THOROUGH AND OBJECTIVE: TAKE TWO
Updated version of an article published in Bulatlat.com on October 6-12, 2002.
Ilocos Norte Rep. Imee Marcos last year called for a “thorough and objective study” of the martial law era. She expressed her desire that the study be done in a scholarly manner, with intellectual rigor taking precedence over emotion, objectivity over partisanship.
In an episode of The Probe Team last April 29, she would repeat the call.
To those who know nothing of the past, this may seem like a lofty call. However, those who know the congresswoman as one of the daughters of the man who imposed martial law 30 years ago - Ferdinand Marcos - would look upon this with suspicion, if not disgust.
Six years into his presidency, Marcos imposed martial rule on Sept. 21, 1972 and through it was able to extend his term for another 14 years. Martial rule was imposed, he said, to thwart the power ascendancy of the oligarchs and the leftists.
One martial law victim, Marivere San Antonio, scorns at the prospect of rehabilitating Marcos and making him a hero.
“We are not happy about it,” said San Antonio, now a member of the Samahan ng mga Ex-Detainees Laban sa Detensyon at para sa Amnestiya (Selda), in an interview September last year. She explained that it is obvious martial law served only to perpetuate the power of the Marcoses and accomplished nothing except widespread human rights violations, as attested to by the fact that there were 10,000 Filipinos, mostly laborers, students, and urban poor whose rights were violated. There are hundreds and thousands more who were similarly affected.
“It is Imee who must look in the mirror,” the Selda member said.
Of course Representative Marcos may dismiss this as a highly partisan assessment of the martial law era.
But even the most dispassionate and clinically detached investigation of the martial law era would reveal that the people were prevented by force from exercising their rights during this period. Even the most dispassionate and clinically detached investigation of the martial law era would reveal that thousands of Filipinos were arrested without warrant, detained for extreme lengths of time without charges, tortured, raped, mutilated during this period—all for pursuing causes opposed to what Marcos had in mind for the Philippines.
What is Left to Study?
In one of the first episodes of I-Witness last September, Imee Marcos was arguing about the supposed merits of the martial law era. In the interview she gave to The Probe Team last April 29, she complained that "only the bad things" are known about her father, but did not say what good things the people ought to know about the late strongman's rule.
“The best roads and bridges were built during martial law,” she said in last year's interview with I-Witness. “Even the movies then were very good.”
Marcos could have built the best roads and bridges even without bringing martial law upon this land. The rights of the people do not have to be treaded upon so infrastructures may be built.
Good infrastructures are essential to economic progress because they accelerate transportation, thereby hastening the delivery of goods and services. The people have all the right, therefore, to benefit from such infrastructures.
But human rights are inalienable. As Jose W. Diokno once said, “Human rights are more than legal concepts: they are the essence of man. They are what make man human. That is why they are called human rights: deny them and you deny man’s humanity.”
Human rights are not privileges that can be exchanged for something else; they are components of human life that must be enjoyed by all human beings at all times. They definitely should not be traded off for roads and bridges.
It would thus be the height of impertinence for Ms. Marcos to expect the Filipino people to thank her father for legalizing the violation of their human rights for nearly two decades because in exchange he gave them the best roads and bridges.
About the “very good” movies that were made during the martial law era, the congresswoman must make herself clear.
If by “very good” movies she meant the bomba films that were shown at the Manila Film Center, someone should offer her a good drink of coffee. Coffee has been proven many times to drown out drunkenness.
It is highly unlikely that she meant the award-winning movies of Lino Brocka, Ishmael Bernal, Mike de Leon and Behn Cervantes. But if she was referring to them, these were films that thrust in the viewers’ faces the times in all their nauseating ugliness. These films were born precisely as cultural protests against the martial law era. (Many of the films of these great directors, particularly Cervantes’s Sakada, were censored.)
Historical Fact-twisting
What makes Ms. Marcos’s call for a “thorough and objective study” of the martial law era dubious is the fact that she hails from a family with a record of historical fact-twisting.
As part of his presidential campaign in 1965, Marcos commissioned an American writer, Hartzell Spence, to write his biography, For Every Tear a Victory. This biography told, among other things, of Marcos having been an active student leader in his younger years — student council president, university paper editor, and fraternity official.
