Pagpapahalaga sa Soberanya
Kamakailan, habang pilit na isinasaksak ng pamahalaan sa baga ng bayan ang pagpapalawig sa Balikatan, isang insidente sa Mindanao ang bumulaga sa ating lahat.
Kalaliman ng madaling-araw. Natutulog si Buyong-buyong Isnijal sa kanyang dampa kasama ang kanyang asawa. Bigla silang pinasok ng ilang sundalo. May nagpaputok ng baril. Maya-maya’y inakay palabas ang sugatang si Isnijal.
Ayon sa asawa ni Isnijal, isang sundalong Amerikano ang bumaril sa kanyang asawa. Sa dami na raw ng mga nakita niyang sundalong Amerikano ay naisaulo na niya ang hitsura ng mga ito. Kitang-kita raw niya, ang bumaril sa kanyang asawa ay isang Amerikano.
Napag-alaman pagkatapos na ang bumaril kay Isnijal ay isang nagngangalang Reggie Lane.
Ang pangyayari’y umani ng marahas na pagkundena mula sa mga militanteng grupong bumuo sa Lakbay Kalinaw at International Solidarity Mission. Anila, nalabag sa insidenteng ito ang Terms of Reference (TOR) ng Balikatan. Ipinanawagan ng Lakbay Kalinaw at ng International Solidarity Mission ang pagdakip kay Reggie Lane.
Tulad ng inaasahan, naging mabilis pa sa lintik ang ating sakdal ng giting na militar sa pagbibigay-katwiran sa naturang pangyayari. Ayon kay May. Hen. Ernesto Carolina, pinuno ng Southern Command ng Sandatahang Lakas, si Isnijal ay isang kasapi ng Abu Sayyaf. Idinagdag pa niya ang tanong na kung sino ba ang mga bumubuo ng Lakbay Kalinaw at International Solidarity Mission upang maggiit na dakpin si Reggie Lane, gayong hindi naman sila ang hukuman.
Hindi po pinag-uusapan dito ang kung si Buyong-buyong Isnijal ay kasapi ng Abu Sayyaf o hindi, May. Hen. Carolina.
Unang-una, ang pinag-uusapan po rito’y ang soberanya. Malinaw pong nakasaad sa TOR ng Balikatan na ang mga sundalong Amerikano’y hindi maaaring lumahok sa operasyong militar, at maaari lamang na sumabak sa sagupaan kung mangailangang ipagtanggol ang mga sarili. Ni hindi ninyo maaaring ikatwirang ipinagtanggol lamang ni Lane ang kanyang sarili sapagkat papagbali-baligtarin man ninyo ang lohika’y hindi maaari kailanman ang magkaroon ng pakikipagsagupa sa isang natutulog sa kalaliman ng madaling-araw--bukod pa sa walang karapatan si Lane na makihalo sa pagtugis kay Isnijal.
At sino rin ba kayo upang magdikta kung sino lamang ang maaaring maggiit ng pagpapahalaga sa soberanya? Ang soberanya’y pag-aari ng buong bansa, kaya’t karapatan ng sinumang mamamayan ang maggiit ng pagpapahalaga sa soberanya ng kanyang bansa. Karapatan din naman ng lahat ng bansa ang soberanya, kaya’t karapatan ng sinumang kasapi ng sangkatauhan ang maggiit ng pagpapahalaga sa soberanya ng kung alinmang bansa.
At huwag na huwag ninyong maisip man lamang na ikatwirang tumutulong lamang ang mga sundalong Amerikano sa pagsugpo sa terorismo. Kahapon lamang, mismong isang biktima ng Abu Sayyaf ang nagbunyag--sa harap pa ng ating lubhang kagalang-galang na Pangulo--na kaya hindi magapi-gapi ang Abu Sayyaf ay sapagkat ang pamahalaan din ang “nagpapatakbo” sa mga ito.
Maitatanong natin kung ano ang karapatan ng isang pamunuang tulad niyaong kinakatawan ni May. Hen. Ernesto Carolina na ang mga mamamayan ay magbayad ng buwis.
Tuesday, July 30, 2002
Sunday, July 28, 2002
Kaululang Kabayaran sa Katapatan
Hindi kami magtataka kung kakaunti ang nakakikilala sa serbidor ng Sulo Hotel na si Herbert Ocampo. Sino ba ang nagsabing kinikilala pa ang mararangal na tao sa panahong ito?
Si Herbert Ocampo, gaya ng nasabi na, ay isang serbidor sa Sulo Hotel. Subalit hindi siya isang serbidor lamang; isa siyang taong hindi nagpasilaw sa kinang ng salapi. Noong isang araw, nakapulot siya ng isang daang libong dolyar. Isang daang libong dolyar. Limang milyong piso ang katumbas nito.
Maliit lamang ang sahod ni Ocampo at sa kanya lamang umaasa ang kanilang pamilya. Malaki sana ang maibibigay na kaginhawahan ng napulot niyang pera. Subalit sa halip na ibulsa ang salapi, ibinalik niya ito sa may-ari.
At ano ang naging gantimpala ng otel na pinagtatrabahuhan niya sa kanyang katapatan? Isang hamak na gift cheque na walang kayang bilhin liban sa kare-kare at sabaw. Ni hindi naisipang itaas ang kanyang sahod bilang insentibo man lamang.
Umani ng matinding pagbatikos ang hamak na gantimpalang ito. Marami ang tumawag sa Sulo Hotel at nagtanong kung bakit gayong kaylaking kabutihan ang ginawa ni Ocampo ay gayon lamang ang gantimpala sa kanya.
Subalit sa halip na dagdagan ang gantimpala sa kanya, ang tanging ibinigay sa kanya ng naturang otel ay malamig na pakikitungo. Sinisisi siya ng pangasiwaan ng otel sa pagbatikos na natanggap nila, gayong hindi naman siya nagreklamo.
Kung ayaw nila ang nangyaring pag-ani nila ng batikos, sana'y hindi konsuwelo de bobo lamang ang ipinagkaloob nila sa kanilang kawaning matapat. Hindi ginusto ni Ocampo ang pag-ani nila ng batikos; likas iyong dumating sa kanila dahil sa kanilang kasakiman.
Ngayon, dahil sa nangyari sa kanya, nagbabalak siyang iwan na ang kanyang trabaho sa Sulo Hotel, buong kapaitang nagtatanong sa sarili kung bakit kaululan ang ganti sa kanyang katapatan.

Saturday, July 27, 2002
Musikang Mainstream sa Pilipinas, 1976-2002
Parang kailan lang noong ang musikang mainstream sa Pilipinas ay isang tanghalan ng kahenyuhang pansining.
Taong 1976 nang unang pumailanlang sa himpapawid ang "Anak" ni Freddie Aguilar, na susundan niya ng ilan pang magagandang kanta. Sa taon ding ito unang bumanat sa pambansang himpapawid ang Juan de la Cruz Band, na di magtatagal ay maghihiwa-hiwalay, bagama't magkakaroon sila ng kani-kanyang karera sa musika.
Dekada 70 rin nang sumabog sa ating himpapawid ang Asin at nang tayo'y sabihan ng Banyuhay ni Heber Bartolome na huwag mahiya sa ating pagiging mga pango. Sa dekada ring ito nagsimulang mamayagpag ang mestisang folk singer na si Coritha. Dekada 70 rin nang marinig natin ang kauna-unahang mga kanta ni Gary Granada at ng The Jerks sa mainstream ng musikang Pilipino.
Noong mga unang taon ng dekada 80, nagsimulang marinig sa mga rali laban sa diktaduryang Marcos ang Inang Laya. Bagama't naging madalang ang paggawa nila ng mga album, naging mga klasiko naman ng makalipunang musika ang kanilang mga awit, kasama ng mga awit ng mga pangkat na underground tulad ng Buklod Patatag, at The Jerks (dati'y higit na gumagalaw sa musikang underground ang bandang ito, bagama't may ilang kanta sa mainstream) at ng mga soloistang underground din tulad nina Jess Santiago, Pol Galang, Susan Fernandez-Magno, at Gary Granada (ang kalakhan ng karera ni Granada ay sa musikang underground ginugol).
