Saturday, May 08, 2010

KAHEL
Alexander Martin Remollino

Tila hindi bibitiw sa baril ang mga daliri ni Nonoy kahit na pukpukin ng maso.

Buo na ang kanyang kapasyahan: aasintahin niya ang ulo ni M. Villa, ang kanyang pangunahing kalaban sa panguluhan ng bansa, at kakalabitin niya ang gatilyo. Mabaliw-baliw na si Nonoy sa galit dahil may ilang linggo nang halos araw-araw ay laman ng mga balita si M. Villa at ang pagsasalaysay nito ng mga ulat mula raw sa mga sakada ng Hacienda Lucia na siya, kapag nalalasing, ay mahilig na mamaril ng sinumang dumaan sa kanyang harapan. Buo ang paniniwala niyang makasisira ito sa kanyang kampanya, kahit na ang mga marka niya sa lahat ng sarbey ay tila walang alam na tunguhin kundi pataas.

At ngayon, sa kanyang sasakyang nakahimpil may ilang daang metro mula sa tanghalan, nakaabang siya at ang kanyang mga badigard sa pagtawag sa pangalan ni M. Villa.

"At ang susunod na magsasalita, mga kababayan, ay ang dapat na maging susunod na pangulo ng Pilipinas -- walang iba kundi si M. Villa!"

Humigpit pang lalo ang kapit ng mga daliri ni Nonoy sa baril. Bumaba ang bintana ng kanyang sasakyan at bahagyang sumungaw mula roon ang bunganga ng baril ni Nonoy... BASAHIN ANG BUONG KUWENTO

No comments: