Wednesday, April 21, 2010

PAGBABANTAY SA HALALAN NG 2010
Alexander Martin Remollino

Hindi mamatay-matay ang usapin ng pandaraya sa halalan sa ating bayan. At paano naman ito mamamatay, ay wala pa yatang naitatalang talagang malinis na halalan sa ating kasaysayan? Sa wika nga ng istoryador na si Ambeth Ocampo, sa kauna-unahan pa lamang na maituturing na pambansang halalan sa Pilipinas –- sa Kumbensiyon sa Tejeros -– ay may naganap nang dayaan.

Naging lalong maapoy ang usaping ito noong nakaraang dalawang halalan dahil sa garapal na pagsasagawa nito noon. Hindi pa nalilimot ang ayon nga sa makatang si Richard Gappi ay “di-mabilang” na botong “di nabilang” na para kay Fernando Poe Jr. noong halalan ng 2004, na humantong sa pagkakapagbigay diumano ng panibagong mandato kay Gloria Macapagal-Arroyo. Hindi rin nalilimot ang pandaraya sa ilang kandidato sa pagkasenador ng Genuine Opposition sa halalan ng 2007, na humantong naman sa pagkakaluklok ng ilang kandidato ng Team Unity na hindi naman kapani-paniwala ang pagkapanalo batay sa naging katayuan nila sa mga katiwa-tiwalang sarbey... BASAHIN ANG BU0NG ARTIKULO

No comments: