Thursday, October 14, 2004

DI NAMIN TUTUNTUNGAN ANG HIGANTENG ALON

Pagpapatiwakal na kung sasakyan namin ang ihip ng hangin.
Pagpapatiwakal na kung kami'y paaanod sa ragasa ng ilog.
Kami'y mga artista
ng bayang nakasalagmak sa tambak ng basura.
Di namin tutuntungan ang higanteng alon
ng di-pagsaling sa putik ng katotohanan,
pagkat aming tangan ang tungkod ni Moises--
tungkod na hihiwa sa palalong dagat.

Saturday, October 09, 2004

TUGON NG GOBYERNO NG PILIPINAS SA KRISIS PISKAL NA ITO RIN ANG MAY KAGAGAWAN

Walang matipid,
pinapagtitipid pa
ng mga waldas.
ANG MGA 'ARTISTANG' FIL-AM AT ANG KONSEPTO NG PAGKA-PILIPINO

Sa press conference na ginanap sa kanyang pagdating sa Pilipinas nitong Miyerkules, sabik na sabik na sinabi ni Jasmine Trias na bagama't siya'y lumaki sa Estados Unidos, isa naman siyang Pilipino sa kaibuturan ng kanyang puso. At upang patunayan ito'y ibinahagi niya sa mga panatikong "mamamahayag" na dumalo sa kanyang kumperensiya na alam niya ang mga awiting "Ako ay Pilipino," "Mula sa Puso," at "Maalaala Mo Kaya."

Bagama't may kaibhan sa mga susunod na babanggiting halimbawa, ito'y nagpagunita sa amin ng madalas na pagkakalarawan ni Joyce Jimenez at ng magkapatid na Montero (Troy at KC)--mga Pilipinong laking-Estados Unidos na umuwi sa Pilipinas at dito'y sumikat bilang mga taga-showbiz--sa kanilang mga sarili bilang mga "Pilipinong-Pilipino rin naman," sapagkat sila raw ay mahihilig sa adobo't sinigang.

At ang kanilang mga panatiko sa pabatirang madla ay tuwang-tuwa naman sa tuwing maririnig sa kanila ang ganito, na kanilang ginagawang dahilan upang paliguan ng papuri ang mga taong nabanggit. At tayo'y makikiawit naman niyaong mga "Hosana."

Maraming dayuhan ang sa tuwing nakaririnig ng mga kantang likha ng mga Pilipino, o nakatitikim ng putaheng Pilipino, ay labis na natutuwa. Sila ba'y Pilipino na niyon?

Maaaring dahil sa tinukoy ni Renato Constantino na "lisyang edukasyon ng Pilipino," maaari rin namang dahil lamang sa ating labis na pagkapanatiko sa ating mga aktor at aktres na lumaki sa ibang bansa--at malamang na sa parehong dahilan--hindi natin nakikitang ang konsepto ng pagka-Pilipino ay may lubhang malalim na pinagmulan--higit pa sa mga insidental na binabanggit nina Trias at Jimenez at ng magkapatid na Montero upang ilarawan ang mga sarili bilang mga taong Pilipinong-Pilipino diumano.

Dati'y yaong Kastilang "Filipino" pa ang ginagamit, wala pa yaong salita sa isina-Pilipinong baybay na "Pilipino." Yaong "Filipino," sa kalakhan ng pananakop ng Espanya sa Pilipinas, ay ginamit upang tukuyin ang mga insulares o creole, o yaong mga Kastilang isinilang sa Pilipinas; ang mga katutubong mamamayan ng Pilipinas ay "indio" kung tawagin noon.

Ang paggamit ng salitang "Filipino" upang tukuyin maging ang mga indio ay nagsimula sa Kilusang Repormang pinamunuan nina Marcelo del Pilar, Jose Rizal, at Graciano Lopez Jaena. Nakaangkla ito sa kanilang panawagang ang Pilipinas ay maging lalawigan ng Espanya sa halip na kolonya, upang ang mga orihinal na mamamayan ng kapuluan ay magkaroon niyaong mga karapatang tinatamasa ng mga Kastila. Ito, sa kanilang pananaw noon, ang magpapalaya sa mga Pilipino.

Ang pagpapatapon kay Rizal sa Dapitan noong 1892 dahil sa diumano'y pagiging isang rebelde ay itinuring ng ilang kasapi ng Kilusang Reporma, tulad ni Andres Bonifacio, bilang kabiguan nito. Ito'y nanganak ng isang rebolusyonaryo namang kilusan, na ang adhikain ay ang paghiwalay ng Pilipinas sa Espanya.

Ang konsepto ng pagka-Pilipinong hinulma ng Kilusang Reporma ay dinala na rin ng rebolusyon nina Bonifacio, na sa kalauna'y tinangkilik ni Del Pilar.

Nakaugat ang konsepto ng pagka-Pilipino nating mga Pilipino sa makasaysayang pakikibaka ng ating mga ninuno para sa kalayaan. Ito'y pakikibakang nagpapatuloy magpahanggang sa mga araw na ito, ulit-ulitin mang ikatwirang noon pang 1998 natin ipinagdiwang ang sentenaryo ng ating "kalayaan."

Mismong si Hen. Dionisio Santiago, dating pinakamataas na opisyal ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas, ang umamin nang siya'y magretiro sa serbisyo noong 2003 na ang Pilipinas ay "tuta ng Amerikano." At siyang totoo.

Mismong ang ekonomistang si Hilarion Henares, Jr., na naging opisyal sa gobyerno ni Diosdado Macapagal, ay kumikilala at tumutuligsa sa hanggang ngayo'y paghahari ng mga Amerikanong kapitalista sa ating ekonomiya, bagay na nagsimula lamang na mangyari sa Pilipinas nang tayo'y sakupin ng Estados Unidos noong 1899.

Walang naging saysay ang pagkakaloob ng Estados Unidos ng "kalayaan" sa Pilipinas noong 1946. Sa pamamagitan ng iba't ibang "kasunduan," nanatiling tali ang kabuhayan ng Pilipinas sa dikta ng Estyados Unidos, na pumipigil sa ating industriyalisasyon upang walang makalaban ang mga empresa nito sa ating lupain.

Ang mga empresang ito ay malakas umubos ng ating kapital. Umaangkat lamang ang mga ito ng hilaw na materyales, at pagkatapos ay magbibili sa atin ng mga semi-processed good na sapagkat may higit nang lakas-paggawang nakapaloob ay higit nang mahal. Higit ang ating ginagastos sa pag-aangkat ng mga semi-processed good kaysa kinikita sa pagluluwas ng mga hilaw na materyales.

Dahil patuloy ang pagkalagas ng ating kapital sa ganitong proseso, napipilitan tayong mangutang sa mga ahensiyang multilateral tulad ng International Monetary Fund at World Bank (IMF-WB) upang mapunan ang nawawala. Ginagamit naman ng IMF-WB ang ating mga utang upang patawan tayo ng mga patakarang higit na magtatali sa atin sa mga interes ng mga kapitalistang Amerikano. Ang Estados Unidos ang pinakalamaking donor ng WB at siyang pinakamaimpluwensiyang kasaping bansa nito.

Awtomatikong impluwensiyado ng Estados Unidos sa ganito pati na ang ating pulitika. Nakikialam pa nang tuwiran ang Estados Unidos sa pamahalaan upang tiyakin ang paghahari ng mga kampon ng mga ekonomikong interes nito. Gunitain natin kung paanong muntik nang matanggal sa MalacaƱang si Carlos P. Garcia, dahil sa isang kudetang tinangkilik ng Estados Unidos, nang siya'y magpatupad ng Patakarang Pilipino Muna sa ekonomiya.

Iniimpluwensiyahan din ng Estados Unidos ang ating kultura sa paraang mangingibabaw sa pambansang kamalayan ang pagtataguyod sa neokolonyal na disenyo nito sa Pilipinas.

Ang kanila mismong mga transnasyunal na korporasyon ay tumatangkilik, sa pamamagitan ng mga anunsiyo, sa mga proyektong kultural at pampabatirang kundi man tahasang nagtataguyod sa "pilosopiyang" neokolonyalista ay hindi naman bumabangga rito. Nariyan din ang mga patakarang may kinalaman sa edukasyon na kailangang ipatupad ng pamahalaan upang makapangutang ito sa IMF-WB.

Ang kanilang mga foundation tulad ng Ford at Rockefeller ay nagbibigay ng mga akademiko at kultural na grant sa mga tao't institusyong napipisil nilang maaaring magkaroon ng malaking impluwensiyang intelektuwal sa madla. Sa mga naturang grant ay hinuhulma ang mga tao't institusyong ito sa doktrinang makaneokolonyalismo.

Sa gitna ng lahat nito, nananatili ang makasaysayang hamon ng pagka-Pilipino: ang ipaglaban sa anumang paraang makakaya ang paglaya ng Pilipinas sa isang kolonyal na kaparaanan ng pag-iral. Ito'y hamong unang isinatinig nina Del Pilar, Rizal, at Lopez Jaena; ito'y hamong ipinagpatuloy nina Bonifacio. Naglalagablab hanggang ngayon ang hamong ito, at ang pagtalima o di-pagtalima rito ang magpapasya kung ang isang taga-Pilipinas ay tunay nga bang Pilipino o hindi.

Sa katunaya'y may mga taong walang dugong Pilipino na napatunayan nang higit pang Pilipino kaysa maraming tagarito mismo. Halimbawa ng mga ito'y sina Dr. Wim de Ceukelaire ng Belgium, Fr. Peter Geremia ng Italya, at Sr. Mary Grenough ng Estados Unidos: sila'y matatapat na kaisa't malalapit na kaibigan ng mga mamamayang Pilipinong nakikipaglaban para sa kalayaan ng Pilipinas.

Isang nagsusumigaw na kaistupiduhan ang ikupot ang konsepto ng pagka-Pilipino sa sala't kusina.

Thursday, September 30, 2004

SI JASMINE TRIAS AT ANG WORLD-CLASS NA PILIPINO

Madalas kong mapansin ngayon, tuwing maluluwas ako ng Kamaynilaan, ang isang malaking billboard ni Jasmine Trias. Ang naturang billboard ay karugtong ng kanyang patalastas sa telebisyon para sa Smart IDD, kung saan inaawit niya ang "Kailangan Ko'y Ikaw" na naunang pasikatin ng kompositor nitong si Ogie Alcasid at pagkatapos ay ginawan ng bersiyon ni Regine Velasquez.

Isang Pilipinang taga-Estados Unidos, si Trias ay matatandaan nating sumikat sa kanyang pagsali--at pagiging finalist--sa American Idol, isang palatuntunan doon na tumutuklas ng mga bagong bituin at ngayo'y masugid na ginagaya ng mga nangungunang istasyon sa telebisyon sa ating bansa--ang GMA 7 at ang ABS-CBN.

Sa totoo lamang, marami rin naman ang maaaring ipagkapuri ni Trias.

Kawili-wili siyang pagmasdan. Mayroon siyang magandang mukhang tila hindi nauubusan ng ngiti. Mayroon din siyang hubog na kaaya-aya para sa kanyang gulang na wala pang 20.

Bukod pa'y kawili-wili din namang pakinggan, pagkat sa pagkanta'y may magandang boses, di tulad ng marami sa mga kasinggulang niyang taga-showbiz sa Pilipinas na upang kumita lamang nang karagdagan ay magpapanauhin sa mga variety show at aaginalduhan ng dahilan upang mairita ang tainga ng mga manonood na naghahanap ng katinuan sa munting tabing, na wala na nga halos makitang dahilan upang manood ng telebisyon ay bubuwisitin pang lalo.

Sa pinapagsama-samang katangiang ito ni Trias, masasabing nararapat lamang na siya'y naging finalist sa American Idol: at kung pagiging karapat-dapat lang ang pag-uusapan ay hindi namin maiwasan ang mapamura sa pag-iisip na ang isang Jasmine Trias ay naging finalist lamang gayong nakuha nilang papanalunin ang isang William Hung, na diumano'y kumakanta.

