Wednesday, July 21, 2010

MGA HAMON KAY NOYNOY
Alexander Martin Remollino

"Ngayon, sa araw na ito — dito magwawakas ang pamumunong manhid sa mga daing ng taumbayan. Hindi si Noynoy ang gumawa ng paraan, kayo ang dahilan kung bakit ngayon, magtatapos na ang pagtitiis ng sambayanan. Ito naman ang umpisa ng kalbaryo ko, ngunit kung marami tayong magpapasan ng krus ay kakayanin natin ito, gaano man kabigat.

"Sa tulong ng wastong pamamahala sa mga darating na taon, maiibsan din ang marami nating problema. Ang tadhana ng Pilipino ay babalik sa tamang kalagayan, na sa bawat taon pabawas nang pabawas ang problema ng Pinoy na nagsusumikap at may kasiguruhan sila na magiging tuluy-tuloy na ang pagbuti ng kanilang sitwasyon.

"Kami ay narito para magsilbi at hindi para maghari. Ang mandato ninyo sa amin ay pagbabago — isang malinaw na utos para ayusin ang gobyerno at lipunan mula sa pamahalaang iilan lamang ang nakikinabang tungo sa isang pamahalaang kabutihan ng mamamayan ang pinangangalagaan."

Ito ang tinuran ni Benigno Simeon "Noynoy" Aquino III matapos ang kanyang panunumpa noong Hunyo 30 bilang ika-15 pangulo ng Pilipinas... BASAHIN ANG BUONG ARTIKULO

No comments: