Thursday, October 14, 2004

DI NAMIN TUTUNTUNGAN ANG HIGANTENG ALON

Pagpapatiwakal na kung sasakyan namin ang ihip ng hangin.
Pagpapatiwakal na kung kami'y paaanod sa ragasa ng ilog.
Kami'y mga artista
ng bayang nakasalagmak sa tambak ng basura.
Di namin tutuntungan ang higanteng alon
ng di-pagsaling sa putik ng katotohanan,
pagkat aming tangan ang tungkod ni Moises--
tungkod na hihiwa sa palalong dagat.

1 comment:

Suyin said...

alex,
salamat sa pagbabasa ng blog ko kahit wala itong kwenta. hehe. try ko punta conspiracy sa tue. bukas na yun d ba? di pa ako nakakapunta dun e. ;)