Tama lang na purihin si Trias sa kanyang naabot sa American Idol. Ayos lamang ang ipagbunyi natin ang nagawa niya roon.

Ngunit sa ating pagsasaya tungkol dito, sana'y huwag nating kalimutan ang esensiya ng mga bagay-bagay.

Sa pagiging finalist ni Trias sa American Idol, muling lumantad ang ating tendensiyang mabaluktot ang tunay na halaga ng pagiging world-class.

Ilang artikulo ang naglabasan sa mga pahayagan tungkol kay Trias? Ilang ulit siyang ginawan ng mga segment sa mga programang pambalitaan sa telebisyon?

Sa mga naglabasang artikulo't dokumentaryo tungkol kay Trias, isang tema ang nangibabaw: isa na namang Pilipino ang lumitaw na maaaring ipagmalaki ng kanyang mga kababayan, pagkat lumikha siya ng pangalan sa pandaigdigang larangan--talagang ang Pilipino'y magaling, world-class!

Ito'y nagpagunita sa amin ng kung paano inilarawan sa mga pahayagan sa Pilipinas at tinanggap ng madla ang pagiging Miss Saigon ni Lea Salonga sa mahabang panahon.

Bagama't mahirap papaghambingin pagkat magkaibang landasin sa musika ang tinugpa, sina Salonga't Trias ay parehong Pilipinong sumikat sa larangang ibang bansa ang nagtakda ng mga hangganan. Ang pagkakakuha ni Salonga sa papel ni Miss Saigon at ang pagiging finalist ni Trias sa American Idol ay parehong bunga ng kanilang tagumpay sa pag-angkop sa banyagang panlasa.

Sa kanilang mga tagumpay ay hindi ang pagka-Pilipino ng Pilipino ang naitampok. Ngunit sila pa ri'y ating ipinamamarali bilang mga halimbawa ng Pilipinong world-class.

Ito'y tanda ng kolonyal na kamalayang hinubog sa matagal na panahon ng ating mga mananakop--sa pamamagitan ng paglalako ng kalisyahan sa edukasyon, likhang-sining, at pabatiran--upang tanggapin ng mga mamamayan ang katarantaduhang pagyurak nila sa ating kalayaan nang dahil sa kanilang hangaring magpayaman nang magpayaman.

Ano ang Pilipinong world-class? Siya ang Pilipinong mapababantog sa ibang bansa sa kabila ng katingkaran ng pagka-Pilipino sa kanyang katauhan at mga gawa. Siya ang Pilipinong magtutulak sa buong daigdig upang bigyan ng masusing pagtingin ang hitsura ng Pilipinas.

Hindi tayo salat sa mga ganyang Pilipino. Nariyan ang mga Carlos Bulosan, Jess Santiago, at Heber Bartolome--na ang mga akda at kanta'y naisalin na sa iba't ibang wika kahit na ang mga ito'y pangunahing nakatuon sa partikularidad ng Pilipinas. Matagumpay nilang naiugnay sa kanilang sining ang kalagayan ng Pilipinas sa pandaigdigang paghahangad ng kalayaan at katarungan, kaya't may nasaling sila maging sa mga mambabasa't tagapakinig na hindi Pilipino.

Sila'y katulad ng makatang si Pablo Neruda at maninitik/musikerong si Victor Jara ng Chile. Halos ay pulos na Chile ang mababasa't maririnig sa kanila, ngunit sila'y pinahahalagahan ng buong mundo pagkat nagawa nilang ilarawan ang Chile sa konteksto ng mga unibersal na pangarap.

Hindi masama ang purihin natin ang mga Jasmine Trias at Lea Salonga. Ngunit iba pa ang pagiging world-class.

Tuesday, September 21, 2004

MAY PAKPAK ANG BALITA

(Alay kay Rolando Rosario at sa iba pang welgista sa mga bodega ng San Miguel Corporation, na ipinasara nitong Hunyo 12 upang, ayon mismo sa kumpanya, papasukin ang mga pribadong kontratista. Sila'y di man lamang pinaaabutan ng abiso, at inaalok pa ng separation package na hindi tatagal sa panahong kapantay ng haba ng serbisyo ng karamihan sa kanila. Ang isang "mamamayahag" na magbabalita sana ukol sa kanila ay tumahimik matapos na abutan ng sobre ng isa sa mga guwardiya sa main office ng kumpanya.)

"Ako, halimbawa, 40 years old na ako. Kung makakapagtrabaho ako nang 20 years pa, mapapagtapos ko lahat ng anak ko. Pero y'ong ino-offer nilang (separation na) P1.6 million, hindi aabot nang 20 years 'yon." -- Rolando Rosario, welgista sa bodega ng San Miguel Corporation sa Pureza Extension, Sta. Mesa, Maynila, sa isang interbiyu ng Bulatlat nitong Setyembre 14

Nangungupas na
ang mga titik sa inyong mga plakard
nang di man lamang nakapag-iiwan ng bakas
sa mga pahayagan.
Kundi pa ako kumain sa piketlayn
ng inyong ulam na isdang
makapal pa ang balat sa laman,
hindi ko pa mababalitaan
ang tangkang panunuhol sa inyo
ng mga Haring Creso ng korporasyon
upang
piliin ang pagsuko't kawalang-katiyakan
kaysa igiit ang karapatan sa buhay.

Ngunit may pakpak ang balita:
makalilipad ito,
pigilin man ng mga mambabalitang suhulan.
Ang sigaw ng inyong mga plakard
ay nakapunit na
sa katahimikan ng gabi.

Thursday, September 16, 2004

ANG DIYALEKTIKANG HINDI NAMAN DIYALEKTIKA NG ANYO AT NILALAMAN SA PANULAAN

Totoong isang maapoy na pagtatalo ang pinasiklab ng artikulong "Espasol vs. Nilupak" ni Gelacio Guillermo, na kanyang sinulat bilang sagot sa isang sanaysay ni Dr. Virgilio Almario--Pambansang Alagad ng Sining ng Panitikan sa taong 2003.

Sa sanaysay ni Almario, tinuligsa niya ang mga makatang pumapaksa sa mga usaping panlipunan sa kanilang mga akda, at ang sabi niya'y bagahe ang pulitika sa pagtula: nakasisira raw ito sa kalidad ng tula. Nagbanggit pa siya ng ilang halimbawa, kabilang ang tig-isang akda ng mga makabayan at makalipunang makatang sina Jess Santiago at Jose Lacaba. Tinukoy niya ang ayon sa kanya'y mga kahinaan ng mga tulang ito, ngunit hindi naman niya mapatunayang ang mga ito'y bunga ng pampulitikang mensaheng taglay ng mga tula.

Ito'y nagpapagunita sa amin ng isang narinig naming kuwento, kung saan sa isang inuman ay sinabi raw ni Almario na kanyang "pinagdududahan" ang pagkamakata ni Amado V. Hernandez--isang labis na hinahangaang makabayan at makalipunang makata.

Sa "Espasol vs. Nilupak," ikinatwiran ni Guillermo na ang pulitika ay hinding-hindi bagahe sa pagtula--na siya namang tama. Sapagkat ano nga ba ang tula?

Namnamin natin ang depinisyon ni Dr. Austin App, isang propesor ng Ingles, Wika, at Panitikan sa Estados Unidos noong ika-20 dantaon: "Ang tula ay lubhang maguniguning wikang mayaman sa mga kasangkapang artistiko na ang natatanging salik ay ang pataludtod na pagkakasulat. Ang taludturan ay metrikong wikang kung literal ay nananatiling taludturan lamang, subalit kung lubhang maguniguni ay tula."

Pakinggan naman natin ang pilosopong Pranses na si Voltaire: "Isang kanais-nais na katangian ng tula na kaunting tao ang kakaila; iyo'y lalong maraming sinasabi at sa lalong kaunting salita lamang kaysa sa tuluyan."

Narito naman ang isa mismong makata, si Samuel Taylor Coleridge: "Tuluyan--mga salita sa kanilang pinakamabubuting kaayusan; tula--pinakamabubuting salita sa kanilang pinakamabubuting kaayusan."

Sa tatlong pagpapakahulugan sa tula na nasipi, wala kaming makitang isa mang nagsasabing ang makata'y bawal na makisangkot sa pulitika. Dito'y kitang-kitang walang batayan--at sa katunaya'y isang insulto sa talino--ang sinabi ni Almario na ang pulitika ay bagahe sa pagtula.

Ang tula ay bahagi ng panitikan, kaya't ang pagtatalo tungkol sa panlipunang pakikisangkot ng mga makata ay sakop ng kabuuang debate tungkol sa panlipunang pakikisangkot ng mga manunulat.

Matanda na ang pagtatalo sa pagitan ng mga manunulat tungkol sa paksa ng kung dapat nga bang masangkot sa lipunan ang panitikan. Ang isang panig ay nagsasabing walang tungkulin ang manunulat kundi lumikha ng "mabubuting" akda, habang ang kabilang panig ay nagtuturan namang tungkulin ng manunulat ang sumulat tungkol sa mga karanasan ng kanyang bayan at ng sangkatauhan, kabilang--at lalung-lalo na--ang mga karaniwang mamamayan ng bansa at daigdig (na ang mga kasaysayan ay bihirang-bihirang masulat).

Sa Pilipinas, nagsimula ang gayong pagtatalo noong dekada 1930: ang kumatawan sa unang panig ay si Jose Garcia Villa, samantalang ang sa ikalawa nama'y si Dr. Salvador Lopez. Ayon sa manunulat na si Abet Umil, ang debate'y nagwakas noong 1940 nang sabihin ni Lopez ang ganito:

"Sa kadulu-duluhan, ang mahalaga sa manunulat, ipagpalagay nang kinikilala niya ang halaga ng panlipunang kalamnan sa panitikan, ay ang katiyakang ang kanyang pagsusulat ay magbubunga ng anumang maituturing niyang mabuti at may katuturan. Pagkat siya'y tiyak na may karapatang umasang kapag natugunan niya ang kahingian ng lipunan sa kanyang talino't kakayahan ay may mga partikular na nasusukat na kapakinabangang dadaloy mula sa kanyang akda na tangi pa sa lubos na suhetibong kasiyahang karapatan niya bilang alagad ng sining at likas na kakambal ng malikhaing pagpapahayag."

Totoo naman ang sinabi ni Lopez na tungkulin ng manunulat ang makisangkot sa lipunan. Lahat ay bahagi ng lipunan kaya't lahat ay nakaaapekto sa lipunan. Lalo na ang mga manunulat, na may matinding kakayahang impluwensiyahan ang pag-iisip ng mga mamamayan.

Kung ang isang manunulat ay susulat sa dahilang walang iba kundi upang magsulat lamang, walang ipag-iiba ang mundo sumulat man siya o hindi. Para na rin siyang hindi sumulat kung gayon, at mabuti pang hindi na lang siya sumulat upang ang papel na kanyang gagamitin ay maipanggatong man lamang ng mga namamatay na sa ginaw ng gabi ay wala man lamang pambili ng kahit manipis na kumot.

Ipinagpapalagay ng ilang mag-aaral ng panitikan na ang pagtatalong ito, na gusto pang ulitin ng ilang matandang manunulat sa panig na dati'y kinatawan ni Villa, ay diyalektika ng anyo at nilalaman.

Si Guillermo, na isang nangungunang alagad ng makabayan at makalipunang panitikan, ay walang anumang sinabing basta't may matinong mensaheng pampulitika ay ayos na ang isang akda kahit na pangit ang porma. Ang sinasabi niya'y walang silbi ang isang akdang pampanitikan, gaano man kaganda ang pagkakasulat, kung wala itong itutugon sa mga kaapihan ng masa sa isang lipunang nakahubog upang makalamon ng kayamanan ang iilang makapangyarihang bansa sa hindi nila lupa, upang payamanin nang payamanin ang iilang mayayaman mamatay man sa gutom ang nakararami.