In one of the articles in Renato Constantino and the Marcos Watch, Renato Constantino debunked Marcos’s claims to having been a student leader. Citing the student publications of Marcos’s student days, he revealed that during the time Marcos was supposed to have been a student leader, the president of the UP Student Council was Roberto Benedicto and the editor-in-chief of the Philippine Collegian was Arturo Tolentino. There was no reference to Marcos having been a fraternity official; one of the yearbooks of that period listed him as a simple member of the Upsilon Sigma Phi.
Marcos also claimed in many instances to be the most bemedalled Filipino soldier of the Second World War.
Bonifacio Gillego debunked this claim in his book, The Fake Medals of Marcos. Through painstaking research, he was able to unearth the fact that for Marcos to have accomplished all the deeds for which he was supposed to have been rewarded with medals, he had, in many instances, to be in more than one place at the same time.
As a result of his expose, Gillego, who became a delegate to the 1971 Constitutional Convention, was jailed by Marcos during martial law.
Imelda Marcos claimed several times to have descended from a family of European nobles, but has not been able to offer evidence to prove it.
The very argument of the Marcoses that martial law was in fact a “democratic revolution from the center” speaks clearly of how they regard history.
All these should be more than enough to make us wonder whether Representative Marcos would allow findings that pin the blame on the Marcoses to be officially part of the “thorough and objective study”.
Ms. Marcos, in calling for a “thorough and objective study” of the martial law era, is calling for what has long been a fait accompli. History has delivered its verdict on the Marcoses — she only refuses to accept it.
As lawyer Marichu Lambino of the Public Interest Law Center said of the late dictator, “His place of ignominy has already been established.”
Wednesday, April 30, 2003
Tuesday, April 29, 2003
Wala Nang mga Dinding
Wala nang mga dinding
ang mga pagamutan ng mga baliw
sa aking bayan.
Limot ang Lumpong Manghihimagsik
at ang Pluma ng Plebeyo.
At ang buhay na itatala
ng pinilakang tabing
sa kuwaderno ng kasaysayan
ay buhay ng butangero
at manunugal.
Bayani pala
ang butangero't manunugal
na nagsuplong
sa kapwa butangero't manunugal.
Pinaslang ang katarungan
sa Mindoro Oriental.
At ang bida sa balita
ay ang nakadamit-bagong-silang
na nagtatampisaw
sa buhanginan ng Boracay.
Wala nang mga dinding
ang mga pagamutan ng mga baliw
sa aking bayan.
Wala nang mga dinding
ang mga pagamutan ng mga baliw
sa aking bayan.
Limot ang Lumpong Manghihimagsik
at ang Pluma ng Plebeyo.
At ang buhay na itatala
ng pinilakang tabing
sa kuwaderno ng kasaysayan
ay buhay ng butangero
at manunugal.
Bayani pala
ang butangero't manunugal
na nagsuplong
sa kapwa butangero't manunugal.
Pinaslang ang katarungan
sa Mindoro Oriental.
At ang bida sa balita
ay ang nakadamit-bagong-silang
na nagtatampisaw
sa buhanginan ng Boracay.
Wala nang mga dinding
ang mga pagamutan ng mga baliw
sa aking bayan.
Friday, April 25, 2003
May Muling Pagkabuhay
Isang bangkay
na nakalagak sa kuwebang
binubusalan ng bato
ang katarungan sa Mindoro--
ipinako sa krus
ng mga senturyon
niyaong kayumangging Poncio Pilato
nang kanilang paslangin
sina Eddie Gumanoy at Eden Marcellana.
Ngunit huwag kayong kasisiguro--
may muling pagkabuhay,
at maging ang Roma
ay naigupo!
Isang bangkay
na nakalagak sa kuwebang
binubusalan ng bato
ang katarungan sa Mindoro--
ipinako sa krus
ng mga senturyon
niyaong kayumangging Poncio Pilato
nang kanilang paslangin
sina Eddie Gumanoy at Eden Marcellana.
Ngunit huwag kayong kasisiguro--
may muling pagkabuhay,
at maging ang Roma
ay naigupo!
ANG PILIPINONG MANUNULAT AT ANG KANYANG LIPUNAN
Sa mga talakayang pampanitikan sa mga silid-aralan, lagi’t laging lumilitaw ang tanong na kung ano nga ba ang tungkulin ng manunulat. Ang manunulat ba’y walang tungkulin liban sa magluwal ng mahuhusay na akdang pampanitikan?