Sa mga ibang bahagi ng dekada 80, nagpatuloy ang pamamayagpag ng Asin at nina Coritha at Freddie Aguilar (na noo'y hindi pa rin nagsisimulang magpakita ng anumang tanda ng pagpurol ng panulat), na sinabayan naman ng pagtuntong ng Apo Hiking Society sa tugatog ng kasikatan at ng mga panimulang hataw ng Lokal Brown.
Ang mga unang taon ng dekada 90 ay kinatampukan ng pagpasok ni Joey Ayala at ng Bagong Lumad at ni Grace Nono sa mainstream ng ating musika. Sumabay dito ang mabilis na pagsikat ng The Dawn at ang pamamayagpag ng mga makabayang kanta ni Francis Magalona.
Ang mga kasabayan ko (mga isinilang noong 1977 hanggang 1979) ay nangagbinata at nangagdalaga sa saliw ng mga kanta ng Eraserheads, Yano, True Faith, AfterImage, Rivermaya, Alamid, Color It Red, Sugar Hiccups, at The Youth.
Ang mga huling taon naman ng dekada 90 ay naging saksi sa matagumpay na ganap na pagpasok nina Gary Granada, Bayang Barrios (na dating kabilang sa Bagong Lumad ni Joey Ayala), at ng The Jerks sa mainstream ng musika natin.
Ang taong 2001 ang naghudyat ng pagpasok ni Noel Cabangon, dating punong bokalista ng Buklod, sa ating musikang mainstream.
Ngunit ngayon, matapos ang lahat ng ito, nasaan ang mainstream na musika sa Pilipinas? Kung magbukas ka ng radyo o manood ng mga music video ay para kang tumama sa loterya kapag may narinig kang kahit isang matinong kanta.
Paano kaya umabot sa ganito ang mainstream na musika sa Pilipinas? At saan ito papunta?

Thursday, July 18, 2002
Kainin ang Shorts
Alam na nating ang ating industriya ng pelikula'y masasabing talagang nangangailangan ng dugo kung kultural na kahalagahan ang pag-uusapan. Gasgas na ang mga linya't eksena'y wala pang silbi ang mga tema. Iilan lang na direktor, tulad nina Lav Diaz at Tikoy Aguiluz, ang nagsisilbing mga ilaw sa karimlan ng ating pelikula.
Parang wala halos na pag-asa ang ating pelikula. Ngunit mayroon din naman.
Sa NU TV ay may palabas na ang pamagat ay Eat My Shorts. Dito'y itinatanghal ang maiikling independiyenteng produksiyong pampelikula. Karamihan sa mga itinatanghal dito'y mga gawa ng mga estudyante at mga bagong-tapos ng kursong film.
Maiikli nga lang ang mga itinatanghal dito--karamiha'y hindi lumalampas sa sampung minuto. Datapwat tunay na malalaman ang mga ito--higit pang malaman kaysa sa karamihan sa mahahabang pelikulang nasa mainstream cinema ng Pilipinas, kung paanong ang isang supot na nilagyan ng limang kilong bigas ay higit pang malaman kaysa isang sakong nilamnan ng tatlong takal. Nakaugat sa mga totoong kaganapan sa ating paligid ang mga tema ng mga ito--pawang tumatalakay sa mga kasuklam-suklam na bagay sa ating paligid tulad ng kahirapan at ng mga huwad na pamantayan ng ating lipunan.
Iilan lang ang mga kilalang artistang nakaganap na sa mga produksiyong ito, halimbawa'y sina Vangie Labalan at Jun Urbano. Karamiha'y mga kamag-aral o kabarkada ng mga gumawa ng mga pelikula at may ibang waring kinuha lamang mula sa tabi-tabi. Ngunit higit na mahalaga ang kanilang ginagawa kaysa sa kalakhan ng ginagawa sa mainstream cinema sapagkat kanilang nabibigyang-hugis at nalalagyang-kulay ang mga bagay na hindi pinangangahasang itala ng karamihan sa ating mga pelikula.