Ganito ang sinabi ni Jose Maria Sison sa UP Writers Club nang siya'y mahingan ng naturang organisasyon ng isang mensahe ng pakikiisa noong siya'y nakapiit pa sa Fort Bonifacio: "Ngunit iba ang yumakap sa wasto at progresibong intelektuwal at pampulitikang pagtingin. Iba pa ang lumikha ng mahuhusay na pampanitikang akda."

Ibig sabihin, hindi dahil tama ang pilosopiya't pulitika ng isang akdang pampanitikan ay agad nang masasabing maganda ito. Sayang naman ang isang napakagandang mensahe kung hindi ito gaanong tatagos sa sinasabihan sapagkat pangit ang pagkakasabi.

Hindi kalaban nina Guillermo at Sison ang porma sa panitikan. Ang kanilang mahigpit na kinukundena ay isang uring panitikang wala nang inintindi kundi ang anyo, kasakdalang lunurin nito sa kahangalan ang mambabasa.

Ang banggaan ng mga kampong "panitikan para sa sarili nito" at panitikang makabayan at makalipunan ay sumasalamin sa pangkalahatang pagtatalo ng mga kampong "sining para sa sining" at "sining para sa tao."

Ang banggaang ito, paulit-ulit na isinasatsat ng mga alagad ng "sining para sa sining," ay banggaan ng estetika at nilalaman, ng makasining at makalipunan. Isang ganap na kabuhungan, sapagkat ang anyo--tulad ng nilalaman--ay esensiyal na bahagi ng sining.

Ano ang sining? Sa Ingles ay sinasabi ng Webster's New World Dictionary tungkol sa sining ang ganito: "Malikhaing paggawa o ang mga simulain nito; paglikha o paggawa ng mga bagay na nagpapamalas ng anyo, kagandahan, at pambihirang pananaw: kabilang sa sining ang pagpipinta, iskultura, arkitektura, musika, panitikan, dulaan, sayaw, atbp."

Walang sinasabi ang mga alagad ng "sining para sa tao" na ang sining ay dapat na tumiwalag sa pagiging sining: ang sinasabi nila'y dapat na tumingin ang alagad ng sining sa kalagayan ng lipunan at sangkatauhan. Hindi ito kataliwas ng anyo at kagandahan; sakop ito ng paglalahad ng tinatawag na "pambihirang pananaw."

Ngunit patuloy ngang inilalarawan ng mga alagad ng "sining para sa sining" ang pagtatalo nila ng kampo ng "sining para sa tao" bilang banggaan ng anyo at nilalaman, ng estetika at mensahe, ng makasining at makalipunan--upang ang huli'y palitawing kalaban ng sining--na ang ibig sabihi'y mga huwad na artista ang mga nasa kampong ito. Sa kadulu-duluhan, ang talagang pakay ng mga alagad ng "sining para sa sining" sa ganitong paglalarawan sa nasabing debate ay palitawing sila lamang ang tagapamandila ng sining--pailalim na pagsasabi sa madlang: "Huwag n'yo nang pansinin 'yang mga nasa kabila, mga wala namang alam 'yan, e."

Ito'y sapagkat kundi man sila tahasang alaga o kadikit ng mga sektor sa lipunan na nakikinabang sa pananatili ng kaayusan--na sa kadulu-duluha'y tinutulungan ng mapagtakas na diwa ng "sining para sa sining"--ay wala naman silang sapat na kakayahang tugunan ang malalalim na kahingian ng paglikha ng "sining para sa tao."

Sa dakong huli, nananatiling tumpak ang mensahe ni Jess Santiago sa mga makata mula pa noong 1976:

Kung ang tula ay isa lamang
pumpon ng mga salita,
nanaisin ko pang ako'y bigyan
ng isang taling kangkong
dili kaya'y isang bungkos
ng mga talbos ng kamote
na pinupol sa kung aling pusalian
o inumit sa bilao
ng kung sinong maggugulay,
pagkat ako'y nagugutom
at ang bituka'y walang ilong,
walang mata.
Malaon nang pinamanhid
ng dalita ang panlasa
kaya huwag,
mga pinagpipitaganang makata
ng bayan ko,
huwag ninyo akong alukin
ng mga taludtod
kung ang tula ay isa lamang
pumpon ng mga salita.

Thursday, May 27, 2004

MALILINIS AT MALILINIS ANG BANGA

Wala kang damit, Kamahal-mahalang Emperatris.
Nagtatago ka sa ilalim ng damit
na habi sa hanging sinulid:
di pa rin maikakaila ang iyong kahubaran.
Ang iyong paglapastangan sa hatol ng bayan
ay parang bulok na karne ng baboy
na isinilid sa banga:
isinisigaw ng alingasaw na nasa tabi-tabi lamang
ang kubling kabulukan.

Malilinis at malilinis ang banga,
Mahal na Emperatris.
Mene thecel phares.

Thursday, May 13, 2004

HINDI NADISKUWALIPIKA SI EDDIE GIL

Sa Txtube kaninang makalampas ang madaling-araw, isang mensahe tungkol kay Eddie Gil ang lumitaw: "Bakit na-disqualify si Eddie Gil? Wala nang pambansang pagtatawanan ang Pilipinas. Malungkot na ang Pilipinas."

Si Eddie Gil ang dating kandidato sa pagkapresidente ng Partido Isang Bansa Isang Diwa. Naging katawa-tawa siya sa paningin ng madla dahil sa kanyang mga ipinahayag na pananaw hinggil sa iba't ibang isyung kinakaharap ng bansa o maging ng kanyang sarili.

Nariyan, halimbawa, ang ipagyabang niyang kaya niyang bayaran ang lahat ng utang ng Pilipinas, gayong ang balita'y talbog na tseke ang kanyang ibinayad sa isang otel at ang kanyang opisina sa Quezon Avenue ay napakatagal nang nakatayo bago nagkaroon ng kuryente, at madalas pa ngang maputulan nito.

Sinabi pa niya minsan na ang solusyon sa pang-ekonomiyang problema ng Pilipinas ay gawing dolyar o dollar ang ating pananalapi tulad daw niyaong sa Tsina. Nang sabihin sa kanya ng reporter na kumakapanayam sa kanya noon (si Vicky Morales ng GMA 7) na ang pananalapi ng Tsina ay yuan, ipinakli niyang: "Dollar din 'yon."

Ni hindi alam ni Gil kung ano ang ibig sabihin ng net worth: "Ano y'ong net worth?" ang balik niya nang tanungin ni Vicky Morales kung magkano ang kanyang net worth.

Di magtatagal ay ididiskuwalipika ng Commission on Elections (Comelec) si Gil sa kadahilanang pagiging isang nuisance candidate, na sa pinakatapat na pagsasalin sa Pilipino ay nangangahulugang isa siyang kandidatong walang dadalhin sa eleksiyon kundi kabuwisitan. Nakabatay ang desisyon sa isang petisyong inihain ni Bro. Eddie Villanueva, kalaban niya sa pagkapresidente.

Ipinahayag ni Gil na hindi niya igagalang ang pasya ng Comelec sapagkat ang pinagbatayan daw nito ay petisyon ng isang "komunista." Halatang hindi niya nalalamang matagal nang nasa labas ng kilusang "komunistang" dating kinabilangan si Villanueva.

Umapila si Gil hinggil sa naturang desisyon ng Comelec, subalit sa dakong huli'y nanaig ang pagkakadiskuwalipika sa kanya. Bilang tugon ay sinabi niyang "ipabibitay" niya ang Comelec commissioner na nagdiskuwalipika sa kanya.

Iyan si Eddie Gil.

Isang pastor sa isang simbahan sa Maynila ang minsa'y nakatalakayan ko tungkol sa noo'y takbo ng kampanya, at ang sabi tungkol kay Eddie Gil ay: "Parang kulang dito," habang itinuturo ang kanyang sentido. "Baliw" naman ang pagkakalarawan kay Gil ng isang kaibigang nagtatrabaho sa isang call center.

Magkaugnay naman ang dalawang pagkakalarawan. Maliwanag pa sa isang laser beam na naipakita ni Eddie Gil ang pagkakataglay ng pinapagsamang di-kasapatan ng talino at ganap na kakulangan ng katinuan.

At nadiskuwalipika nga sa pagkandidato si Gil. A, siyanga?

Kung isang hangal at baliw si Gil, hindi ba't napakalaking kahangalan at kabaliwan din ang naging takbo ng kampanya ng karamihan sa mga kalaban niya sa panguluhan--mga kampanyang walang laman kundi pakikipaglandian ng kani-kanilang tiket sa panauhing mga artista't mananayaw?

Hindi ba't isang napakalaking kahangalan at kabaliwan ang isiping kung mapasasayaw ng isang kandidato sa ruweda ng panlilinlang ang mga botante sa pamamagitan ng mga kampanyang palabas na walang kinalaman sa mga usapin ng kanilang dangal at kinabukasan--at nakamit niya ang pinakamalalaking bilang ng mga boto sa pamamagitan nito--ay may karapatan siyang mamuno sapagkat "inihalal" ng nakararami? Ilan sa mga kandidato sa eleksiyong ito ang nakita nang ganyan mag-isip?

Hindi nadiskuwalipika si Eddie Gil sa halalang ito. Nadiskuwalipika lamang ang pagsasatao ng pinakamasasahol na antas ng ilan sa pinakanakadidiring katangian ng kasalukuyang sistemang elektoral sa ating bansa.

Subalit may bahagi ni Eddie Gil sa karamihan sa mga kumandidato, at sa kasalukuyang sistema kung saan sadyang pinalalayo sa mahahalagang pambansang isyu ang diskursong elektoral upang huwag matutunan ng mga botanteng kuwestiyunin ang pangkalahatang kalagayan ng ating bayan (na pinangingibabawan ng mga kapitalistang dayuhan at ng mga basalyos nilang ilang mayayamang kababayan natin), lagi't laging nariyan ang mga katulad ni Eddie Gil.

Sunday, May 09, 2004

SUKATAN NG PANGULUHAN

Ang artikulong ito ay siya kong kolum sa bagong isyu ng Tinig.com. Ang naturang isyu ay naglalaman din ng isang binagong bersiyon ng aking pahayag tungkol sa pagyao ng dakilang manunulat na si Nick Joaquin.

Habang sinusulat ito (Mayo 7), may nalalabi na lamang na tatlong araw bago maganap ang eleksiyong pampanguluhan. Lima ang kumakandidato sa pagkapangulo ng republikang itong tinawag na "mapanglaw" ng makata sa Ingles na si Eric Gamalinda: sina Gloria Macapagal-Arroyo, Fernando Poe, Jr., Panfilo Lacson, Raul Roco, at Eddie Villanueva.

Bawat isa sa kanila'y nagsasabing siya at walang iba ang karapat-dapat na maging susunod na okupante ng MalacaƱang. Subalit sino sa kanila ang talagang karapat-dapat?

Noong 1957 ay may isang henyong makabansang estadistang tumakbo sa pagkapangulo. Ito'y si Claro M. Recto--senador na noon, bukod pa sa pagiging abugado, makata, mandudula, at mananalumpati. Dangan nga lamang at hindi siya nanalo sapagkat sa kanyang panunungkulan bilang opisyal publiko ay may nasagasaan siyang makapangyarihang mga interes, na kumilos laban sa kanya sa pamamagitan ng sopistikadong pagdungis sa kanyang pangalan. Gumana ito at siya niyang ikinatalo sa nasabing eleksiyon.

Naging kongresista si Recto sa ilalim ng pamahalaang Komonwelt ni Manuel L. Quezon. Bilang Kinatawan ng Batangas sa Kapulungang Pilipino, nakasama si Recto sa mga misyong pangkasarinlan sa Estados Unidos.