Sa isang sanaysay na sinulat sa Freshman Review ng Ateneo de Manila University noong 1967, nang siya’y 18 taong gulang pa lamang, winika ng yumaong Eman Lacaba sa Ingles ang ganito: “Ang tungkulin ng sinumang manunulat sa daigdig ay ang magsulat nang makatotohanan at masaklaw tungkol sa mundong kanyang ginagalawan, sa mundong kanyang nagugunita at patuloy na nakikilala, sa mundong kanyang nararanasan.”
At siyang totoo! Ang akdang pampanitikan—tula man, dula, nobela, kuwento, o sanaysay—ay nakapaghuhubog ng paraan ng pagtingin ng tao sa mundo.
Ang mga tao naman ay kumikilos nang ayon sa kanilang pagkakakilala sa mundo. Kung mali ang kanyang pagkakakilala sa daigdig, ang kanyang magiging pagkilos ay lagi nang hindi magiging akma sa itinatakda o hinihingi ng katotohanan. Nakapagpapahamak ang ganitong uring pagkilos.
Sa malaking bahagi ng kasaysayan at maging sa kasalukuyan, laganap ang mga hindi matwid na pagtingin sa mundo. May mga pagkakataon namang ang tumpak na pagtingin sa mundo ay lumalaganap ngunit nalilimutan pagkatapos.
Kung ang manunulat ay walang mababago sa pagtingin ng kanyang mga mambabasa sa mundo, walang magiging kaibhan sa mundo sumulat man siya o hindi, at magiging higit pang mabuti kung hindi na lamang siya sumulat, sapagkat hindi niya sinayang ang kanyang oras sa walang saysay na pagsulat at hindi na rin niya inaksaya ang oras ng mambabasa sa pamamagitan ng paghikayat sa kanyang basahin ang isang akdang walang iniaambag sa kanyang kamalayan.
Kung kaya’t tumpak ang sinabi ni Eman Lacaba hinggil sa tungkulin ng manunulat. Ang tungkulin ng manunulat ay hustong maibilad ang katotohanan upang matutunan ng mambabasa ang tumpak na pagkilos batay rito. Sabihin pa, ang estetikong kahusayan ay nakatutulong sa lalong pagpapatingkad sa katotohanang nais na ibilad.
Tungkuling Panlipunan
Ngunit ang katotohanan ay hindi isang payak na organismo. May iba’t iba itong dimensiyon.
Ang pag-ibig ay siyang pinakamalimit nating makitang pinapaksa ng panitikan. Kundi man pag-ibig, karaniwan din namang paksain ng panitikan ang pagkakaibigan, dili kaya’y ang pamilya. Makikita ang mga paksang ito sa mga akda ng mga Valeriano Hernandez Peña, Ildefonso Santos, at Ophelia Alcantara-Dimalanta.
Mayroon din namang mga akdang pampanitikang tumatalakay sa mga abstraktong usaping pilosopiko. Makikita ang ganitong diskurso sa mga akda ng mga Nick Joaquin, Francisco Arcellana, Bienvenido Santos, at Gloria Villaraza Guzman.
Lahat nama ng mga ito’y bahagi ng katotohanan hinggil sa buhay ng tao, kung kaya’t bilang mga paksang pampanitikan ay lehitimo ang mga ito.
Ngunit ang tao’y bahagi rin ng lipunan, kung kaya’t bahagi ng katotohanan hinggil sa kangyang buhay ang epekto ng lipunan sa kanya at ang epekto niya sa lipunan. Ang manunulat ay maaaring sumulat hinggil sa pag-ibig, sa pagkakaibigan, sa pamilya, o sa mga abstraktong usaping pilosopiko, ngunit hindi lang ang tungkol sa mga iyan ang dapat niyang sulatin—kailangan din niyang sumulat ng mga akdang may pakikisangkot sa lipunan.
Ang tungkuling panlipunan ng manunulat ay ang maliwanag na magsulat tungkol sa lipunan upang udyukan ang mambabasang kumilos tungo sa ikapagiging maayos nito.
Ang mga sinulat nina Marcelo del Pilar, Graciano Lopez Jaena, at Jose Rizal ay nagbigay ng direksiyon sa naging kampanya ukol sa mga repormang pampulitika noong panahon ng pananakop ng Espanya. Nang biguin ng Espanya ang kampanyang repormista, ang mga akda nina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto ay nakapag-ambag sa pagpaparami ng kasapi at kaalyado ng rebolusyonaryong Katipunan.
Sa panahon ng mga mananakop na Amerikano, ang mga akda nina Apolinario Mabini, Isabelo delos Reyes, Antonio Luna, Aurelio Tolentino, Juan Matapang Cruz, Juan Abad, Severino Reyes, Iñigo Ed. Regalado, Faustino Aguilar, Ismael Amado, Cecilio Apostol, Jose Corazon de Jesus, Emilio Mar. Antonio, Salvador Lopez, Manuel Arguilla, Arturo Rotor, at Carlos Bulosan ay naging inspirasyon ng mga mamamayang nagsulong ng pakikitalad sa kabataan pa noong imperyalismo ng Estados Unidos. Sa panahon naman ng pananakop ng Hapon, ang mga Lorenzo Tañada, Rafael Roces, at Hernando Abaya ng pahayagang lihim na Free Philippines ay magbibigay ng inspirasyon at mahalagang impormasyon sa mga gerilya.
Sa pagtatapos naman ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga tulad nina Teodoro Agoncillo, Jose Lansang, at Indalecio Soliongco ay mag-aambag sa pagsulong ng makabansang krusada ni Claro Mayo Recto, na sa mga susunod na dekada ay pamumunuan naman nina Lorenzo Tañada at Jose Wright Diokno, at ngayo'y ipinagpapatuloy ni Teofisto Guingona, Jr. Si Recto mismo'y magbibigay ng mga sanaysay sa mga pahayagan bilang bahagi ng kanyang makabansang krusada.
Sa mga susunod na dekada, ang mga Alberto Florentino, Antonio Zumel, Satur Ocampo, Jose Maria Sison, Amadis Ma. Guerrero, Bobbie Malay, Rolando Tinio, Chino Roces, Ave Perez Jacob, Rogelio Ordoñez, Rogelio Sicat, Dominador Mirasol, Efren Reyes Abueg, Edgardo Reyes, Domingo Landicho, Levy Balgos de la Cruz, Lualhati Bautista, Jun Cruz Reyes, Ricardo Lee, Jose at Eman Lacaba, Marra Lanot, Ninotchka Rosca, Luis Teodoro, Wilfredo Virtusio, Bien Lumbera, Doreen Fernandez, E. San Juan, Jr., Jess at Lilia Santiago, Heber Bartolome, Joey Ayala, Lamberto Antonio, Edgar Maranan, Rogelio Mangahas, Teo Antonio, Maria Lorena Barros, Liliosa Hilao, Ditto Sarmiento, Roland Simbulan, at Gelacio Guillermo ay maghuhubog ng makalipunang kamalayang hahantong at magpapatatag sa mahabang pakikibakang nagpabagsak sa pasistang rehimen ni Ferdinand Marcos at magiging inspirasyon ng patuloy na pagsisikap ng iba’t ibang sektor ng sambayanan tungo sa pagtatatag ng isang matwid na lipunan.
Tatlong manunulat ng pakikisangkot ang matatangi sa mahabang panahong sinaklaw ng kanilang mga panulat: sina Amado Hernandez, Renato Constantino, at Armando Malay. Sila’y pawang nabuhay sa ilalim ng pananakop ng mga Amerikano at Hapones. Lahat sila'y tumulong sa makabansang krusada ni Recto. Inabot ni Hernandez ang mga unang pagbabanta ng batas militar sa ilalim ng rehimeng Marcos, ngunit yumao siya noong Marso 1970. Sina Constantino at Malay ay pawang makaaabot sa dekada 1990. Buhay pa ngunit nagretiro na sa pagsusulat si Malay, samantalang pumanaw naman si Constantino noong 1999.
Sa pagtahak nila sa landas ng pakikisangkot, ang mga manunulat na nabanggit ay nakapag-ambag sa mga kampanya alang-alang sa kalayaan at demokrasya.
