Wala Raw Karapatang Daluyan ng Dugo
Wala raw karapatang daluyan ng dugo
ang mga ugat
sa galanggalangang
hindi Rolex ang relo.
Maniniwala na sana ako.
Ngunit may nakilala akong
mga may-ari
ng apat na galanggalangang
hindi Rolex ang relo.
Ang mga pangalan nila
ay Apolinario Mabini
at Macario Sakay.
Tuesday, June 17, 2003
Friday, June 13, 2003
Makapili
Di makaharap sa mundo ang mukha,
kaya't nagtatago sa bayong.
Ngunit ang daliri
ay kaytapang, kaytapang ituro
sa dayong panginoon
ang mga kapatid.
Sa bawat kapatid na ituro
ng daliri
upang ialmusal,
itanghalian o ihapunan
ng panginoong banyaga
ay may salaping lalaklakin
ang palad.
Daming katulad mo ngayon,
Makapili.
Subalit sila'y kaiba--
pagkat lalong matapang,
lalong matapang!
Itinapon na nila ang mga bayong,
at ang mga bibig
ay humahalakhak, humahalakhak
habang ang kapatid
ay ibinubugaw ng daliri
sa naglalaway na dayuhan!
Matapang ka pa kay Hudas,
Makapili--
pagkat kaiba sa kanya,
hindi ka nagbigti--
at nag-anak pa nang marami.
At ang mga anak mo
ay di sumusulyap man lamang
sa lubid.
Kaya't gagawin namin
ang nararapat:
ang sila'y bigtihin!
Di makaharap sa mundo ang mukha,
kaya't nagtatago sa bayong.
Ngunit ang daliri
ay kaytapang, kaytapang ituro
sa dayong panginoon
ang mga kapatid.
Sa bawat kapatid na ituro
ng daliri
upang ialmusal,
itanghalian o ihapunan
ng panginoong banyaga
ay may salaping lalaklakin
ang palad.
Daming katulad mo ngayon,
Makapili.
Subalit sila'y kaiba--
pagkat lalong matapang,
lalong matapang!
Itinapon na nila ang mga bayong,
at ang mga bibig
ay humahalakhak, humahalakhak
habang ang kapatid
ay ibinubugaw ng daliri
sa naglalaway na dayuhan!
Matapang ka pa kay Hudas,
Makapili--
pagkat kaiba sa kanya,
hindi ka nagbigti--
at nag-anak pa nang marami.
At ang mga anak mo
ay di sumusulyap man lamang
sa lubid.
Kaya't gagawin namin
ang nararapat:
ang sila'y bigtihin!
Thursday, June 05, 2003
Nasa Misericordia ang Aking Bayan
Nasa Misericordia ang aking bayan.
Inilalako siya
sa mga de-amerikana't
unipormadong lalaking bughaw
ang mga mata.
Ang kislap
sa mga matang bughaw na ito
ay kinang ng limampu't dalawang bituin,
at tangan ng mga kamay nila
ang malaking patpat
ni Theodore Roosevelt.
Nasa Misericordia ang aking bayan.
Ang bugaw niya
ay isang reynang siya
ang nagputong ng korona.
Nasa Misericordia ang aking bayan.
Inilalako siya
sa mga de-amerikana't
unipormadong lalaking bughaw
ang mga mata.
Ang kislap
sa mga matang bughaw na ito
ay kinang ng limampu't dalawang bituin,
at tangan ng mga kamay nila
ang malaking patpat
ni Theodore Roosevelt.
Nasa Misericordia ang aking bayan.
Ang bugaw niya
ay isang reynang siya
ang nagputong ng korona.
Monday, June 02, 2003
Katawa-tawang Kagaguhan
Pinag-uusapan namin ng kapatid ko kangina ang tungkol sa kung paanong parang higit pang may pakialam sa mundo ang mga tao noong panahon ng rehimen ni Fidel V. Ramos (1992-98) kaysa ngayon nang maalaala kong bigla ang isang kantang sumikat noong panahong iyon, ang "Sinaktan Mo ang Puso Ko" ni Michael V.
Naalaala kong mayroon nga pala kaming kopya ng album na kinabibilangan ng kantang iyon, ang Miyusik Tagalog Bersiyon, na lumabas noong 1997. Hinalungkat ko ito sa aming lalagyan ng mga lumang kaset at agad ko itong pinatugtog sa aming isteryo.
Kagaya ng ipinahihiwatig ng pamagat, ang karamihan sa mga kanta sa album na ito ay mga kantang isinalin sa Pilipino (na nakagawian nang tawaging Tagalog). May laman itong sampung kanta, kung saan walo ay mga "bersiyong Pilipino" ng mga kanta ng Hanson at Spice Girls at nina Bryan Adams at Barbra Streisand, Celine Dion, Prince, Cake, Jon Bon Jovi, at ng Queen. Ang isa ay kanta ng Urban Flow na muling binuhay ni Michael V. sa album na ito at ang isa'y orihinal niyang kanta, yaong "Sinaktan Mo ang Puso Ko"--na kung pakikinggang mabuti ay mahihinuhang pang-aasar sa mga tema ng karamihan sa mga love song na napagdididinig sa radyo--ang panatikal na pagpupugay sa pagpapakamartir na walang katuturan sa mga relasyon.
Sa mga "bersiyong Pilipino" ng mga kantang dayuhang hiniram para sa album na ito, mapapansing literal na literal--o salita sa salita--ang pagkakasalin ng mga lirikong orohinal na sinulat sa Ingles. Ang kinalabasan ay katawa-tawang kagaguhan. At talagang magkakaganito, sapagkat ang Ingles at ang Pilipino'y may magkaibang balangkas at hinding-hindi maaari ang pagsasaling salita sa salita; ang nararapat ay pagsasaling nagsasaalang-alang sa diwa.
Lalo pang nagiging katawa-tawa ang kinalabasan ng "pagsasaling" ito dahil sa panggagaya ni Michael V. sa mga boses ng mga orihinal na mang-aawit.
Ang kinalabasan ng pagsasaling ginawa ni Michael V. sa mga kantang dayuhang hiniram para sa Miyusik Tagalog Bersiyon ay nakikita rin naman natin sa ating paligid, sa iba pang bahagi ng ating kultural na pamumuhay.
Noong taong lumabas ang album na ito, ang Amerikanong aktor na si Leonardo DiCaprio ay biglang pinasikat ng pelikulang Titanic nila ni Kate Winslett. Noo'y napansin kong marami sa aking mga kaiskuwela ang nagsigaya sa pagkakaayos ng buhok ni DiCaprio--kahit na hindi ito bagay sa marami sa kanila.
Dalawang taon pagkaraan, masasaksihan ng bansa ang pagtanyag ng mga tinatawag na boy band sa Estados Unidos. Agad namang naglitawan ang mga Pilipinong kopya ng mga boy band na ito--at kinagat ng mga tagapakinig ng "musika" sa Pilipinas.
Ang panggagaya sa dayuhang aktor na si DiCaprio at sa mga boy band ng Estados Unidos ay nakikita rin naman natin sa marami-raming Pilipinong dati'y saksakan ng kayumanggi ay kung bakit biglang nagiging saksakan ng puputi, sa marami-raming Pilipinong dati'y mga pango ay kung bakit biglang nagiging saksakan ng tatangos ang mga ilong. Katawa-tawa ang mga manggagayang ito ng mga Kanluranin sapagkat ang likas na kulay ng karamihan sa mga Pilipino ay kayumanggi, at ang likas na ilong ng karamihan sa mga Pilipino ay pango o katamtaman lamang ang taas.
Datapwat di natin basta-bastang mapararatangan ng katarantaduhan si Michael V. sa Miyusik Tagalog Bersiyon; kailangang tingnan ang iba pa niyang nagawa na at ginagawa pa upang malaman ang kontekstong kinaluwalan ng album na ito.
Si Michael V., kung pakikinggan sa mga pakikipagpanayam, ay makikitang hindi hangal upang basta na lamang magsagawa ng pagsasaling kabalbalan--napakatalino ng taong ito.
Siya rin ay isa sa mga pangunahing manunulat sa sitcom na Bubble Gang. Minsan nang napabalitang ang taong ito'y dating may katungkulan sa kilusang aktibista. Totoo man ang balitang ito o hindi, tila may dahilan upang paniwalaan natin ito, sapagkat sa mga segment ng Bubble Gang ay malimit na lumabas ang panunuya sa embahador ng Estados Unidos, sa mga sundalong Amerikanong pumasok sa Pilipinas upang diumano'y lumahok sa mga "ehersisyong militar," at sa mga pulitiko nating sunud-sunuran sa kanila.
Natatandaan ko pa ang isa nilang munting dula, kung saan inilahad ang kasaysayan ng Pilipinas sa panahon ng mga mananakop. Ipinakita roong ang mga Amerikano, na diumano'y sillang nagligtas sa atin sa mga Kastila't Hapones, ay halos walang naitulong sa himagsikang nagsimula noong 1896 at, noong sakupin ng Hapon ang Pilipinas, ay biglang nagsialis at bumalik na lamang nang natalo na ng mga gerilyang Pilipino ang mga kawal ni Hirohito. Ang ganitong paratang sa mga Amerikano ay pinatutunayan ng mga isinalaysay ni Richard Brinsley Sheridan at ng mga pananaliksik nina Teodoro Agoncillo at Renato Constantino.
May isa pa silang munting dula, na naglalahad ng mga maaaring mangyari sakaling salakayin nga ng mga terorista ang Pilipinas habang isinasagawa ang Balikatan, na isinasagawa diumano'y upang sugpuin ang mga banta ng terorismo sa bansa. Sa dulang ito, nagsasanay ang mga sundalong Pilipino at Amerikano. Biglang sumalakay ang mga terorista at kasabay nito'y tumalilis ang mga sundalong Amerikano. Nang matapos ang bakbakan ay saka na lang bumalik ang mga sundalong Amerikano--wala nang mga baril, mga lasing, at may dalang mga babae. May batayan sa kasaysayan ang ganitong paratang sa mga Amerikano.
Sa ganitong konteksto, maliwanag na ang Miyusik Tagalog Bersiyon ay malayung-malayo sa aakalain nating simpleng paggawa ng mga kagaguhang kanta. Taliwas diyan, ang Miyusik Tagalog Bersiyon ay isang satira sa kinagisnan nating kultura--isang kulturang kinatatampukan ng walang habas na panggagaya sa o pagkopya ng anumang bagay na dayuhan--kahit sa mga pagkakataong hindi na angkop ang mga ito sa atin. Satira ito sapagkat ipinakikita niyang ang bahaging ito ng ating kinagisnang kultura ay katawa-tawang kagaguhan.
Sa ganito, ang Miyusik Tagalog Bersiyon ay maaari nating ibilang sa tradisyon ng subersibong satira sa musikang Pilipino, na itinanim at patuloy na binubuhay ng mga tulad nina Jess Santiago at Gary Granada.
Kung pakikinggan natin ang Miyusik Tagalog Bersiyon, tatawa tayo nang tatawa.
Ngunit ang ating pagtatawanan ay ang ating mga sarili.

Subscribe to:
Posts (Atom)