Noong 1933, naiuwi nina Sergio OsmeƱa at Manuel Roxas mula sa isa sa mga misyong pangkasarinlan ang Batas Hare-Hawes-Cutting. Diumano'y isa itong pangkasarinlang batas, datapwat itinadhana nitong sa loob ng sampung taon mula sa pagpapatupad ng naturang batas ay sasaklawan ng pangulo ng Estados Unidos ang sistema sa pananalapi at ang ugnayang panlabas, ang mga produktong Amerikano ay malayang makapapasok sa Pilipinas habang ang mga iluluwas ng Pilipinas sa Estados Unidos ay papatawan ng mga restriksiyon, at ang Estados Unidos ay makagagamit ng lupa ng Pilipinas ukol sa mga "reserbasyong militar at iba pa."

Halos isumpa ni Don Claro sina OsmeƱa at Roxas dahil dito. Ang Batas Hare-Hawes-Cutting ay tinawag niyang isang "obra maestra ng kolonyalismo" at sinabi niyang pinahihintulutan nito ang "buo at walang hanggang pananalasa" ng Estados Unidos sa ating ekonomiya, ang "habang panahong panghihimasok sa pagsasakatuparan ng ating soberanya," at "ang pagkalusaw ng ating pambansang pamana kahit na maipahayag na ang kasarinlan."

Ibinasura ng Lehislatura ang Batas Hare-Hawes-Cutting at si Quezon ay naatasang pamunuan ang isang panibagong misyong pangkasarinlan. Ang Batas Tydings-McDuffie na naiuwi ni Quezon mula sa nasabing misyon ay tinangkilik ni Don Claro, bagama't sa pangkalahata'y wala namang ipinagkaiba ito sa Batas Hare-Hawes-Cutting liban sa pagtatadhana nito ng pagtatatag at pagpapairal ng isang pamahalaang komonwelt sa loob ng sampung taon mula sa pagpapatupad nito bago ipahayag ang kasarinlan.

Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay kinasuhan siya ng pakikipagsabwatan sa mga Hapones. Tinanggihan niya ang amnestiyang alok ng noo'y Pangulong Roxas at sa Hukumang-Bayan ay kanyang ipinagtanggol ang sarili. Ipinaliwanag niyang ang kanyang paglilingkod sa pamahalaang tinangkilik ng mga Hapones ay sa layuning makatulong upang kahit paano'y maibsan ang pinsalang dulot ng pananakop ng mga Hapones sa bansa. Naipagwagi niya ang usapin.

Noong 1946, nanguna si Recto sa pagtutol sa Amyendang Parity sa Saligang Batas, na hiningi ng Estados Unidos bilang kapalit ng bayad-pinsalang pandigmaan. Sinabi niyang ito'y magpapahintulot sa paghahari ng mga dambuhalang korporasyong Amerikano sa ating ekonomiya, bagay na aniya'y walang buting idudulot sapagkat ang kikitain ng mga ito'y lalabas lang nang lalabas ng bansa sa halip na magamit upang paunlarin ang ekonomiya.

Ipinaglaban ni Recto ang makabansang pag-iindustriya. Aniya, kung isasaalang-alang ang lawak ng ating mga yamang-bansa, walang alinlangang kakayanin natin ang magtatag ng mga pambansang industriya. Sa ilalim ng isang programa ng makabansang pag-iindustriya, ayon kay Recto, makalalalang tayo ng sarili nating mga kalakal sa halip ng walang patumanggang pag-aangkat, at ang ating kapital ay di na lalabas nang lalabas ng bansa.

Naging tagapagsulong din siya ng malayang pakikipag-ugnayang panlabas. Dapat daw na nakabatay ang ugnayang panlabas sa ikabubuti ng bansa at hindi sa kapakinabangan ng Estados Unidos. Kaugnay nito, mariin niyang tinutulan ang pananatili ng mga base militar ng Estados Unidos sa Pilipinas. Nagbabala siyang sa pamamagitan nito'y di malayong masangkot ang Pilipinas sa mga digmaan kung saan wala itong kinalaman dahil maaari itong gamiting lunsaran ng mga puwersang sasalakay sa kung aling bansang Asyano. Nagkatotoo naman ang kanyang hinala sapagkat noong mga dekada 1960 at 1970, marami sa mga pananalakay ng Estados Unidos sa mga bansang Biyetnam, Laos, at iba pa ay inilunsad mula sa Subic at Clark. Nagiong kaaway natin sa gayon ang mga bansang hindi natin kinailangang makaaway.

Pinakamadaling nagugunita si Recto sa kanyang pag-akda, bilang senador, ng Batas Rizal, na nagtatadhanang ipababasa sa lahat ng mga Pilipinong mag-aaral ang talambuhay at mga akda ni Dr. Jose Rizal na noon pa'y siya nang pambansang bayani, bilang pagkilala at pagsulong sa kanyang diwang makabansa.

Lumaban nga sa halalang pampanguluhan si Recto noong 1957 ngunit natalo. Datapwat di roon nagwakas ang makabansang pakikipaglaban ni Don Claro. Sa mga pahayagan, sa mga paaralan, at sa iba't ibang mga pagtitipon ay patuloy niyang isinulong ang diwang makabansa hanggang sa huling araw ng kanyang buhay.

Isa ring masugid na tagapagtanggol ng demokrasya si Recto. Bilang tagapangulo ng Kumbensiyong Konstitusyonal ng 1934, malaki ang papel niya sa paglalatag doon ng mga probisyong nangangalaga sa mga kalayaang sibil.

Kung may masasabi mang naging kakulangan ni Recto, iyo'y ang kanyang hindi pagkakakilala sa kahalagahan ng repormang agraryo at ang naging pagtingin niya sa mga dayuhang institusyong multilateral tulad ng International Monetary Fund at World Bank o IMF-WB.

Hindi nakilala ni Recto na bago maisagawa ang makabansang industriyalisasyon ay dapat na munang pabutihin ang kabuhayan ng mga magsasaka, sa pamamagitan ng totohanang repormang agraryo--yaong repormang agraryong titiyak na lubusang pakikinabangan ng mga mnagbubungkal ng lupa ang kanilang mga ani. Mahalaga ito sapagkat bilang pinakamalaking uri sa kasalukuyang kaayusang panlipunan sa Pilipinas, ang mga magsasaka ang magsisilbing pinakagulugod ng programang pang-industriyalisasyon bilang pinakamalaking seksiyon sa sektor ng mga konsiyumer.

Nanawagan din si Recto para sa mga pautang mula sa IMF-WB na gagamitin sa pagsasagawa ng makabansang industriyalisasyon. Hindi siya nagkaroon ng sapat na panahon--bata-bata pa lamang noong panahon niya ang Kambal ng Bretton Woods--at hindi niya nahulaang magiging kasangkapan ang mga ito upang palakasin ang pagkakasakal ng mga dayuhang kapitalista, lalo na ng mga multinasyunal na korporasyon ng Estados Unidos, sa ating ekonomiya tulad din ng sinapit ng mga bansang Mehiko at Argentina.

Datapwat sa kabuuan, si Claro M. Recto ay isang tunay na kapuri-puring estadista: makabansa at masugid na tagapagtanggol ng kalayaang sibil. Dahil sa kanyang pambihirang talino at masikhay na pag-aaral sa mga pangangailangan ng bansa, tiyak na kung mahigpit nang hiningi ng mga pagkakataon ay malalim niyang mauunawaan ang kakulangan ng kanyang naging mga pagtingin sa mga usapin ng repormang agraryo at dayuhang pautang. Kung naging pangulo sana siya, napakalaki ng kanyang magagawa upang paunlarin ang bansa.

Sa pagkakaroon ng ganitong kumbinasyon ng mga katangian, walang kapantay si Claro M. Recto sa lahat ng kumandidato sa pagkapresidente ng ating bansa--nauna man sa kanya o sumunod sa kanya. Dahil sa kanyang mataas na kakayahan at kahandaang tugunan ang mga pangangailangan ng bansa, siya lamang--sa lahat ng kumandidato sa pagkapresidente ng Pilipinas--ang may karapatang maging presidente ng bansa, sapagkat siya lamang sa kanilang lahat ang may ganitong katangian.

Kung kaya naman lubhang nararapat na isipin natin si Claro M. Recto bago natin sulatan sa balota ang espasyong nakalaan sa pangalan ng pipiliin nating maging susunod na pangulo. Siya ang dapat na maging sukatan ng sinumang kandidato sa pagkapangulo. Kung walang makapapasa sa mga pamantayan, makabubuti pang huwag nang bumoto ng sinuman sa mga kandidato sa panguluhan. Ganoon din naman iyon.

Friday, January 02, 2004

DALIT SA BAGONG TAON NG ELEKSIYON

Trapo'y 'wag nating ihalal
sa bagong taong daratal;
manapa'y doon ilagay
sa sahig kung sa'n s'ya bagay.

Tuesday, December 16, 2003

FOOTNOTE TO A PASSING

We all inevitably go through the point of seeing a relative or a friend depart, never to return. It is thus not difficult to sympathize with all who feel a sense of loss at the passing of Foreign Affairs Secretary Blas Ople two days ago.

But sympathy for those he left behind should not mean being deluded into believing the lavish tributes heaped upon him by many of our government officials as well as not a few personalities in the corporate media. The grief that his passing has caused his bereaved family and friends should not prevent the Filipino nation from confronting the truth about the man, for as the Good Book says, "The truth shall set you free."

The Philippine Daily Inquirer, in its report on the foreign secretary's demise, described him as a "passionate nationalist" and workers' rights advocate. In the same report it quoted House Speaker Jose de Venecia as saying that Ople was "one of the great foreign ministers of Asia and one of the four greatest secretaries of the Philippines," and ranking him with Apolinario Mabini, Carlos P. Romulo, and Raul Manglapus.

Mr. Speaker, it is the height of historical inaccuracy--at the very least--to mention Mabini in the same breath as the Romulos, Manglapuses, and Oples of this land.

The Sublime Paralytic was a paralytic only because he had the misfortune of contracting a crippling disease. But, as the F. Sionil Jose novel Po-on tells its readers, Mabini was certainly not a cripple in heart and mind. He had the sound judgment to know the value--both moral and practical--of independence, and the iron will to assert it at whatever cost. Thus he stubbornly refused to compromise the Filipino people's struggle for national liberation, which US imperialism had begun to usurp in his time, and continually defied American colonial authority come prison or exile. Not even the tempting offers of a position in the American colonial government could bend the man.

In contrast the Romulos, Manglapuses, and Oples would distinguish themselves for their enthusiasm in vouching for US foreign policy interests over the welfare of the Philippines.

Romulo was an unquestioning supporter of the US-led Cold War, which the Philippines had nothing to do with and from which it never benefited in any manner.

Manglapus was one of the most ardent advocates of American military presence in the Philippines. This, despite the fact that, as the very Dictionary of Military and Associated Terms of the US Department of Defense itself admits, "A base is a locality from which operations are projected or supported," meaning that hosting a foreign military base subverts a country's sovereignty as doing so automatically integrates it into a foreign defense network and inevitably involves it in military campaigns it may have no part in to begin with. Manglapus turned a blind eye to the toxic waste left behind by the former US military bases in Olongapo and Angeles, as well as the numerous victims of American military atrocities--which the US has yet to face justice for.

Ople, in similar fashion, sponsored as a senator in 1999 the Visiting Forces Agreement (VFA), which paved the way for a return of US military presence in the Philippines, after the bases pull-out in 1992, and grants visiting US servicemen extraterritorial and extrajudicial "rights."

As foreign affairs secretary from 2002 to his death, Ople supported the Balikatan Military Exercises, which provides for joint "training" operations longer than those allowed by the VFA, and the Mutual Logistics Support Agreement which provides for "temporary" basing arrangements for US troops.