Katotohanan sa Lipunang Pilipino
Anu-ano naman ang mga katotohanang dapat na paksain ng Pilipinong manunulat hinggil sa lipunang kanyang ginagalawan? Tumpak ang tinuran ni Jose Wright Diokno sa isang talumpati noong 1983 na ang mga suliranin ng kapanahunan ni Rizal ay siya pa ring mga suliranin sa kasalukuyan, bagama’t may mga pagbabago sa anyo ng mga ito.
Kung noong kapanahunan ni Rizal ay tahasang sakop ng mga Kastila ang Pilipinas, ngayon naman ay nadarama natin ang nagkukubling paghahari ng Estados Unidos sa ating bayan. Masasabing kamay pa rin ni Tiyo Samuel ang nagpapatakbo sa ating bayan bagama’t hindi na bawal ang pagwawagayway ng pambansang kulay at ang pag-awit ng antemang pambansa.
Ang ekonomiya natin ay dominado ng mga transnasyunal na korporasyon ng Estados Unidos. Dahil sa lubhang lamang ng mga ito sa larangan ng teknolohiya, nalalamon nito ang mga katutubong empresang nagtatangkang bumuo ng mga pambansang industriya. Lagi na tuloy tayong napipilitang umasa sa pag-aangkat na mga produkto, bagay na sumisipsip nang sumisipsip sa ating pambansang kapital. Dahil dito, nananatili tayong isang atrasadong ekonomiyang lagi’t laging nangangailangang mangutang.
Upang mapangalagaan ang ganitong malaking pang-ekonomiyang interes, iniimpluwensiyahan ng Estados Unidos ang ating pulitika at kultura sa iba’t ibang kaparaanan, tulad ng mga “kasunduan” at “palitan."
Laganap din sa ating bansa ang kawalan ng katarungang panlipunan. Ang mga manggagawa at magsasakang siyang nakararami sa ating lipunan ay hindi nakikinabang sa mga bunga ng kanilang mga pagsisikap dahil sa kaliitan ng sahod, kawalan ng mga karampatang benepisyo, at pangangamkam ng lupa. Hindi tuloy nila nakakamit ang lahat ng pangangailan upang makapamuhay sila nang maayos.
Talamak ang diskriminasyong pangkasarian, pangkultura, at panrelihiyon. Ang mga biktima ng mga ito ay ang kababaihan, ang mga hindi Katoliko (lalo na ang mga Muslim), at yaong tinatawag na mga katutubong mamamayan tulad ng mga Badjao, Ilongot, Igorot, at Dumagat—mga tribong nakapagpapanatili ng kanilang katutubong kultura.
Ang ating pamahalaan ay tiwali at mapanlabag sa karapatang pantao.
Ito ang mga katotohanang dapat na ilarawan nang maliwanag ng Pilipinong manunulat, magmula pa noong panahon nina Recto. Kailangan niyang isiwalat ang mga katotohanang ito upang ang sambayanang Pilipino’y mahikayat na patuloy na kumilos tungo sa ikapagtatatag ng isang ganap na malaya at tunay na makatarungang lipunan.

Wednesday, April 16, 2003
Si Kristo at si Erap
Si Atty. Raymund Fortun ang unang gumawa nito. Subalit hindi pala siya ang huling gagawa nito.
Ayon sa isang ulat sa Philippine Daily Inquirer sa araw na ito, isa sa mga abugadong hinirang ng hukuman upang ipagtanggol ang pinatalsik na Pangulong Joseph "Erap" Ejercito Estrada sa kanyang kasong pandarambong ang naghambing sa kanya kay Kristo. Ayon kay Atty. Prospero Crescini, may mga "pagkakahawig" ang kung paano inusig si Kristo at kung paanong si Erap ay pinatalsik at sinampahan ng kaso sa salang ang kaparusaha'y kamatayan.
"Si Hesu Kristo ay nilitis dahil ang mga puitiko at lider-relihiyoso ay nainggit sa kanyang popularidad," ani Atty. Crescini. "Masasabi rin ang ganito sa mga pulitiko at lider-relihiyoso ngayon (sa kaso ni Estrada)."
Sa ganang isang Kristiyano, labis na nakapagpapanting ng tainga ang marinig ito lalo na't bukas ay Huwebes Santo na.