Maganda ang nagagawa ng Eat My Shorts di lamang sapagkat nakapagbibigay ito ng matinong panoorin kundi naipakikita nitong may kulturang buhay sa Pilipinas bukod sa mga eskapistang pelikulang malalaki nga'y wala namang laman.
Higit sa lahat, naipakikita nitong may pag-asa pa ang industriya ng pelikula sa Pilipinas. Batay sa mga nangyayari, lumilitaw na ang pag-asang ito'y nasa mga independiyenteng manlilikha ng pelikula.

Sunday, July 14, 2002
Bayad-Utang
Bahagi ng kasaysayan ng Ikatlong Daigdig ang malaking utang na panlabas. Isa itong walang katapusang tanikalang nakabilibid sa mga bansa ng Ikatlong Daigdig.
Dahil sa mga programang pang-ekonomiyang supling ng kolonisasyon at neokolonisasyon, ang mga bansa ng Ikatlong Daigdig ay nasadlak sa matinding kahirapang dala ng pangangaunti ng kapital ng mga ito. Dahil dito, kinailangan ng mga naturang bansa ang mangutang upang mapunan ang pagkawala ng kapital. Samakatwid, ang utang na panlabas ay maaari sanang gamitin upang pagaanin ang mabibigat na kalagayan ng mahihirap na bansa.
Datapwat ang kapangyarihang dulot ng kakayahang magpautang ay sinamantala ng mayayamang bansang siyang namumuno sa mga panlabas na institusyong tagapautang upang higpitan ang pagkakabilibid ng Ikatlong Daigdig sa neokolonyalismo. Ginawa nilang kundisyon sa bawat pautang ang pagpapatupad ng mga patakarang higit na nagpapatibay sa neokolonyal na kaayusan. Dahil dito, sa halip na magpaalwan sa kalagayan ng Ikatlong Daigdig ay lalong pinasidhi ng mga utang na panlabas ang kalagayan nito. Umabot ang lahat sa yugtong maging ang mga pangangailangan ng sambayanan tulad ng edukasyon at serbisyong pangkalusugan ay isinasakripisyo na alang-alang sa utang na panlabas.
Dahil dito, ang patuloy na paniningil ng utang na panlabas sa Ikatlong Daigdig ay umaani ng patindi nang patinding pagtutol mula sa iba't ibang sektor sa buong mundo. Umabot ang lahat sa pagsilang ng isang kampanya upang wakasan ang paniningil ng utang na panlabas sa mga bansa ng Ikatlong Daigdig.
Isa sa mga bunga ng kampanyang ito ang Jubilee Debt Campaign, na pinangungunahan ng mga iba't ibang militanteng grupo sa Gran Britanya at Hilagang Ireland. May mga katulong na pangkat sa iba't ibang bahagi ng mundo ang mga nasabing pangkat.
Isa sa mga gawain ng Jubilee Debt Campaign ay ang pagpapalaganap at pagpapalagda ng isang petisyong iniuukol sa Reyna ng Inglatera. Ang pamahalaan kasi ng Gran Britanya at Hilagang Ireland ay isa sa mga nangunguna sa pandaigdigang kampanya laban sa paniningil ng utang na panlabas sa mga bansa ng Ikatlong Daigdig. Layon ng petisyon ang ipakita sa pamahalaan ng Gran Britanya at Hilagang Ireland kung gaano kalaki ang pagtangkilik sa kampanya laban sa utang na panlabas sa buong mundo.
May elektronikong bersiyon ang petisyong ito, na maaaring lagdaan sa website ng Jubilee Debt Campaign. Halina't ating idagdag ang tinig natin.

Saturday, July 06, 2002
Pagbabalik sa 'Gapo
Hulyo 4, 1946 nang ang ating bansa’y gawaran ng “kasarinlan” ng mga Amerikanong mananakop.
Sa loob ng maraming taon, ang Hulyo 4 ay ating itinangi bilang Araw ng Kasarinlan, at sa ganito’y itinatwa natin ang isang matingkad na katotohanang lumilitaw kapag dinaanan ng ating mga mata ang mga pahina ng kasaysayan: na ang kalayaang tunay ay hindi kailanman ibinibigay ng mga umagaw nito kundi ipinaglalaban ng mga inagawan nito, at ang anumang kalayaang “ibinibigay” ay laging may karugtong na sinulid. Kagaya ng sinasabi sa isang awit ng The Jerks, “Walang libreng kalayaan/Ito’y pinagbabayaran”.