These agreements have been criticized by no less than Rene Jarque, a former army captain who authored the Defense Policy Guideline, and former VFA Commission chair Amado Valdez, for being lopsided in favor of the US.

Ople also was a drumbeater for the "terrorist" tag by the US and the European Union on the Communist Party of the Philippines and its founding chair Jose Ma. Sison and the New People's Army, as well as the near-branding of the Moro Islamic Liberation Front as a "terrorist" group. These severely endangered the peace talks aiming to end the armed conflict between the government and these groups, whose causes are acknowledged by no less than the United Nations--as well as respected leaders like former US Attorney-General Ramsey Clark, Philippine Vice President Teofisto Guingona, Jr., and Obispo Maximo Tomas Millamena of the Iglesia Filipina Independiente--as legitimate. By these Ople showed that in his book, "alliance" with the US was more important than a just peace in our country.

It is impossible to forget Ople's support for the US war on "terror," which has been proven baseless in Afghanistan and Iraq. This war which has claimed countless innocent lives has not yielded any trace of terorrist Osama bin Laden who was supposedly being coddled by Afghanistan, nor has it any weapon of mass destruction to show for all the havoc it has wrought in Iraq. Afghanistan and Iraq are both oil-rich countries whose dictatorial former governments had a falling-out with the US (which initially supported them) over economic policy issues.

While fiercely vouching for US foreign policy interests, Ople was never known to stand up for the welfare of abused Filipino migrants.

As a senator in 1994, Ople supported the General Agreement on Tariffs and Trade, which paved the way for the entry of the Philippines into the World Trade Organization (WTO) and opened up the Philippine economy to "competition" with highly developed countries, in particular the US, without being allowed to develop--which, in the words of Bagong Alyansang Makabayan, Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, and Anakpawis chair Rafael Mariano, "is like a boxing bout between Mike Tyson and Manny Pacquiao." Membership in the WTO has taken its toll on the Philippines in terms of the destruction of enterprises unable to withstand unfair competition and the consequent loss of millions of jobs, as well as the continuous increase in foreign debt, since 1994. Also, what used to be a marginal agricultural trade surplus before 1994 has since been transformed into a glaring agricultural trade deficit. Such are the horrors of globalization which the WTO has been promoting that even former President Fidel V. Ramos, who used to be one of its leading proponents, has criticized globalization for failing to live up to its promises--something which Ople never acknowledged to his last breath.

The only consolation is that De Venecia did not rank Ople with the nationalist old guard: Claro M. Recto, Lorenzo Tanada, and Jose W. Diokno.

Likewise Ople cannot be credited with advancing labor rights. In fact the Labor Code which he sponsored as Marcos' labor minister violated union rights by prohibiting strikes in "vital industries," imposing a one-industry-one-union policy, and treating unfair labor practices as merely administrative rather than criminal offenses.

While his name was never mentioned in connection with corruption, as the Philippine Daily Inquirer said, never did he speak against the rampant corruption in the Marcos and Estrada governments which he both served and faithfully stuck with to their last moments.

Vice President Guingona said that Ople died "with his boots on and in the service of the nation."

While we can continue to admire Vice President Guingona for his unfailing advocacy of nationalist, human rights, and anti-corruption causes, it is impossible to agree with what he said.
A.N.S.W.E.R. STATEMENT ON RECENT DEVELOPMENTS IN IRAQ

The U.S. military capture of Iraqi president Saddam Hussein is being trumpeted by the corporate media and the Bush administration as simultaneously a great victory, the start of a new era, and justification for the U.S. invasion and occupation of Iraq.

The seizure and public display of Saddam Hussein may be a propaganda victory for imperialism, but it changes nothing fundamental about the situation in Iraq, particularly the reality that the U.S. invasion and occupation of Iraq constitute a blatant and brutal violation of both international and U.S. law.

While hailing the detention of Saddam Hussein after an intense 8-month search, the current co-dictators of Iraq, L. Paul Bremer and Lt. Gen. Ricardo Sanchez, are expressing the hope of the Bush administration as a whole that this development will signal the beginning of the end for the Iraqi resistance.

But intensifying Iraqi resistance to the illegal and colonial war and occupation has not been primarily based - according even to the more knowledgeable corporate media journalists in Iraq - on loyalty to any particular individual. Instead, it is a response to the negation of Iraq's sovereignty and independence, as well as the increasing brutality of the occupying army.

Even supporters of Bush's war such as Sen. Jay Rockefeller, Vice-Chair of the Senate Intelligence Committee, are raising questions: "Given the location and circumstances of his capture, it makes clear that Saddam was not managing the insurgency. ... That is significant and disturbing because it means the insurgents are not fighting for Saddam, they're fighting against the United States."

There can be no question that the Iraq occupation is a colonial project in every respect. The U.S.-appointed "Iraq Governing Council" is headed by CIA asset Ahmed Chalabi, whose family was the richest in all of Iraq when the British-controlled regime was overthrown in 1958. All of Iraq's assets are being put on the auction block.

The U.S. is setting up colonial-style Iraqi police, intelligence services, and paramilitary death squads. It is taking and holding family members hostage, including children and grandparents, to force Iraqis to submit themselves for "interrogation." U.S. forces are using "Israeli-style" collective punishment and violence against the population as a whole in large parts of the country.

"With a heavy dose of fear and violence, and a lot of money for projects, I think we can convince these people that we are here to help them," stated a U.S. battalion commander in Iraq (New York Times, December 7, 2003). He was speaking from one of the many Iraq villages that the U.S. has wrapped in razor wire, holding entire communities prisoner. A sign on the barbed wire reads, in English only, "This fence is here for your protection. Do not approach or try to cross, or you will be shot."

The U.S. government has a long history of destabilizing and overthrowing governments and replacing them with brutal dictatorships. One need only look at Iran, the Congo, Guatemala, and Chile to know that the democratic or undemocratic character of the government targeted by the U.S. has never been the motivation for its actions. In that context the U.S. government has supported the most brutal dictatorships and military regimes.

The long-standing demonization of the former Iraqi government followed by the invasion and occupation of Iraq is part of a larger global project by the United States to militarily destroy any government that seeks to maintain even nominal independence from the dictates of Washington and Wall Street. The leadership of North Korea, Iran, Syria, Zimbabwe, Cuba, Palestine and others have been selected by the Bush administration for destruction. This stands in fundamental violation of the right of self-determination. Only the Iraqi people have the right to determine who their leaders will be.

People should keep in mind as they watch the forthcoming carefully packaged documentary of the "crimes" of the former Iraqi government, that the Bush administration has taken tens of thousands of innocent Iraqi lives, has plunged Iraq into chaos and anarchy, and has removed the essential features of sovereignty for the Iraqi people who struggled in the past for decades against colonial rule.

The occupation is taking the lives of Iraqis, U.S. and other "coalition" forces every day. While Halliburton, Bechtel and other U.S. corporations are reaping immense profits, the people both here and there are paying the price for Bush and his corporate friends' looting spree, in blood and money. According to administration figures, the cost of the Iraq occupation is 210 million dollars every day. The administration has stated that it need not bother to count the number of Iraqis that it kills.

We will continue and intensify our mobilizing work to demand: "End the Occupation, Bring the Troops Home NOW! Money for Jobs, Health Care and Education, Not for War and Occupation."

Email circulated by:
A.N.S.W.E.R. Coalition
Act Now to Stop War & End Racism

FOR MORE INFORMATION:
http://www.InternationalANSWER.org
info@internationalanswer.org
New York 212-633-6646
Washington 202-544-3389
Los Angeles 213-487-2368
San Francisco 415-821-6545

Sunday, December 14, 2003

TAPE RECORDER

Maging noong ako'y bago pa lamang na sumasabak sa mundo ng peryodismo, agad kong napagtanto ang malaking magiging halaga ng isang tape recorder sa aking hanapbuhay.

Agad akong napasabak sa pagdalo sa mga kumperensiya at pakikipagpanayam sa mga tao. Sa ganitong mga gawai'y napakahalaga ang isang tape recorder upang makuha nang eksakto ang lahat ng mahalagang sinasabi at maisulat ito nang eksakto pagkatapos.

Datapwat agad ko rin namang natuklasang hindi lang ang peryodista ang mahigpit na nangangailangan ng tape recorder.

Ako'y nakatira sa isang panlalawigang bayang direktang katabi ng isa sa mga lunsod ng Kalakhang Maynila. Dahil dito, kung kinakailangan kong dumalo sa isang kumperensiya o makipagpanayam sa Kalakhang Maynila ay bumibiyahe ako nang isa o dalawang oras mula sa amin, at pagkatapos ay ganoon din pabalik--bagama't madalas-dalas na ang isang oras ay nagiging dalawang oras at may mga pagkakataon pang sinasawimpalad ako nang husto at ang dalawang oras ay nagiging tatlong oras, dahil sa kahenyuhang iskemang pantrapikong ipinatutupad ni Bayani Fernando.

Bus ang sinasakyan ko sa mga biyaheng ganito. At karamihan sa mga bus na nasasakyan ko ay may mga radyo o telebisyon.

Salamat sa mga radyo at telebisyon ng mga bus, napagtanto kong maliwanag na kahit hindi ako naging peryodista ay mahigpit ko pa ring kakailanganin sa biyaheng pa-Maynila at pabalik ang isang tape recorder.

Nauuso ngayon ang mga walang kakuwenta-kuwentang tugtugin at panoorin: mga kantang kayhahaba ngunit wala namang katuturan ang paulit-ulit na mga liriko, mga disk jockey na kung magsipagsalita'y higit pang mahahaba sa mga kantang pinatutugtog gayong pulos na kaululan lang naman ang alam na sabihin; mga game show na patalinuhan diumano ngunit makikitang ang pinakahangal ay yaon mismong host, na bukod sa napahilig magmagaling ay kaysakit sa tainga ng boses na binabalutan ng labis na kaartehan sa pagsasalita, mga talk show na tampukan ng lohikang ikababangon nina Plato at Aristotle mula sa kanilang mga hukay, at mga soap opera na bukod sa kaybababaw ng mga karakter ay pinagpapasasaan na ng mga uod ang tema sa labis na kapanisan.

Sa kabutihang-palad, ganito ang karamihan sa maririnig o mapanonood ngayon sa radyo o telebisyon, at karaniwang sa isa sa mga ito nakatutok ang mga radyo't telebisyon ng mga bus. Paano, kung alin pa yaong napakayayamang istasyong may kakayahan sanang mag-alaga ng matitinong palabas ay sila pang nangunguna sa pagpapalaganap ng mga ito, kadalasa'y dahil sa magkahalong katamarang mag-isip at kagustuhang kumita agad nang limpak-limpak nang hindi man lang nagpapatulo ng pawis. Hindi ka naman makapipili ng panonoorin o pakikinggan kapag nasa bus ka.

Dito pumapasok ang labis na halaga ng isang tape recorder sa panahong ito. Sa pamamagitan ng isang tape recorder, matatakpan mo nang mahusay ang mga minatamis na katarantaduhang silang kalakhan ng ibinibigay ngayon ng radyo't telebisyon. Maaari mong patugtugin sa tabi ng iyong tainga ang ilang magagandang kaset na ikaw ang bahalang pumili.

Hindi maaaring tawaran ang tulong na naidudulot nito, lalo't karaniwan ang maipit sa matinding trapikong bumibilang nga ng oras. Higit na mabuti ang magbilang ng oras sa pakikinig ng magagandang tugtugin buhat sa mga kaset kaysa ilang oras na magpigil ng kamaong gustong bayuhin ang radyo o telebisyon ng bus.