Kahit na ang pagbabatayan lamang ng pagtingin kay Kristo ay ang Bibliya, kung saan tila maraming datos tungkol sa buhay ni Kristo ang hindi naisama, makikitang si Kristo'y inusig ng mga awtoridad dahil sa kanyang pagsusulong ng isang pananampalatayang taliwas sa ipinangangalandakan ng mga Pariseo, na tumatangkilik sa kolonyal na awtoridad ng imperyong Romano sa Israel. Makikita sa mga Ebanghelyo na ang kaisipang inihasik ni Kristo ay nagtuturong ang lahat ng tao'y "mga kapatid ng isa't isa," ibig sabihi'y magkakapantay--malinaw na nagpapahiwatig na walang sinuman ang may karapatang manakop at maniil sa iba.
Sa isang artikulong sinulat naman ni Quijano de Manila sa Philippine Graphic noong 2000, sinabi niyang ang pagpapako sa krus--na ipinataw kay Kristo--ay isang kaparusahang iniuukol lamang sa mga rebelde. Ipinako raw sa krus si Kristo sapagkat siya'y nagrebelde laban sa imperyong Romano at sa mga alila nitong iilang masalapi sa lipunang Israelita.
Samantala, sa proseso ng pamumuno ni Erap sa pamahalaan ng Pilipinas ay lumitaw ang katakut-takot na katibayang ang salapi ng bayan ay kanyang inangkin upang pakinabangan niya at ng kanyang mga kamag-anak, kalaguyo, at kainuman. Ang salaping dapat sana'y inilaan sa mga serbisyong panlipunan tulad ng pabahay, kalusugan, at edukasyon ay napunta sa pagpapatayo ng magagarang mansiyon ukol sa kanyang pamilya at mga "pamilya" at sa mga pagsusugal at paglalasing niya at ng kanyang mga kabarkada.
Kung may nabubuhay pa sa mga naging guro ni Atty. Prospero Crescini, hindi masisisi ang mga ito sakaling sabihin nilang hindi, hindi nila kailanman naging estudyante ito.

Saturday, April 12, 2003
Pagpaslang sa Katotohanan
Ilang araw bago ipalabas sa pabatirang madla ang nakapagtatakang biglang pagkahulog ng Baghdad sa mga kamay ng koalisyon (na ayon sa ilang manunuri sa Gitnang Silangan ay senyales na ipinagbili nina Saddam Hussein ang digmaan, pagkat nakapagtataka raw na bigla ngang bumagsak ang naturang lunsod sa gitna ng lubhang masigasig na pakikipaglaban ng mga Iraqi), dalawang peryodista ang napatay sa isang pambobomba.
Ang may kagagawan ng pambobomba ay ang mga puwersa ng Estados Unidos. Ito namang mga peryodistang napatay ay kapwa hindi Amerikano.
Sinasabi ng mga tagapagsalita ng militar ng Estados Unidos na pinatamaan ng bomba ang otel na tinitigilan ng mga peryodistang napatay sapagkat ang mga sundalo nila'y binabaril ng mga sniper mula roon at kinailangan nilang ipagtanggol ang kanilang mga sarili.
Datapwat marami ang nagpapasinungaling sa pahayag na ito ng militar ng Estados Unidos. Maraming peryodista ang nasa paligid nang mangyari iyon, at kitang-kita nilang walang namamaril mula sa naturang otel. Pinakakapani-paniwala ang testimonya ni Robert Fisk, na noo'y nagmamaneho sa pagitan ng kinaroroonan ng mga sundalong Amerikano at ng otel. Ayon sa kanya'y walang sniper sa naturang otel.
Bukod pa rito'y tukoy ng militar ng Estados Unidos na ang naturang otel ay tinitigilan ng mga peryodista.
Kagaya ng nasabi na, ang mga nabiktima ng pambobombang ito ay hindi mga Amerikano. Alam nating lahat na ang pag-uulat ng mga peryodista ng mga ahensiyang hindi Amerikano ay higit na obhetibo kaysa sa CNN at Fox News, sapagkat higit nilang ipinakikita ang kawalang-batayan ng digmaang ito at ang malawakang pamiminsala at pagpatay sa mga sibilyan.
Maliwanag na sinadya ang pagpaslang na ito sa mga peryodistang naroon sa otel na iyon. Pagpatay ito sa mga pagpapahayag ng katotohanan sa likod ng mga kasinungalingan nina George W. Bush, Colin Powell, Condoleezza Rice, Donald Rumsfeld, at Tony Blair.