Naitama na lamang ang pagkakamaling ito noong kapanahunan ng Pangulong Diosdado Macapagal, nang ang Araw ng Kasarinlan ay ilipat sa Hunyo 12 dahil sa paggigiit ng mga makabansa. Ito naman ang tunay na Araw ng Kasarinlan sapagkat Hunyo 12, 1898 ipinahayag ang kalayaang natamo sa sama-samang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga Kastila.
Ngunit nananatili ang Hulyo 4 bilang Araw ng Pagkakaibigan ng Pilipinas at Estados Unidos.
Sa nobelang ‘Gapo ni Lualhati Bautista, hinahalukay nang husto ang kaloob-looban ng “pagkakaibigang” ito.
Ang ‘Gapo sa pangunahi’y kasaysayan ni Michael Taylor, Jr., isang dadalawampuing taong gulang na folk singer na anak sa labas ng isang sundalong Amerikanong kailanma’y hindi niya nakita ang pagmumukha. Ngunit sa pagsulong ng nobela’y makikitang kasaysayan din ito ng mga Pilipinong namuhay sa Olongapong pinaghaharian ng mga sundalong Amerikano noong panahong naroon pa ang kanilang base militar.
Malaki ang galit ni Michael sa mga Amerikano dahil sa ginawa ng ama niyang pag-iwan sa kanyang ina, at sa kanyang pagiging anak sa labas, na nagsupling ng pagkutya mula kung kani-kanino. Ang galit na ito’y mararagdagan pa ng mga masasaksihan niyang kalapastanganang kagagawan ng mga sundalong Amerikano. Dahil dito, palagi niyang nakakasagutan si Magda, isang bargirl na inampon ng kanyang ina at kasama niyang lumaki, na isang masugid na tagahanga ng mga sundalong Amerikano sa kabila ng mga pasakit na kanyang dinanas sa kanilang mga kamay.
Malalapit na kaibigan ni Michael sina Modesto, isang manggagawa sa base militar, at Ali, isang homoseksuwal na masalapi. Sa pakikipag-ugnayan ni Michael sa dalawang ito ay mabubunyag ang kanilang mga kasaysayan—si Modesto’y api-apihan sa base militar, walang kaibigang Amerikano roon liban sa isang William Smith, at kaya na lamang nagtitiis sa kanyang trabaho ay sapagkat malaki ang kinikita niya roon, samantalang si Ali ay may kasintahang isang sundalong Amerikanong nagngangalang Richard Halloway.
Isang araw ay hindi na matitiis ni Modesto ang paglapastangan sa kanya ng mga sundalong Amerikano sa base militar at makikipagsagutan siya sa isang opisyal doon. Ang sagutan ay mauuwi sa suntukan, kung saan si Modesto ang makalalamang. Ngunit gaganti ang mga sundalong Amerikano at pagtutulung-tulungan nilang gulpihin si Modesto, sa kabila ng mga pagpipigil at pakikiusap ni William, hanggang sa mamatay.
Si Ali nama’y pagnanakawan ni Richard sa pakikipagsabwatan ng kasambahay nitong si Ignacio, at bubugbugin pa.
Samantala, si Magda nama’y nagkaroon ng isang kasintahang isa ring sundalo, na nagngangalang Steve Taylor, na di maglalaon ay makabubuntis sa kanya. Sa simula’y tila napakabait nito, at sa kauna-unahang pagkakatao’y parang nakita ni Michael sa kanya ang isang Amerikanong maaari niyang maging kaibigan. Subalit sa dakong huli’y malalaman niyang hindi naman pala ito tapat kay Magda at sa katunaya’y may babalikang asawa’t anak sa Estados Unidos.