Kung kayo'y regular na bumibiyahe nang mahaba at nasusuka kayo sa mga napakikinggan o napanonood sa mga radyo't telebisyon ng bus ngunit wala kayong magawa dahil hindi naman kayo ang may-ari ng sasakyan, magdala ng tape recorder. Malamang na may mahihiraman kayo kung ayaw ninyong bumili pa. Kung wala namang mahiraman, pagsakripisyuhan na ninyo at higit na murang hindi hamak ito kaysa ipambibili ninyo ng pamalit sakaling hindi kayo makapagpigil ng poot at mawasak ninyo ang radyo o telebisyon ng sinasakyang bus.

Wednesday, November 05, 2003

CALL FOR CONTRIBUTIONS

Warmest greetings!

We are currently accepting contributions to the book People Power 2: Through the Eyes of the Young.

It is quite ironic that while the youth is said to have provided the biggest number of warm bodies to People Power 2, the youth sector has quite lagged behind in putting out an account of this historic event. While a few publications, most notably Philippine Daily Inquirer's Youngblood and the youth-oriented website Tinig.com, have been publishing People Power 2 stories from the young, there has yet to be a definitive account of this historic phenomenon.

This book, People Power 2: Through the Eyes of the Young, is then the Filipino youth's answer to this irony. It aims to provide the definitive account of People Power 2 from the viewpoint of the Filipino youth who comprised the biggest section of the raging mass that ousted the Estrada regime. The book will cover the whole range of the youth's motivation in joining the anti-Estrada movement whether it was personal disgust against the womanizing president, a fervent resolve to oust an incompetent leader or plain curiosity on the growing mass movement which involved the youth.

The book aims at being as comprehensive a youth account of People Power 2 as possible.

It is premised on the contention that People Power 2 began not at Edsa, not with the impeachment trial, but earlier--as early as 1999, when the calls to oust Estrada first resounded.

Anyone who was between 13 and 30 years old from 1999 to 2001 and participated in the mass actions or other forms of protest against the Estrada regime may submit. We welcome articles/essays, poetry, or photos. Please submit contributions to pp2@tinig.com.

Since it is encouraged that contributions be written in a witty, fast-paced and light style, the book does not have to be completely serious or "too political." Contributions may be written in either English or Filipino.

Articles or essays may be first-hand accounts of the anti-Estrada protests, or analyses of People Power 2 and the role of the youth in it. These must be submitted in Rich Text Format, with font size 12, single-spaced, at least three but no more than seven pages.

Poetry contributions must be in Rich Text Format, with font size 12, not longer than three pages.

Contributions will be accepted until November 29.

The book is to be edited by three young Filipinos who were part of People Power 2: Raymond Palatino, former chair of the UP Student Council and current president of the National Union of Students of the Philippines, aside from being a columnist of the youth-oriented online magazine Tinig.com; Ronalyn Olea, former editor of The Sentinel, Lyceum University's official student publication and current chair of the College Editors Guild of the Philippines and writer for the online news weekly Bulatlat.com; and Alexander Martin Remollino, a member of the cause-oriented journalists' network Media for Peace and the progressive young poets' group Kilometer 64, besides being a writer for Bulatlat.com, associate editor and columnist of Tinig.com, and a frequent contributor to the Makata section of the online poetry folio Dalityapi Unpoemed.

Wednesday, October 22, 2003

IGNORANTE NGA BA SA SINING ANG MASA?

Madalas na sinasabing ang paglikha ng sining para sa masa ay isang pagpapagod na walang katuturan. Ang masa raw kasi'y ignorante sa sining, at walang nalalamang "sining" kundi yaong nagkatusak na romance novel at telenobela.

Ang napakalimit naming maringgan ng ganitong paratang sa masa ay mga nagtapos sa pamantasan ng mga kursong may kinalaman sa pagsusulat--ng mga pampanitikang akda man o ng mga iskrip pampelikula at pantelebisyon.

Ngunit totoo nga kaya ito?

Nagugunita namin ang mga natanggap naming kuwento tungkol sa Kulturang Kalye, isang proyektong pinamunuan ni Jess Santiago sa pakikipagtulungan sa National Commission for Culture and the Arts nitong Pebrero. Isa itong proyektong naglayong ipamalas sa madla ang alternatibong kultura, at kaugnay nito'y iba't ibang alternatibong artista ang nagtanghal nang walang bayad sa isang bahagi ng Lunsod Quezon. Batay sa mga natanggap naming kuwento, dinagsa ito ng mga karaniwang taong-kalye.

Kaugnay ng lahat nito, wala kaming natatandaang may nakausap kaming karaniwang taong-kalyeng di nakakikilala kay Heber Bartolome o hindi nakaaalam ng kanta niyang may saknong na ganito: "Tayo'y mga Pinoy, tayo'y hindi Kano/Huwag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango."

Tunghayan natin ang saknong na ito: "Si Lina ay isang magandang dalaga/Panggabi sa isang pabrika ng tela/Sumapi sa unyon, sumama sa welga/Biglang nagkagulo, nawala si Lina/Nang muling makita'y hubad at patay na."

Unang saknong iyon ng kantang "Halina" ni Jess Santiago. Tinugtog niya iyon sa isang konsiyerto sa likod ng Vinzons Hall ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) noong Oktubre 17, isang konsiyertong protesta sa pagbisita sa Pilipinas ni George W. Bush, pangulo ng Estados Unidos.

Sa konsiyertong nabanggit, karamihan sa mga nanood ay mga magsasaka galing sa Timog Katagalugan at sa Kabikulan. Bukod sa kanila, napakarami roon ang mga manggagawa.

Masigabong palakpakan ang sumalubong kay Koyang Jess nang kantahin niya ang unang taludtod pa lamang. Nasa harapan kami noon, kaya't kitang-kita naming ang karamihan sa mga palakpak ay mula sa mga taong halatang kundi man mga manggagawa'y mga magsasaka.

Lalong lumakas ang mga palakpak nang dumating si Koyang Jess sa unang koro: "Halina, halina/Damitan ang bangkay/At sa ating puso'y/Hayaang humimlay si Lina."

Matindi rin ang palakpakan sa mga natirang saknong.

Ang ikalawang regular na saknong ay yaong tungkol kay Pedrong Pilapil, isang magsasakang binaril sapagkat tumutol sa pang-aagaw ng kanyang lupa, na sinusundan ng korong: "Halina, halina/At sa ating puso'y/Hayaang maghasik/Ng punla si Pedrong Pilapil."

Ang ikatlong regular na saknong naman ay yaong tungkol kina Aling Mariang pinalayas sa kanilang tirahang "bundok ng basura" dahil "darating ang mga turista." Sinusundan ito ng korong: "Halina, halina/At sa ating puso'y/Ipagtayo ng tahanan/Sina Aling Maria."

Si Jess Santiago ang isa sa lalong matitipunong haligi ng makabayan at makalipunang tradisyon ng kultura sa Pilipinas. Isa nang kilalang makata ng protesta noong ideklara ang batas militar, noong 1976 ay pinasimunuan niya ang paglikha ng mga kanta naman ng protesta rin--at sa landas na kanyang hinawa'y lumitaw ang mga Heber Bartolome, Pol Galang, Asin, The Jerks, Joey Ayala, Susan Fernandez, Gary Granada, at iba pang katulad.

Karaniwang isinasalubong kay Jess Santiago sa tuwing tutugtog siya sa mga kilos- protesta ang dumaragundong na palakpakan mula sa mga manggagawa't magsasaka. Halimbawa na nga rito ang inani niyang palakpakan sa konsiyerto sa UP noong Oktubre 17.

Sa konsiyerto ring iyon, napakainit din ng naging pagsalubong ng mga manggagawa't magsasaka kay Pol Galang at sa The Jerks--tulad din ng pagsalubong ng masa sa kanila sa napakarami nang iba pang konsiyertong protesta.

Sana'y nakarating sa konsiyertong iyon ang mga propesor na kayhihilig magturo ng mga ideyang pumupula sa kakayahan ng masang umunawa sa sining. Nakita sana nila kung gaano katinding pagpapabulaan ang inabot nila roon.

Naaalaala namin dahil dito ang isa pang konsiyertong protestang nadaluhan namin, ang konsiyerto sa Mendiola noong Nobyembre 14, 2000. Isa sa mga tumugtog doon si Gary Granada. Malakulog ang hiyawan nanggaling sa mga manggagawa't magsasaka nang banggitin ang pangalan pa lamang ni Granada.

Ang lahat nito'y sapat nang patunay na ang masa'y may kakayahang tarukin ang sining na nangungusap sa kanila. Nangangahulugan itong ang patuloy na paglikha ng sining para sa masa ay may patutunguhan.

Maaaring ikatwirang ang masang binanggit sa mga talata namin tungkol sa mga konsiyertong protesta ay masang mulat na kaya nga't nasa konsiyertong protesta.

Ngunit paano nila ipaliliwanag ang ispontanyong masang dumagsa sa Kulturang Kalye? Paano rin nila ipaliliwanag ang mga karaniwang taong-kalyeng hindi makaiwas na sumabay sa mga taludtod ni Heber Bartolome?

Kung nahihilig man ang karamihan sa masa sa mga kagaguhang nagpapanggap na sining, ito'y sapagkat hindi pa nila nakikilala ang mga talagang likhang-sining, lalo na'y yaong sining na ukol sa kanila. Datapwat maliwanag na kung mabibigyan sila ng pagkakataong makilala ang sining na ukol sa kanila ay mauunawaan nila at yayakapin ito.

Subalit sa ating mga pamantasan, patuloy na pinupulaan ang kakayahan ng masang umunawa ng sining.

Sino kaya ngayon ang may suliranin sa pag-unawa sa sining?

Wednesday, October 08, 2003

"ANG ATING PANGULO, IBALIK SA PALASYO!"

Kapagka ganitong nalalapit ang halalan, lalo na'y isang pambansang halalan tulad ng magaganap sa Mayo 2004, nauuso ang mga sasakyang umiikot sa mga pamayanan na kinabitan ng mga megaphone, at mula sa mga ito'y maririnig natin ang mga talumpati tungkol sa kung bakit walang ibang nararapat na mahalal kundi si ganiri at ganyang kandidato. Walang oras na pinipili ang mga ito--kung minsa'y umagang-umaga, kung minsan nama'y maggagabi na.

Kaya't huwag tayong magtataka kung sa susunod na mga araw ay magising na lamang tayong naririnig ang ganito:

"Mga minamahal naming kababayan, lalo na ang masang silang pinahahalagahan namin nang higit kaninuman sa napakapalad na lipunang ito, isang mainit na pagbati. Sa darating na Mayo, muli tayong mamimili ng mga susunod na mamumuno sa ating bansa.

"Ngayon pa lamang ay nararapat na maging malinaw na sa atin kung sino ang pipiliin. Kaya naman sinasamantala namin ang pagkakataong ito upang ilahad sa inyo ang mga kadahilanan kung kaya walang nararapat na ihalal bilang susunod nating pangulo kundi ang siya ring kasalukuyang nakaluklok sa Malacanang.

"Ang ating mahal na pangulo'y nararapat na muling mahalal dahil sa kanyang walang kapantay na pagkamakabayan. Nakikita naman ninyong sa kalabisan ng kanyang pagmamahal sa ating bayan ay hindi sapat ang ating bayan upang pag-ukulan nito, kaya naman hangad niya ang lumaki nang lumaki ang ating bayan upang may mapaglagyan siyang sapat ng kanyang pag-ibig dito.

"Kaya't upang lumaki nang lumaki ang ating bayan ay kanya itong ikinakabit sa isang dambuhalang bayan, ang Estados Unidos. Kahit na wala tayong kinalaman sa giyera ng Estados Unidos, pinayagan niyang ang mga sundalong Amerikano'y magsagawa ng ehersisyong militar sa ating bayan at magpasok dito ng kanilang mga kagamitang militar. Sa ganitong proseso, talaga namang magiging bahagi na tayo ng Estados Unidos sapagkat mailulunsad na mula sa ating bansa ang mga pagsalakay ng mga tropang Amerikano, at ang mga kaaway ng Estados Unidos ay magiging kaaway na rin natin.

