Thursday, September 28, 2006

ITLOG AT PUTIK LAMANG IYAN, ESPERON
Alexander Martin Remollino

Student activists protesting political killings in the country pelted General Hermogenes Esperon Jr. with eggs and mud as the Armed Forces chief of staff stepped out of a forum at the University of the Philippines (UP) in Diliman, Quezon City on Friday.

-- Philippine Daily Inquirer, Sept. 22, 2006


Magpasalamat ka nga't itlog at putik lamang ang ibinato sa iyo. Lubha pang magagalang kung gayon ang mga estudyanteng iyon.

Mismong katawang sarili lamang ang ibinenta ni Magdalena. Subalit pinagpupukol siya ng mga bato, na marahil ay kanyang ikinamatay kung hindi inawat ni Kristo ang mga nagbabanal-banalan.

Pinagbabato si Magdalena dahil sa pagbibili ng sariling katawan at ikaw, na kasama sa mga tumanggap ng isang bilyong pisong lisensiya rin upang dahasing parang mga hayop ang mga mamamayan ng bansang ito, ay pinagpupukol ng itlog at putik lamang.

Kagila-gilalas na itlog at putik lamang ang ipinukol sa iyo. Kahit paano'y iginalang ka pa rin nang higit sa nararapat sa katulad mo.

Kaya magpasalamat ka, magpasalamat ka nang walang hanggan. Itlog at putik lamang iyan.

Hindi hamak na higit pa ang nararapat sa iyo.

3 comments:

Kapi Capistrano said...
This comment has been removed by a blog administrator.
Kapi Capistrano said...

Pare, paki-palitan na ang link ko, nagpalit na ako ng blog: http://kapi.i.ph

Anonymous said...

Definitely you get it the game's basic system, you can procrastinate Texas judge 'em and ordered some of its variants. Texas Holdem is an easy game to learn, lawful difficult to master. The "mastering" component is the costly somewhat by, requiring office and practice. This website offers lots of articles and tools to seize you started on the studying. You can practice all you be for disencumber in online poker rooms.