Maalaala niya ang mga katampalasanang sinapit ng kanyang ina, nina Ali at Modesto, sa mga kamay ng mga Amerikano. At maiisip niyang si Magda’y paulit-ulit nang nilinlang ng mga Amerikanong minahal niya at ngayo’y nililinlang na naman. At ihahataw niya sa ulo ni Steve ang kanyang gitara, isang hataw, dalawang hataw, walang patumanggang hataw, hanggang sa mamatay ito.
Magtatapos ang nobelang si Michael ay dinadalaw ni Magda sa kulungan. Magpapaalam sa kanya si Magda na ipapangalan sa kanya ang anak nito. Michael Taylor III. Mahigpit na maghahawak ang kanilang mga kamay mula sa magkabilang panig ng mga rehas.
Ang nobelang ‘Gapo ni Lualhati Bautista, na gaya ng mga nobelang Noli me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal ay hango sa mga tunay na karanasan, ay sinulat noong dekada 80. Noon pa ma’y makabuluhan na ito sapagkat idinuduro nito sa ating mga mukha ang isang katotohanang noon at ngayon ma’y pilit nating tinatakasan at pinangangatwiranan sa pamamagitan ng kung anu-anong kahangalan. Ngunit ngayo’y lalong makabuluhan ito, sapagkat sa ilalim ng umiiral ngayong Balikatan ay di malayong ang buong bansa nati’y maging isang base militar ng Estados Unidos.

Thursday, July 04, 2002
Pagpatay kay Beng Hernandez: Alang-Alang sa Pambansang Seguridad?
Isang pangalan ang bumulaga sa mga mambabasa ng mga pahayagan ilang araw makaraan ang Abril 5: si Benjaline “Beng” Hernandez. Natagpuan ang kanyang bangkay, kasama ng mga bangkay ng tatlong iba pa, sa isang liblib na nayon sa Mindanao.
Malaking alingasngas ang nilikha ng pagkakatagpo sa kanyang bangkay. Marami ang nanawagan ng isang masusing pagsisiyasat sa kanyang pagkamatay—mga aktibista, peryodista, at maging si Senador Aquilino Pimentel, Jr.
Ngunit bakit gayon na lamang kalaki ang ingay na nilikha ng pagkakatagpo sa kanyang bangkay? Hindi ba’t halos araw-araw nama’y may natatagpuang bangkay sa kung saang sulok ng Pilipinas?
Nang siya’y mamatay, si Beng Hernandez ang Katulong na Pangkalahatang Kalihim ng Karapatan, isang organisasyong nagsusulong ng karapatang pantao, sa Timog Mindanao, bukod pa sa pagiging Pangalawang Pangulo ng College Editors Guild of the Philippines sa Mindanao.
Nang siya’y mamatay, si Beng Hernandez ay nasa Sitio Bukatol sa Arakan Valley sa Cotabato, nagsasagawa ng pananaliksik hinggil sa kalagayan ng mga magsasaka roon at naghahabol sa pananaliksik ding sinimulan niya noon pang nakaraang taon hinggil sa isang masaker na naganap sa Tababa, na nasa Arakan Valley rin.
Natagpuan ang kanyang bangkay kasama ng mga bangkay nina Crisanto Andrade, Vivian Amora, at Labaon Sinunday.
Ayon sa mga saksing taganayon, si Beng at ang kanyang mga kasama ay nasa isang dampa at manananghali na sana nang biglang magpaputok ang may anim na kasapi ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) sa pamumuno ng isang Sarhento Antonio Torella.
Ang kasama nilang si Labaon Sinunday, isang Lumad, ay tumakbo, subalit siya’y nahagip ng punlo at napatay. Si Beng at ang dalawa pang natira niyang kasama, sina Crisanto Andrade at Vivian Amora, ay nagsitalon mula sa dampa, datapwat naharang ng mga milisyang CAFGU at ipinagbabalibag sa lupa. Ilang sandali pa’y pawang mga bangkay na ang tatlo, tulad ng naunang napatay na kasama nilang si Sinunday.
Pilit na pinasisinungalingan ng militar at ng Gobernador ng Hilagang Cotabato, si Emmanuel “Manny” Piñol, ang mga salaysay ng mga saksi. Anang mga tagapagsalita ng militar, sina Beng ay mga kasapi ng New People’s Army na napatay sa isang sagupaan. Idinagdag pa ni Gobernador Piñol na ang mga nakasulat sa talaarawan ni Beng ay nagpapatunay na isa siyang “rebelde.”