"Ang ating mahal na kandidato'y subok din sa kanyang taos-pusong pagmamahal sa mga manggagawang silang nagpapaandar sa makina ng ating ekonomiya. Batid niyang ang ating mga manggagawa'y kailangang palayain sa pagkabusabos sa napakarami sa mga pabrika sa ating bayan, kaya naman sa ilalim ng kanyang panunungkulan, pataas nang pataas at umabot pa nga kamakailan sa 12.7 porsiyento ng kabuuang puwersang paggawa ang hindi na nagtatrabaho sa mga pabrika.

"Wala silang trabaho, subalit malaya naman sila sa pagsasamantala sa pamamagitan ng mababang pasahod at kawalan ng benepisyo.

"Wala ring kapantay ang kanyang pagkalinga sa mga magsasakang silang naghahain ng pagkain sa ating mga hapag. Batid niyang napakahigpit ang pagsakal ng mga tanikala ng piyudalismo sa ating uring magsasaka, kaya naman napakarami sa ating mga kapatid na magbubukid ang pinaaalis ng mga korporasyong pang-real estate sa kani-kanilang mga lupa. Lubusang batid ng ating pangulong ang mamatay ay makalibo pang matamis kaysa mabuhay bilang isang alipin, kaya naman higit niyang nais na makitang mamatay sa gutom dahil sa kawalan ng kabuhayan ang ating mga kapatid na magbubukid kaysa manatiling mga alipin ng piyudalismo.

"Matitiyak din nating kung muling magiging pangulo ang ating mahal na kandidato, siya ang taong makapag-aambag nang pinakamalaki sa ating kasaysayan, sapagkat napakarami ang kanyang idinaragdag--at, kung inyong itutulot, patuloy pang idaragdag--sa talaan ng ating mga martir. Makikita naman nating sa ilalim ng kanyang panunungkulan, mahigit nang 30 kasapi ng partidong Bayan Muna ang pinatay ng militar. Kamakailan pa'y nadagdag sa mga ito ang tatlong kasapi ng bagong partidong Anak ng Bayan.

"Ang mga taong ito ay mga naghangad ng pagbabago sa ating bayan. Tulad nina Gat. Andres Bonifacio at Gat. Macario Sakay, sila'y naghangad ng pagbabago, at tulad din nina Bonifacio at Sakay, sila'y nakatagpo ni Kamatayan sa kanilang paghahanap ng pagbabago. Kaya naman matitiyak nating sa ilalim ng muling panunungkulan ng ating mahal na kandidato, magiging isang bansa ng mga bayani ang ating bayan, sapagkat napakarami pa ang susunod sa mga yapak nina Andres Bonifacio at Macario Sakay.

"Kaya't sa darating na halalan, ito ang aming panawagan: 'Ang ating pangulo, ibalik sa Palasyo!'

"Maraming salamat po."

Monday, September 15, 2003

GABI NI KA AMADO

Hindi namin pinagsisisihan ang ilang oras na pagkakapaliban ng paghahapunan nang gabing iyon.

Ginanap nitong Setyembre 13 sa Tanghalang Francisco Balagtas (lalong kilala bilang Folk Arts Theater) ang Panata sa Kalayaan: Isang Gabi ng mga Tula ni Ka Amado bilang pagdiriwang ng ika-100 taon ng pagsilang ni Amado V. Hernandez, manunulat at aktibista. Pagtatanghal itong pinangunahan ng Amado V. Hernandez Resource Center, Concerned Artists of the Philippines, National Commission for Culture and the Arts, at Cultural Center of the Philippines.

Makata, peryodista, mandudula, kuwentista, at nobelista, si Hernandez ay isinilang at lumaki sa piling ng mga dukha, at sa kanyang mahuhusay na akda ay matapat na naglarawan ng kanilang mga karanasan at nag-udyok sa kanila upang kumilos tungo sa ikapagbabago ng kanilang kalagayan. Sumulat niya tungkol sa paghihirap ng sambayanang Pilipino sa kuko ng imperyalismong Estados Unidos, pagkaalipin ng mga manggagawa sa mababang pasahod habang nabubundat ang mga kapitalista, mga magsasakang inagawan ng lupa at binabarat sa partihan ng ani, at pagkalaganap ng katiwalian sa pamahalaan.

Isa siyang taong subok ng kasaysayan ang paninindigan.

Nang sakupin ng Hapon ang Pilipinas, tinanggihan niya ang mga alok na makipagtulungan sa kaaway. Sa halip, namundok siya at naging isang opisyal ng mga gerilya.

Nang magtapos ang digmaan, binalikan niya ang naudlot na pagsusulat.

Sa panahon ding ito siya naging kilalang haligi ng kilusang paggawa.

Isa siya sa mga nagtatag ng Philippine Newspaper Guild, isang organisasyon ng mga peryodista, noong huling bahagi ng dekada 1940. Kabilang din siya nang mga panahong iyon sa mga nagtatag ng Congrtess of Labor Organizations, na kanyang pinamunuan nang ilang taon. Ang mga organisasyong ito ay nakipaglaban alang-alang sa pambansang kasarinlan, katarungang panlipunan, at kalayaan ng pabatirang madla.

Kinatakutan siya ng Estados Unidos at ng pamahalaan dahil dito, kaya't noong 1951, kasama siya sa maraming lider-aktibistang ipinabilanggo ng pamahalaang Quirino. Kinasuhan siya ng rebellion complexed with murder at limang taon siyang nagdusa sa Muntinlupa. Noong 1956, nagtamo siya ng pansamantalang kalayaan habang naghahabol sa Kataas-taasang Hukuman ukol sa kanyang usapin, at noong 1964 na lamang napawalang-sala.

Matapos siyang makalaya, binalikan niya ang pagsusulat at ang paglahok sa kilusang aktibista. Naging bahagi rin si Hernandez ng Civil Liberties Union at Movement for the Advancement of Nationalism.

Nanatiling isang masugid na aktibistang manunulat si Hernandez hanggang sa kanyang pagpanaw noong 1970, sa kainitan ng Sigwa ng Unang Sikapat.

Dahil sa kadakilaan ni Hernandez, maging ang reaksiyunaryong pamahalaan ay natutong kumilala sa kanyang mga ambag sa kulturang Pilipino. Maraming gantimpala ang kanyang natanggap, kabilang ang Gawad Pambansang Alagad ng Sining ng Panitikan noong 1973.

Kaya't nararapat lamang ang nangyaring pagtatanghal sa Tanghalang Francisco Balagtas nitong Setyembre 13. Magiging kahiya-hiya ang magsabing tayo'y Pilipino kung nang araw na iyon ay wala isa mang gumunita sa dakilang Amado V. Hernandez.

At napakaganda sa kabuuan ang naging pagtatanghal.

Dalawampung tula ni Hernandez ang itinanghal: "Aklasan," "Tinapay," "Ang Banyaga," "Kabalintunaan," "Uod," "Ang Makina," "Ang Panday," "Bonifacio," "Inang Wika," "Malungkot ang mga Bituin," "Isang Dipang Langit," "Ito Ba ang Demokrasya?", "Sa Batang Walang Bagong Damit," "Enrique Sta. Brigida," "Kung Ukol sa Lahat," "Bayani, "Lupa," "Panata sa Kalayaan," at ang monumental na "Kung Tuyo Na ang Luha Mo, Aking Bayan." Mayroon ding patikim ng ilang bahagi ng mga dulang hango sa dalawa sa kanyang maiikling kuwento, ang "Langaw sa Isang Basong Gatas" at "Panata ng Isang Lider." Si John Arcilla naman ay nagbasa ng ilang mahahalagang bahagi mula sa mga sanaysay ni Ka Amado.

Sa ilang bahagi ng programa, ilang awit na hindi itinitik ni Ka Amado ngunit malapit sa diwa ng kanyang buhay at mga sinulat ang itinanghal ng Andres Bonifacio Choir: "Tayo'y Magkaisa," "Araw ng Katipunan," "Jocelinang Baliuag," "Anakpawis," "Pilipinas Kong Mahal," at ang walang kamatayang "Bayan Ko."

Mahuhusay ang mga pagbigkas ng mga tula ni Ka Amado na isinagawa nina Satur Ocampo, Shamaine Centenera, Roy Alvarez, Leo Martinez, Angie Ferro, Nonie Buencamino, Jess Santiago, Soc Jose, Ka Mameng Deunida, Rafael Baylosis, at Danilo Ramos, pati ng Tambisan sa Sining at Pan, at ang isa sa mga pagtatanghal na isinagawa ni Ronnie Lazaro. Mainam din naman ang mga pagkakabigkas nina Crispin Beltran at Liza Maza. Marunong din palang bumigkas ng tula si Ma. Isabel Lopez.

Ilang batang galing sa isang maralitang komunidad ang bumigkas ng "Sa Batang Walang Bagong Damit." Hindi sila nagkakasabay-sabay sa pagbigkas, ngunit mararamdaman ng manonood ang diwa ng tula sa kanilang pagkakabigkas.

Sa aming palagay, eksaherado ang naging pagbigkas ni Au Yumol ng "Isang Dipang Langit."Tila napakarupok tuloy niyaong personang nagsalita sa kanyang pagkakabigkas nito, samantalang ang tula'y tungkol sa kagitingan ng bilanggong pulitikal na bagama't nagdurusa sa kulungan ay hindi pinanlalambutan ng paninindigan.

Nagsimula ang katapusan ng pagtatanghal sa isang panggugulat ni Joonee Gamboa, na biglang sumulpot upang bigkasin ang unang saknong ng "Kung Tuyo Na ang Luha Mo, Aking Bayan." Maganda na sana ang pagkakabigkas, ngunit nagkamali siya sa isa sa mga taludtod--napapagbali-baligtad niya ang mga salita--ngunit hindi na ito gaanong nahalata sapagkat magaling ang pagkakabigkas. Sinundan ito ng karamihan sa mga naunang nagtanghal, na bumigkas ng mga partikular ng tig-iilang linya mula sa tula ring iyon.

Magaling ang mala-rap na pagbigkas ni Ronnie Lazaro sa "Ang Makina." Ngunit nang siya na ang nagbibigkas ng linya mula sa "Kung Tuyo Na ang Luha Mo, Aking Bayan," kung bakit kapos sa damdamin ang kanyang pagkakabigkas.

Pinakamatindi ang katapusan. Biglang lumitaw sina Lolita Carbon at Pendong Aban, Jr.--ang Asin--upang awitin ang himig na inilapat nila sa "Kung Tuyo Na ang Luha Mo, Aking Bayan." Lubhang makabagbag-damdamin ang pagkakagawa nila nito, at naglundagan ang mga kamaao--maging ang mga kamao niyaong katabi kong propesor na bagama't kilala kong aktibista rin ay hindi basta-bastang aakalaing magtataas ng kamao sapagkat napakalumanay magsalita at napakahinahon kumilos--nang sumapit sila sa "At ang lumang tanikala'y lalagutin mo ng punlo!"

Liban sa ilang suliraning teknikal tulad ng nasisirang mikropono at mga kakulangan sa pagtatanghal na madaling lunasan sa mga susunod na palabas, sa kabuua'y napakaganda ang naging pagtatanghal. Nabigyan ng katarungan ang mga akda ni Amado V. Hernandez.

Limang libo ang kayang kanlungin ng Tanghalang Francisco Balagtas. Halos mapuno ang mga bulwagan nito.

Bukod pa rito, kung pagmamasdan ang mga suot ng mga nagsipasok sa Tanghalang Francisco Balagtas, malalamang karamihan sa kanila'y galing sa mga maralitang pamayanan (walang bayad ang pagtatanghal), samakatwid ay kabilang sa masang ipinagpapalagay ng ilang paham na guro sa mga pamantasan na mangmang sa panitikan kaya't walang silbing igawa ng mga akdang tungkol sa kanila at nagmumulat at nagpapakilos sa kanila. Matunog ang palakpakan, bagay na hindi mangyayari kung hindi nakararami ang pumalakpak. Ibig sabihin, may isang hindi matatawarang bahagi ng masang mangmang umano sa panitikan na marunong magpahalaga sa mabubuting tula at dula tulad ng mga gawa ni Hernandez. May silbi, samakatwid, ang paglikha ng panitikang may diwa ng pagkamakabayan at pakikisangkot sa lipunan.