Ang pambobomba sa naturang otel ay isang karumal-dumal na kasalarinan ng isang pamahalaang nagtatanggol daw sa karapatang pantao.

Friday, April 04, 2003
Tanging Paraan?
Habang sinusulat ito, ang tanong sa viewer poll ng Debate ay kung ang paghuhubad na lamang ba ang tanging paraan upang sumikat ang isang artista.
Ito’y hindi nalalayo sa tanong na kung ang tinatawag na bold trend na lamang ba ang makapagsasalba sa industriya ng pelikula sa Pilipinas. Marami ang nagtatanong nang ganito sapagkat nitong nakaraang taon, ang nakagawa ng pinakamaraming pelikula ay ang mga sexy star na tulad nina Aleck Bovick, Maui Taylor, at iba pa. Bukod pa rito’y marami kabataang babaeng dating nagsabing hindi sila maghuhubad sa pelikula kailanman ang walang pangiming nagtatanggal na ngayon ng saplot sa harap ng lente.
Kung ang tatanungin ay ang direktor na si Celso Ad. Castillo, walang hinalang itong bold trend na nga lamang ang tanging dugong nagpapapanatili sa buhay ng ating industriya ng pelikula. Sinabi niya ito sa isang pakikipagpanayam sa Pinoy Weekly kamakailan.
Winika rin ni Castillo na, “Mayroong panawagan para sa mga matataas na kalidad ng pelikula ngunit hindi kaya ng mga tao sa industriya na tugunan ang ganitong demand.”
Kung susuriing mabuti ang mga naging pahayag ni Castillo, hindi masisisi ang sinumang mag-aakalang siya’y lasing nang kapanayamin siya, o kaya nama’y inakala niyang pawang mga hangal ang babasa ng artikulong ibinatay sa pakikipagpanayam sa kanya kung kaya’t uubra na ang kahit na anong pagsasabihin kahit na magmukha siyang higit na hangal sa pinakahangal na taong nabuhay sa kasaysayan ng daigdig.
Malaking salik ang manonood sa buhay ng industriya ng pelikula. Malaking bahagi ng ikinabubuhay nito ang nagmumula sa salaping inilalaan ng mga manonood sa hangaring makapanood ng pelikula. Samakatwid, ang makapagbabalik ng pinakamalaking salapi sa mga produser ng pelikula ay yaong mga pelikulang karaniwang tinatangkilik ng pinakamaraming manonood.
Kung sinasabi ni Castillo na ang bold trend na lamang ang tanging makapagsasalba sa industriya ng pelikula sa Pilipinas, sinasabi niyang ang nais lamang na tunghayan ng mga manonood ay yaong mga pelikulang pangunahing tampok ang mga hubad na katawan.
Subalit sinasabi rin niyang may kahingian para sa mga pelikulang higit na mataas ang kalidad. Kung gayon ay siya na rin ang nagpapabulaan sa pahayag niyang ang bold trend lamang ang makapagsasalba sa industriya ng pelikula, sapagkat sinasabi rin niyang may iba pang nais na tunghayan ang mga manonood liban sa mga pelikulang bold.
Tungkol naman sa pahayag niyang hindi kaya ng mga nasa industriya ng pelikula natin na tugunan ang kahingian para sa mga pelikulang may higit na mataas na uri, magkakaproblema na naman tayo riyan. Dalawang pelikula ang mababanggit natin bilang halimbawa.
Una’y ang Rizal sa Dapitan na idinirihe ni Tikoy Aguiluz at pinagbidahan nina Albert Martinez at Amanda Page. Isang sulyap lamang sa pelikula at mahahalatang may kababaan ang inilaan ditong badyet; wala ito niyaong tinatawag na mga special effect at madilim-dilim pa ito. Datapwat mahusay ang daloy ng istorya; detalyado nitong nailahad ang naging pamumuhay ni Rizal sa Dapitan. Naipakita ng mga diyalogo at eksena ang isang bahagi ng katauhan ni Rizal na hindi gaanong natatalakay sa mga aklat ng kasaysayan. Halata ring masusi ang pag-eensayo sa mga artista sapagkat kaantig-antig ang naging pagganap nila. Kung papagsasama-samahin ang lahat ng katangian ng pelikulang ito, di maikakailang higit itong mahusay kaysa sa ilang pelikulang gumamit pa ng mga special effect.
