totoo
Ako ay Pilipino
Ako ay Pilipino
Taas-noo kahit kanino
Ang Pilipino ay ako
Sa unang taludtod sa koro, ang masasagap ay waring isang hangad na magkaisa ang bansa. Doon naman sa sumunod na taludtod ay tila inihahayag ang isang kahandaang mag-alay ng talino at maging ng buhay alang-alang sa bansa at sa bandilang kinakatawan nito.
Lahat nito'y magdadala sa atin sa ilang tanong: Makabayan nga ba ang rehimeng Marcos? Pagkamakabayan ba ang nagbunsod ng pagkakadeklara ng batas militar? Kung gayo'y bakit kayraming makabayan tulad nina Lorenzo Tañada at Jose W. Diokno ang nabilanggo sa panahon ng pag-iral nito?
Balikan natin sandali kung ano ang nagsilang sa batas militar ni Marcos.
Ang sinundan ni Marcos sa pagkapangulo ng Pilipinas ay si Diosdado Macapagal, ama ng kasalukuyang pangulong si Gloria Macapagal-Arroyo. Kilala si Macapagal sa pagpapatupad ng patakarang decontrol sa ekonomiya: pinababa niya ang mga taripa sa mga angkat na produkto, at hinayaan niya ang walang-sagkang repatriyasyon ng mga tubo ng mga korporasyong multinasyunal.
Ang mga empresa natin, kung saan lamang ang mga multinasyunal pagdating sa dami ng kapital at taas ng teknolohiya, ay natalo sa kumpetisyong idinulot nito, at bumilis ang pagkalagas ng kapital ng bansa. Ayon sa istoryador-ekonomistang si Ricco Alejandro M. Santos, humantong ito sa pagkakapinid ng 10,000 empresa at malawakang pagkawala ng mga trabaho.
Ang mga kalagayang nilikha ng panguluhan ni Macapagal ay nagluwal din ng isang malawakang makabayang kilusang protesta.
Papalakas ang kilusang ito nang maging pangulo si Marcos noong 1965, at nang muli siyang mahalal noong 1969 ay sumuot na ang adyenda nito maging sa mga bulwagan ng kairalan.
Nang taong nabanggit, ang Kongreso, dama ang matinding pagtutulak ng mga makabayang sektor, ay nagpasa ng isang Magna Carta na nagsusulong ng makabansang industriyalisasyon laban sa mga dikta ng Kambal ng Bretton Woods (International Monetary Fund at World Bank o IMF-WB). Noong 1971-72, malakas ang dating ng mga makabayang puwersa sa Kumbensiyong Konstitusyonal. Noong 1972, ipinawalang-bisa ng Kataas-taasang Hukuman ang lahat ng pagkakapagbili ng lupang Pilipino sa mga dayuhang korporasyon matapos ang 1945 (kasong Quasha), at pati ang mga pagtataas ng presyo ng langis ng mga dayuhang kumpanyang nagbebenta nito.
Ang kauna-unahang hakbang ni Marcos matapos ang pagpapatupad ng PD 1081 ay ang pagbabaligtad sa kasong Quasha. Mismong isang ulat ng Kongreso ng Estados Unidos ang nagsabing noong panahon ng batas militar ay nag-ibayo ang mga pribilehiyo ng mga banyagang korporasyon sa Pilipinas.
Sa panahon ng batas militar, maraming dinakip at ibinilanggong lider at kasapi ng mga kilusang nagsusulong ng soberanya at katarungang panlipunan. Ang batas militar ay tugon ng gobyernong Marcos sa palakas nang palakas na panawagan para sa batayang pagbabago ng lipunan.
Ngunit sa isang antas ay alam nina Marcos na sa lakas ng kilusang protesta ay hindi nila ito magagapi sa pamamagitan lamang ng dahas, kaya't gumamit din sila ng propaganda. Ito ang malambot na aspeto ng diktadura.
Pangunahin sa mga hakbang tungo rito ang "pagpaparangal" sa aktibistang manunulat na si Amado V. Hernandez (yumao noong 1970) bilang Pambansang Alagad ng Sining ng Panitikan noong 1973. Sa pamamagitan nito, nilayon ng diktadurang palitawing tinatangkilik nito ang radikal na diwa sa makabansa at makalipunang mga akda ni Ka Amado.
Ngunit pansining kayraming manunulat na sumunod sa mga yapak ni Ka Amado ang dumanas ng iba't ibang hagupit ng estado noon ding batas militar: Jose Maria Sison, ang magkapatid na Jose at Emmanuel Lacaba, Lorena Barros, Alan Jazmines, Bonifacio Ilagan, Satur Ocampo, Bienvenido Lumbera, Luis Teodoro, Renato Constantino, Armando Malay, at iba pa. Kung buhay si Hernandez nang magkaroon ng batas militar, tiyak na siya'y parurusahan din ng estado.
Sumakabilang-buhay na nga lamang si Hernandez noon kaya't hindi na makapagtanggol laban sa pambabaluktot sa kanyang diwa.
Ang kantang "Ako ay Pilipino" ay isang tusong pagtatangkang ilihis ang direksiyon ng nasyunalismong inabot ni Marcos na lumalaganap. Inilalako ng naturang kanta ang isang nasyunalismong walang pagtutol sa neokolonyal na dominasyon ng Estados Unidos sa Pilipinas. Nilalayon ng kantang itong tanggalan ng ngipin ang uri ng makabayang diwang kumakalat noon.
Ang "Isang bansa, isang diwa" sa naturang kanta ay siya ngang islogan ng diktadura, at isang panawagan sa "pagkakaisa" ng bansa sa likod ng makadayuhan, makamayaman, at mapanikil na "Bagong Lipunan."
Anti-Pilipino, kung gayon, ang kantang ito. Sinumang nagsasabing siya'y Pilipino dahil alam niyang kantahin ang "Ako ay Pilipino" ay nangangailangan ng masusing pagbabasa sa ating kasaysayan.

Tuesday, November 02, 2004
KALATAS SA ISANG MANG-AAWIT
Di ko kailangang magpaguwapo
Upang hangaan, pansinin ng tao
Ang kailangan ko'y ang maging totoo
Awitin ang dapat sa panahong ito
-- Heber Bartolome, "Ako'y Mang-aawit ng Aking Panahon"
(Kalamansi sa Sugat, 1985)
Sana’y di ka pa tumitigil
sa pananahi ng mga bagong awitin ng bayan.
Panahon mo’y panahon ko rin:
nasa iisang pahina tayo ng kasaysayan,
nakalugal nga lamang
sa magkaibang talata.
Noon at ngayon ma’y maraming nagugutom,
nagugutom sa gitna
ng pagkaing sapat upang magpatubo
ng impatso sa lahat:
ginugutom
ni Tiyo Samuel
at ng dugong-bughaw na kanyang mga alila.
Di nalulusaw
ang pangangailangang maghiwa ng palad
at magpiga ng kalamansi sa mga sugat:
laganap ang musikang hinabi
sa gayuma ng Ibong Adarna,
ginagawang bato ang mga utak
at pinapawi sa paningin
ang mga sakit ng ating bansa.
Maaaring nauna ka sa akin,
ngunit iisa ang ating panahon:
ito’y panahong kayraming katotohanan
ang itinatago.
Sana’y di ka pa tumitigil
sa pagtatahi ng mga bagong awitin ng bayan:
awitin natin
ang dapat awitin sa panahong ito.

Wednesday, October 27, 2004
SA AKING PANULAT
Huwag sanang tulutan ng tadhana
na ako'y lisanin mo sa gitna ng digma.
Ikaw ay masong magagamit
sa pagpapanday ng isang bayan
kung saan walang taong parang asong nakagapos
habang hinihimod ang paa ng kung sino,
kung saan ang mga tao
ay mga mulawing lahat at di mga kawayan.
Ngunit kung wala kang iuukit sa papel
kundi isang pumpon ng mga pinabanguhang kahangalan,
mabuti pang ang mga kamay ko
ay magkadurug-durog sa riles,
dili kaya'y tamaan ng isang libong lintik
upang ikaw
ay di ko na mahawakan pa.

Subscribe to:
Comments (Atom)