Friday, November 09, 2007

MARIANNET
Alexander Martin Remollino

DAVAO CITY, Philippines -- A 12-year-old girl, who became despondent over her family’s poverty, hanged herself inside their makeshift house a day after her father told her he could not give her the P100 she needed for a school project.

Using a thin nylon rope, 12-year-old Mariannet Amper hanged herself in the afternoon of November 2. She was a sixth grader at the Maa Central Elementary School.

Her father, Isabelo, 49, who was out of job as a construction worker, said Mariannet asked him for P100 which she needed for school projects, on the night of November 1. He told his daughter that he did not have the money yet but he would ask his wife if she could get some money for her. The morning after, however, he was able to get a P1,000 cash advance for a construction work on a downtown chapel.

By the time he got home, Mariannet already lay dead...


-- Nico Alconaba, "Girl Who Killed Self Lamented Family's Poverty in Diary," Philippine Daily Inquirer, 7 November 2007


Ang mga pahina ng talaarawan niya
ang nagsasalita para sa kanya:

Mga pangarap lamang ang bumuhay sa kanya
sa loob ng ilang taong nagdaan.
Ngunit payak man ang mga pangarap na iyon
ay mistulang mga suntok sa buwan:
patay na bago pa man maisilang.

Isang araw, natagpuan siyang nakabigti.

======

Ilan na ang sa kanya'y nauna
at tiyak na hindi siya ang huli.
Para sa marami,
matagal nang nakabigti ang mga pangarap
sa "bansang ito ng ating mga kalungkutan."

Kaninong mga kamay ang pumaslang sa pag-asa
ng kayraming nawalan ng pag-asa?

Mga kamay na walang hinawakan buong buhay
kundi ang salapi nilang hindi kanila.
Mga kamay na sumenyas na ayos lang ang lahat
habang kayrami ng mga taong
sinasawi ng dalita.

Salaring lahat silang nasanay nang mabuhay
na parang mga patay --
silang mga patay na buhay, mga buhay na patay
na maiging magpatiwakal na lahat
upang mabuhay na muli ang pumanaw na pag-asa
ng napakaraming tao,
lalo na ng mga batang hindi pa man isinisilang
ay tiyak nang walang bukas na haharapin.

======

Humimlay na si Mariannet Amper:
sinamahan na niya sa paghimlay nang walang hanggan
ang mga pangarap niyang isinilang nang walang buhay.
Sa ating mga diwa, sa ating mga puso --
hayaang magsaya si Mariannet sa kanyang kamusmusan,
hayaang ang kanyang mga pangarap
ay mabuhay nang walang katapusan.

http://www.emanilapoetry.com/writersgroup/index.php/2007/11/09/mariannet/
http://www.tinig.com/mariannet/
Kasama rin sa http://www.bulatlat.com/2007/11/apat-na-tula-kay-mariannet-amper-12-taong-gulang

3 comments:

from the Urban Devil said...

Disturbing ang istorya niya. Nakakalungkot. :(

Alexander Martin Remollino said...

Oo nga, e. Nakagagalit na nakaka-depress na hindi mo maintindihan.

Anonymous said...

she was raped. committed suicide out of depression, not out of poverty. we should be careful with our judgment.