Thursday, July 31, 2003

SONA 2003

Kumakalat ang abo sa kalangitan.
Di ito maikubli ng araw.

Isinisigaw ng kabundukan
ang mga taludtod ni Andres Bonifacio.
Sa mga lansangan ng lunsod naman,
dumarami ang bumibigkas
sa mga kataga ni Amado Hernandez.
At sa mga destakamento ng militar,
nakaharap ang mga bunganga ng mga baril
sa Malacanang at Aguinaldo:
umaawit ng kantang pandigma.

At ang mga tunog na ito
ay di matabing-tabingan
ng matamis na talumpati
sa Batasang Pambansa.

2 comments:

Anonymous said...

hay kuya sana mawala na si gma noh.. grabe hirap naming mga students sa tuition fee...

gfutfy said...

welcome to the wow power leveling, cheap service site, buy cheap wow gold,wow gold,world of warcraft power leveling buy wow power leveling