Unang-una, kung talagang may talaarawan si Beng na nagpapatunay na siya’y isang “rebelde”, tulad ng sinabi ni Gobernador Piñol ng Hilagang Cotabato, bakit tila si Gobernador Piñol lamang ang nakakita ng talaarawang nasabi?
Ikalawa, ang usapin ay hindi kung si Beng at ang kanyang mga kasama ay mga “rebelde” o hindi—ang usapin ay kung tunay nga bang sa isang sagupaan sila nalagutan ng hininga.
Nang matagpuan ang mga bangkay ni Beng at ng kanyang mga kasamang sina Amora at Andrade, nakataas ang kanilang mga kamay, na para bang pilit nilang ipinagsanggalang ang kanilang mga sarili, dili kaya'y nagmakaawa sila.
Basag ang bungo ni Beng, palatandaang ito’y pinukpok o binagsakan ng kung anong mapurol na bagay. Duguan at sugatan ang isa sa kanyang mga kamay. Sunog sa pulbura ang dibdib—hindi ba’t ito’y maliwanag na katibayang siya’y binaril nang malapitan? May mga pasa pa sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan at mukha.
Sabog ang ulo ni Andrade.
Lumuwa naman ang utak at bituka ni Amora.
Kung tutuusi’y hindi na kailangan ang mga salaysay ng mga saksing taganayon upang mapag-alaman kung ano talaga ang nangyari kina Beng—ang mga hitsura na ng kanilang mga bangkay ang nagsasabi kung sino ang sinungaling, ang mga saksing taganayon o si Gobernador Emmanuel “Manny” Piñol at ang mga tagapagsalita ng militar.
At ano naman kaya ang isasagot ng militar at ng CAFGU sakaling sila’y tanungin kung bakit gayon ang sinapit ni Beng at ng kanyang mga kasama? Sasabihin nilang sina Beng ay mga subersibo at ang nangyari sa kanila ay nangyari dahil sa kagustuhan ng militar at ng CAFGU na pangalagaan ang pambansang seguridad. Ganyan mangatwiran ang militar at ang CAFGU, kaya’t ang ganyang sagot ay maaasahan nang manggaling sa kanila. Ang batas militar, na kinatampukan ng malawakang paglabag sa karapatang pantao, ay pinangangatwiranan magpahanggang ngayon ng mga lumikha at nagpatupad nito sa pamamagitan ng pagsasabing ito’y kinailangan upang pangalagaan ang pambansang seguridad.
Datapwat maitatanong din naman natin: Si Beng ba at ang kanyang mga kasama ay naging mga banta sa pambansang seguridad?
Nang mamatay si Beng at ang kanyang mga kasama, sinisiyasat nila ang mga paglabag sa karapatang pantao sa pook na kanilang kinamatayan. Samakatwid, namatay silang nagsusulong ng karapatang pantao. Paano sila naging mga banta, kung gayon, sa pambansang seguridad? Hindi ba’t ang pambansang seguridad ay ang katiyakang matatamasa ng isang bansa at ng lahat ng mga indibidwal na kasapi nito ang lahat nilang mga karapatan bilang mga tao nang walang anumang banta ng kaparusahan? Samakatwid, sina Benjaline “Beng” Hernandez, Labaon Sinunday, Crisanto Amora, at Vivian Andrade ay pawang namatay na nagsusulong ng tunay na pambansang seguridad.
Hindi, hindi kailanman naging banta sa pambansang seguridad si Beng Hernandez at ang kanyang mga kasama noong kasumpa-sumpang araw na iyon sa Sitio Bukatol. Subalit sila’y naging mga banta sa isang uri ng “seguridad” na pinakikinabangan ng iilan lamang—ang “seguridad” ng isang sistemang lumalabag sa mga karapatan ng sambayanan. Dahil dito, sila’y pinatay ng mga tagapagtanggol ng nasabing sistema.

Subscribe to:
Posts (Atom)