Monday, April 02, 2007

SI GMA AT ANG SEMANTIKA NG KAGUTUMAN
Alexander Martin Remollino

Gaano kalala ang suliranin ng kagutuman sa Pilipinas? Maliit na bagay lamang, kung tatanungin ang diumano’y Pangulong Glorria Macapagal-Arroyo.

Batay sa panlipunang sarbey ng Social Weather Station (SWS) para sa unang sikapat ng 2007, may 19 porsiyento ng mga tumugon ang nagsabing sila’y nakaranas ng kagutuman. Ganito rin ang dami ng mga tumugon sa panlipunang sarbey ng SWS din para naman sa huling sikapat ng 2006 na nagsabing sila’y dumanas ng kagutuman. Ito ang pinakamalawak na kagutumang naitala sa buong bansa mula nang magsimulang magsarbey ukol sa kagutuman ang SWS noong 1998.

Gayundin, may 12 sikapat nang tuluy-tuloy na nasa 10 porsiyento pataas ang lawak ng kagutumang naitatala ng mga sarbey ng SWS.

Dalawang uri ng kagutuman ang pinagbatayan ng SWS sa sarbey nito: ang matinding kagutuman, na ang ibig sabihi’y “madalas o palaging” nakararanas ng gutom at walang makain ang tumutugon; at ang di-gaanong matinding kagutuman, na ang ibig sabihi’y “minsan o mga ilang beses” lamang nakaranas ng gutom at walang makain ang tumutugon. Upang mabatid ito, ang tanong sa mga tumutugon ay:

“Nitong nakaraang 3 buwan, nangyari po ba na ang inyong pamilya ay nakaranas ng gutom at walang makain? KUNG OO: Nangyari po ba ‘yan (nang) MINSAN LAMANG, MGA ILANG BESES, MADALAS, O PALAGI?”

Mantakin ninyong sabihin ni Arroyo na maging siya’y nakaranas ng gutom nitong nakaraang tatlong buwan – siya na may suweldong P40,000 bilang diumano’y pangulo at ang asawa’t mga anak ay may kani-kanyang hanapbuhay at ang buong pamilya’y may iba pang kayamanan (huwag na munang pag-usapan kung saan nakuha). Paano raw nangyari ito? Aniya:

“Kasi ‘yon naman ang question ng hunger, e, ‘Did you miss one meal in the last three months?’ E pati naman ako, I have missed one meal in the last three months.

Unang-una’y malinaw na hindi ganoon ang tanong ng SWS. Kung isasalin sa Ingles ang tanong na ginagamit sa sarbey ng SWS, ganito ang kalalabasan:

“Was there any time during the last three months that your family experienced hunger and had nothing to eat? IF YES: Did it happen ONCE, A FEW TIMES, OFTEN, or ALWAYS?”

Ikalawa ngunit higit pa, maliwanag na may pambabaluktot sa sagot ni Arroyo. Kagaya ng ipinaliliwanag sa press release ng SWS ukol sa nasabing sarbey, ang sinasabi nilang kagutuman ay “di-kusa” (involuntary, sa wikang Ingles). Hindi itinatanong ng SWS kung ang tumutugon ba’y may panahong kumain nang kulang sa tatlong beses sa isang araw, kahit na may pagkakataong kumain nang sapat, nitong nakaraang tatlong buwan: ang itinatanong ng SWS ay kung ang tumutugon ba’y may panahong hindi makakain nang tatlong beses sa isang araw, nitong nakaraang tatlong buwan. Ito ang lohika sa likod ng paggamit ng pariralang “walang makain” –- ibig sabihin, may panahong gustuhin man nilang kumain nang tatlong beses sa isang araw ay hindi nila magawa sapagkat kulang sa pambili o walang pambili ng sapat na pagkain.

Papagsamahin natin ang dalawang punto laban sa sagot ni Arroyo sa kinalabasan ng sarbey ng SWS, at makikita nating mambabaluktot na lang siya ng semantika’y hindi pa nagawa nang mahusay-husay. Magsasabing pati naman siya’y “nagutom” nitong nakaraang tatlong buwan –- isang litaw na tangkang kuwestiyunin ang kredibilidad ng mga estadistikang natipon ng SWS, sa layong mapalitaw na ang kagutuman sa bansa ngayo’y hindi kasinlawak ng nakikita sa mga resulta ng sarbey –- bago’y ni hindi pala niya naiintindihan kung ano ang ibig sabihin ng gutom, at maging yaong kasimple-simpleng Pilipino na nga sa tanong ng SWS ay hindi pa rin naunawaan.

