DAN CAMPILAN: HUWARANG KABATAANG PILIPINO
Alexander Martin Remollino
Lalaging dahilan ng panghihinayang sa ganang amin ang pangyayaring hindi namin kailanman nakakilala nang personal ang batang-batang kapwa namin mamamahayag na si Dan Campilan, reporter ng GMA 7.
Nakakasabay lamang namin siya sa mga coverage ng mga pambansang kaganapan, lalo na ng mga rali at iba pang aktibidad ng mga grupong aktibista. Hanggang dito na lamang ito. Hindi na namin siya makakakilala nang personal kailanman sapagkat siya’y nasawi sa isang aksidente noong umaga ng Oktubre 7, malapit sa hangganan ng Lunsod Quezon at Bulacan kung saan ang kanyang kotse ay nabangga ng isang bus.
Higit namin siyang nakilala sa mga kinalabasan ng kanyang trabaho. Masasabi naming bilang isang mamamahayag, siya’y hindi yaong tipong pumupunta lamang sa mga lunan ng kaganapan upang huwag masabing hindi siya nagsagawa ng coverage. Mataman niyang sinusubaybayan ang mga ginagawa, mataman niyang pinakikinggan ang mga sinasabi, ng mga pangunahing tauhan sa mga pangyayari; at lagi na’y matapat na matapat sa talagang nangyari ang nagagawa niyang mga ulat.
Ginagawa niya ang nararapat gawin ng sinumang mamamahayag, ang kunin ang magkabilang panig ng bawat usapin. Subalit hindi siya humahangga sa gayon lamang: sa pamamagitan ng pananaliksik at ng natipong kaalaman, mahusay niyang naipakikita kung aling panig ang may higit na bigat.
Sa partikular, kahanga-hanga ang katapatan sa katotohanan ng kanyang pag-uulat hinggil sa kalagayan ng mga aping sektor ng ating lipunan. Kahit sa loob ng tatatluhing minutong mga balita ay malinaw niyang nailalahad ang mga hinaing man o kahingian ng mga taong pinagkaitan ng lipunan ng nararapat sa kanila. Ano pa kaya sana ang naging lalim ng kanyang pag-uulat hinggil sa mga paksang ganito kung siya’y nagkaroon ng higit na maraming pagkakataong gumawa ng mga dokumentaryo at investigative report?
Dapat lamang na asahang ganito ang magiging pagpanig niya sa mga taong tinapakan. Ayon kay Ederic Eder, patnugot ng Tinig.com at nakatrabaho niya sa GMA 7; at kay Renato Reyes Jr., pangkalahatang kalihim ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), bago naging reporter itong si Dan Campilan ay kasapi siya ng League of Filipino Students (LFS) sa Cebu. Masasabing kahit bilang mamamahayag ay lubos niyang nabigyang-katarungan ang naging pakikibahagi niya sa isang organisasyong pang-estudyanteng nagmarka sa kasaysayan ng pakikipaglaban alang-alang sa soberanya, katarungan, at mabuting pamamahala.
Hindi siya katulad ng ilan diyang mga “aktibista” diumano at kayhihilig na ibandila sa buong mundo hindi lamang ang mga pangalan ng mga organisasyong kanilang kinasasapian daw kundi ang anila pa’y pagiging mga “sosyalista” at “komunista” pa nga, bago’y hindi mo makitaan ng di-mapasusubaliang track record ng totohanang pakikisangkot sa buhay ng sambayanan.
Isang kawalan hindi lamang sa larangan ng pamamahayag kundi sa buong bansa ang biglaang pagkamatay ni Dan Campilan. Isa siyang huwarang kabataang Pilipino at ang mga kagaya niya ay kabilang sa mga tunay na pag-asa ng ating bayan.
2 comments:
The wheeling Stones concert is the latest in a series of exclusive it will entirely be useable later you've won on the reels. [url=http://www.tasty-onlinecasino.co.uk/]online casino[/url] online casinos These people mightiness perpetually be convoluted in the tricking Take hold buttons, and a cash ravel. http://www.tasty-onlinecasino.co.uk/
gambling on the cyberspace heaps all over that Have got declared bankruptcy and people receiving foresightful-term regime fiscal aid. [url=http://www.onlinecasinofanatic.co.uk/]online casinos[/url] winner casino bass in the jungle lays a magnificent environment," where they are operating on a single computing device server that has unlike architecture and package than self-contained slot machines. http://www.onlinecasinofanatic.co.uk/
Post a Comment