Nariyan din naman ang pelikulang Segurista, na idinirihe rin ni Tikoy Aguiluz at pinagbidahan naman nina Gary Estrada, Michelle Aldana, Ruby Moreno, at Albert Martinez. Tungkol ito sa isang ahente ng seguro na sinuong ang lahat—pati na ang kapahamakan—upang maiahon sa hirap ang asawa’t anak na sinalanta ng pagsabog ng Bulkang Pinatubo. May hubaran sa naturang pelikula, ngunit hindi lamang ang mga kutis nina Michelle Aldana at Ruby Moreno ang laman ng pelikula sapagkat nakapaloob ang hubaran sa konteksto ng istorya. Mahusay sapagkat malinaw na nakapagpapahayag ng katotohanan ang diyalogo rito, at hindi maaaring hindi ka magkaroon ng simpatiya sa bidang babaeng si Karen Almeda at sa kanyang asawa’t anak.
Maikakatwiran marahil ni Castillo na ang nagdirihe ng mga pelikulang ito ay si Tikoy Aguiluz at kabilang sa mga sumulat ng istorya at iskrip ng mga ito si Jose Lacaba.
Datapwat ilan lamang sa mga halimbawa ang mga ito. Kung si Castillo ay nakapaglaan na ng kahit na kapirasong oras sa panonood ng maiikling pelikulang naitanghal na sa UNTV, malalaman niyang maraming hindi kilalang alagad ng sining ng pelikula riyang may mataas na talento ngunit hindi pa nabibigyan ng malaking break. Sa mga pelikulang hindi tumatagal nang kalahating oras ay naipakita ng mga kabataang filmmaker na ito sa mapanggising na kaparaanan ang mga katotohanan sa paligid: ang kahirapan ng karaniwang tao at ang kanyang kaapihan, at ang pangingibabaw ng kabaliwan at kahangalan sa katinuan at matalinong pag-iisip.
Maaaring karamihan sa mga nasa industriya ng pelikula sa ngayo’y hindi kayang tugunan ang kahingian para sa lalong mahuhusay na pelikula, ngunit marami riyang kabataang talentong hindi pa nahahatak ng industriya—kaipala’y dahil sa katamaran ng mga nagpapatakbo ritong labis nang nahirati sa pinakamadaling paraan ng pagkita. Ang kailanga’y hanapin ang mga ito at bigyan ng pagkakataong maiambag nang husto ang kanilang mga kakayahan.
Hindi lang sa walang saysay na hubaran mabubuhay ang industriya ng pelikula sa Pilipinas.

Tuesday, April 01, 2003
APRIL 9 ASIA-WIDE ACTION MOVED; BIG GLOBAL PROTESTS ON APRIL 12
DEAR FRIENDS IN THE ASIA PACIFIC REGION:
Warmest greetings of solidarity!
We acknowledge the positive and encouraging responses from you and many groups in the Asia Pacific to the call of ILPS-Philippine Chapter for a region-wide mobilization on April 9 against the immoral, illegal, unjust war of the US against the people of Iraq.
However, events in the world today are indeed rapidly developing.
There is now a call from leading organizations of International A.N.S.W.E.R (US) and STOP WAR (London) for WORLDWIDE, ANTI-WAR DEMONSTRATIONS on April 12.
So that we can be one with many more people in registering our mightiest, loudest, and most militant protest, we in the ILPS-Philippine Chapter inform our friends and network in the region to that the Asia Pacific-wide anti-war protests set for April 9 have been moved to April 12 to coincide with the global mass actions.
Together with Africa, North and South America and Europe, the people of Asia Pacific shall also march, rally and protest on April 12 to compel US President George Bush and his cohorts to STOP THIS SENSELESS WAR.
We hope that we could mobilize hundreds of thousands, if not millions, in our region. But if your group or country cannot mobilize on April 12, we suggest that you mount small but symbolic propaganda action could highlight your unity wth the global protests.
Please write us at april9@pilnet.com regarding your actions. You may check the website www.justicenotwar.tk for updates.
Looking forward to your reply in the soonest time possible.
For genuine peace based on justice,
RITA BAUA
Secretary-General
International League of Peoples' Struggle
Philippine Chapter