Bakit gayon na lamang ang pagpupumilit niyang baluktutin ang katotohanang inilalarawan ng mga estadistika ng SWS? Bakit gayon na lamang ang pagpupumilit niyang palitawing maliit na bagay lamang ang kagutuman sa ating bansa sa kasalukuyan?

Kagaya ng nauna nang mabanggit, may 12 sikapat nang tuluy-tuloy na nasa 10 porsiyento pataas ang lawak ng kagutuman sa bansa. Una itong umabot sa lawak na 10 porsiyento pataas noong 2004 –- ang taong diumano’y nanalo siya sa halalan sa pagkapangulo.

Magbuhat noo’y walang pagbaba ang lawak ng kagutuman sa bansa batay sa mga sarbey ng SWS, at ngayon nga’y dalawang sikapat nang nasa 19 porsiyento ito.

Maliwanag na walang ginawa ang rehimeng Arroyo upang mabawasan ang kagutuman ng ating mga kababayan, gayong may kapangyarihan itong magsagawa ng mga karampatang hakbang.

Ito ang katotohanang ibig ikubli ni Arroyo –- kaya gayon na lamang ang pagpupumilit niyang baluktutin ang semantika ng kagutuman, kuwestiyunin ang kredibilidad ng mga estadistika ng SWS at palitawing ang kagutuman sa bansa’y maliit na bagay lamang.

1 comment:

Dupa Jasia said...

http://www.moasif.com/13684-plongee.html
http://www.moasif.com/3579-cochons.html
http://www.moasif.com/17956-veste_en_cuir.html
http://www.moasif.com/13895-portugal.html
http://www.moasif.com/8267-honneur.html
http://www.moasif.com/3401-cigarette.html
http://www.moasif.com/586-algerienne.html
http://www.moasif.com/11442-modeles.html
http://www.moasif.com/16607-swiss.html
http://www.moasif.com/5064-de_tous_les.html
http://www.moasif.com/5608-dp_le.html
http://www.moasif.com/10222-lille_cpa_anima_e.html
http://www.moasif.com/8951-jour_rare.html
http://www.moasif.com/16462-superbe_jupe_longue.html
http://www.moasif.com/13557-pittoresque_relie_annee.html
http://www.moasif.com/8084-haut_de.html
http://www.moasif.com/17605-tudes.html
http://www.moasif.com/18304-what.html
http://www.moasif.com/541-alarme.html
http://www.moasif.com/6800-f_n.html
http://www.moasif.com/6137-en_argent_et.html
http://www.moasif.com/6769-explorer.html
http://www.moasif.com/6679-ethernet.html
http://www.moasif.com/14781-retour_du_jedi.html
http://www.moasif.com/7258-foot.html
http://www.moasif.com/7835-grange.html
http://www.moasif.com/5161-denier.html
http://www.moasif.com/5664-du_17.html
http://www.moasif.com/5613-dra.html
http://www.moasif.com/620-allies.html
http://www.moasif.com/6594-et_muzo.html
http://www.moasif.com/4616-de_50.html
http://www.moasif.com/14837-ricain.html
http://www.moasif.com/10902-marche_aux.html
http://www.moasif.com/13559-pixies.html
http://www.moasif.com/10944-marino.html
http://www.moasif.com/1393-azur.html
http://www.moasif.com/502-ainsi.html
http://www.moasif.com/14897-rivarossi.html
http://www.moasif.com/16381-super.html
http://www.moasif.com/9253-l_automobile.html
http://www.moasif.com/9261-l_echo_des_savanes.html
http://www.moasif.com/15055-ross.html
http://www.moasif.com/6138-en_argent_massif.html
http://www.moasif.com/10980-marquise.html
http://www.moasif.com/14329-qui_est.html
http://www.moasif.com/14692-relief.html
http://www.moasif.com/943-apocalypse.html
http://www.moasif.com/13212-perdus.html
http://www.moasif.com/9710-laserjet.html
http://www.moasif.com/13380-photo_numa.html