Bukod pa'y disiplinado ang mga taong nanood. Liban sa ilang bata sa aming likuran na saksakan ng iingay (na salamat na lamang at agad na umalis), kahanga-hanga ang disiplinang aming nasaksihang mamayani roon. Lalo pa't ito'y ipinamalas ng mga uring taong karaniwan nang ipagpalagay na walang modo pagkat diumano'y mga walang pinag-aralan, na para bang ang nakatapos ng kursong pangkolehiyo na nag-aakalang higit na mahalaga kay Hernandez ang isang grupo ng kung sinong mga aktor at mang-aawit diumanong taga-Taiwan (kung kanino napabibilang ang marami sa mga lumalait sa masa) ay may pinag-aralan nga.

Walang naganap na stampede sa gabing iyon. Malayo ito sa nangyari sa isang kasabay na konsiyertong naganap sa ULTRA, kung saan kailangan ang libu-libong piso upang makapanood kaya't ang nakapasok lamang ay mga may kakayahang magbayad ng matrikula sa mga pamantasan at kolehiyong kasindak-sindak ang mga pangalan. Doo'y naggitgitan ang mga tao at may walong naapak-apakan at napagdadaganan upang pakinggan ang ilang kantang gamitan man namin ng pinakaobhetibong pagsusuri ay hindi namin makitaan ng katuturan at hindi namin malaman kung ano't naisipan ng kung sinong pantas na ipatanghal kasabay ng mga piling akda ng isang Amado V. Hernandez.

Sulit na sulit ang pagpapalipas ng ilang oras sa Tanghalang Francisco Balagtas noong gabi ng Setyembre 13.

Tuesday, September 02, 2003

SA BIBIG NAHUHULI

Balot ng matinding iskandalo ang Unang Pamilya at ang kanilang mga kamag-anakan.

Nagsimula ang lahat nang kamakaila'y magtalumpati si Sen. Panfilo Lacson sa harap ng kanyang mga kasamahan sa Senado at ng buong bansa.

Ayon daw sa mga dokumentong hawak niya, ang Unang Ginoong Jose Miguel "Mike" Arroyo ay nakakurakot ng maraming salapi mula sa pamahalaan, na inilalagak sa isang bank account na binuksan sa ilalim ng pangalang Jose Pidal. Ang address na nakalagay sa account na Jose Pidal ay ang ikawalong palapag ng LTA Building sa Perea Street sa Makati. Nagpakita pa si Sen. Lacson ng kopya ng ilang dokumentong kinalalagyan ng mga pirma nina Mike Arroyo at Jose Pidal--may pagkakahawig ang kanilang mga pirma. Ayon pa sa senador, ang apelyidong Pidal ay mula sa ama ng isang lolo ni Mike Arroyo.

Likas lamang na sa pagkakataong ganito'y ipagtanggol ng pinararatangan ang kanyang sarili. Ayon kay Mike Arroyo, hindi siya si Jose Pidal at hindi niya kilala ito. Ni hindi raw nga niya alam na ang apelyido ng ama ng isa niyang lolo ay Pidal.

Makaraan ang ilang araw, lilitaw ang kapatid ni Mike Arroyo, si Ignacio Arroyo, upang angkinin ang account na Jose Pidal. Siya raw ang tunay na Jose Pidal. Saqsabihin pa niyang kaya hindi nalalaman ni Mike Arroyo na may ninuno silang Pidal ay pagkat taga-Maynila ito samantalang siya'y taga-Negros.

May isang matandang kasabihang, "Ang isda'y sa bibig nahuhuli."

At ito ang nangyayari sa Unang Pamilya at sa kanilang mga kamag-anakan. Likas lamang na naisin nilang ipagsanggalang ang kanilang mga sarili. Subalit sa kanilang pamamaraan ng pagtatanggol sa sarili, lalo't lalo lamag silang nadidiin.

Una, sino ang hindi nakaaalam sa apelyido ng ama ng kanyang lolo?

Ikalawa'y pilit ngang inaangkin ni Ignacio Arroyo ang account na Jose Pidal. Ngunit isang pilas man lamang ng anumang dokumentong makapagpapatunay na siya at si Jose Pidal ay iisa, na dapat ay manggaling sa bangkong pinaglalagakan ng dambuhalang account, ay wala siyang maipakita sa madla. Ayon kay Kin. Oscar Moreno, isang dalubhasa sa batas pagbabangko, sa ganitong kaso'y may dokumento ang bangko na nagsasaad kung sino ang tunay na may-ari ng pinag-uusapang bank account.

Ikatlo, kailangang ipaliwanag nang husto ni Ignacio Arroyo at ng kanyang kapatid na si Mike kung bakit ang una'y taga-Negros at ang huli'y taga-Maynila, gayong iisa lamang naman ang kanilang ama at iisa rin ang kanilang ina. Kung sasabihin naman niyang ang isa sa kanila'y ampon lamang ay may kagulangan na nang ampunin, napakadali lamang naman nito--subalit hindi magiging kapani-paniwala sapagkat kitang-kita naman ng buong daigdig ang kanilang pagkakahawig.

Hindi namin sinasabing magaling si Sen. Lacson kaya't dapat siyang ihalal sa pagka-Pangulo sa 2004. Nalalaman naming makailan na rin siyang nasangkot sa mga iskandalo ng katiwalian.

Ngunit ang kanyang paglalantad sa alingasngas na ito ay bagay na hindi naman siya ang nagsimula. Una nga itong inilapit kay Sen. Aquilino Pimentel, Jr., na noo'y tumanggi sapagkat sa wari niya noo'y kulang pa ang mga katibayan.

Kaya't ang usaping ito ay maaaring tingnan nang hiwalay sa katauhan ni Sen. Lacson.

Lalo pa't may dahilan din naman talaga upang maghinalang may nangyayaring kasulu-sulukasok sa mga bulwagan ng kapangyarihan. Naaalaala ba ninyo ang President Diosdado Macapagal Boulevard, na pinatungan ng halagang makaapat na higit na mataas sa talagang halaga nito?

At ang higit na nagbibigay ng dahilan upang maghinala ang madla ay ang mga tao mismong nasasangkot sa alingasngas na ito.

Monday, August 18, 2003

MEDIA GROUP CONDEMNS HARASSMENT OF GMA-7 REPORTER

The National Union of Journalists in the Philippines (NUJP) condemns in the strongest terms President Gloria Macapagal-Arroyo's outburst against GMA-7 reporter Tina Panganiban-Perez following the latter's interview with Sen. Gregorio Honasan.

Mrs. Arroyo's beef apparently stems from her interpretation of the interview as abetting rebellion. The President brushed off Panganiban-Perez's explanation, of the interview having taken place after the lifting of the state of rebellion, insisting her "assets" claimed it had taken place while the presidential edict was in place. According to reporters, the Chief Executive's display of pique started with a complaint about media not interviewing a military commander who reportedly had something to add to the Palace's full-court media press against the opposition senator.

The President's apologists, including former journalist Rigoberto Tiglao, have tried to control the damage. However, Tiglao, Press Secretary Milton Alingod and his predecessor, Hernani Braganza, have only succeeded in further highlighting this administration's dangerous stance on the issue of press freedom.

Braganza and deputy spokesperson Ricardo Saludo, for example, issued admonitions against doing interviews with people suspected of aiding rebels, in this case the Magdalo mutineers. In lashing out against Panganiban-Perez, the President also implied that reporters had snubbed Southern Luzon Army commander Alfonso Dagudag, who was around on the day of the dressing down, but had been too eager to interview Honasan.

Tiglao and colleagues insist media has nothing tofear, that journalists only crop up in intelligence reports due to surveillance on the parties being interviewed. They miss the point.

Whether or not Panganiban-Perez's interview occurred after or during the state of rebellion is not the issue. The Chief Executive of a purportedly democratic republic had no business lambasting a journalist who was doing her job.

Journalists are duty bound to print/air views of all parties in a controversy. One does not build a strong republic by mposing prior restraint on media. The only thing that censorship advances is tyranny.

If media is to play its part in building a strong republic or democracy, it is through critical reportage and showing a real picture of the many disparate and conflicting interests in society.

Journalists have nothing to fear? The slew of killings and attacks over the past two years, the sudden hike in libel cases, including one filed against Trubune publisher-editor Ninez Cacho-Olivarez by Mrs. Arroyo's personal lawyer, the tendency of provincial fiscals to take short cuts in helping those who seek to "punish" journalists via the libel route. There are plenty of reasons to fear a growing clampdown on press freedom, and the presidential mindset only underscores the danger of passing an anti-terrorism measure that can only give legal basis for a crackdown on independent journalism.

While fear will always hover due to these conditions, the NUJP calls on allFilipino journalists to transcend this and oppose and defy all efforts to curtail press freedom in this country. It is only by banding together that journalists can fight the scourge of tyranny.

It is time to remind the President and all other key actors in political strife: You do not have a monopoly on patriotism. Members of NUJP and all Filipino journalists also have a stake in democracy. It is in defense of democracy that media must stubbornly remain independent.

Refer to:
Inday Espina-Varona
NUJP vice chair
0916-7512522

Friday, August 01, 2003

KRISIS SA MAKATI

Ang pag-aaklas sa Makati noong Linggo ay hindi na kataka-takang mangyari sa isang bansang ang gobyerno'y tulad ng administrasyong Macapagal-Arroyo.

Sinasabi ng mga lider ng Magdalo na sila'y nag-aklas dahil sa katiwalian sa militar, pagpapabomba nina Angelo Reyes at Victor Corpus sa Davao, at dahil may balak si Macapagal-Arroyo na magdeklara ng batas militar ngayong Agosto.

Sa mga imbestigasyon ngayon, parang mga aso ang mga nagpapanggap na imbestigador na hanap nang hanap sa pusang pasimuno ng pag-aaklas. Kesyo si Estrada, kesyo si Gringo Honasan, at pati si Laarni Enriquez ay idinadawit pa.

Subalit kung mahilig lamang silang magbasa, malalaman nilang nasa ilalim ng kanila mismong mga ilong ang kanilang hinahanap.

Hindi ko alam kung si Lt SG Antonio Trillanes IV ay nakatapos na ng kanyang MA Public Administration o nakahinto lamang sa ngayon.

Ngunit noong pumapasok siya sa Public Admin, sumulat siya ng dalawang research paper tungkol sa katiwalian sa Philippine Navy. Ang dalawang research paper na ito ay kanyang ipinakalat sa pamamagitan ng mga kaibigan, na nagpasa ng mga kopya ng mga ito kung kani-kanino.

Isa sa mga nakatanggap ng mga kopya ng dalawang research paper na ito si Sen. Gringo Honasan. Dito nagsimula ang pagkakakilala nila ni Trillanes. Aaminin niyang isa si Trillanes sa mga nakausap niya sa mga ugnayang humantong sa pagkakagawa ng National Recovery Program, na ang isang malaking bahagi ay siya (si Trillanes) ang sumulat.

Ibig sabihin, hindi pa man nakikilala ni Trillanes si Honasan ay naiisip na niya ang marami sa mga usaping dinala ng Magdalo noong Linggo. Sa katunayan ay makikita pang si Honasan ang nangopya sa kanya para sa isang bahagi ng National Recovery Program, na ibinabandila ng Magdalo.

Kung babalikan ang mga kudeta mula 1987 hanggang 1989, na si Honasan talaga ang pasimuno at pinuno, makikitang iba ang kilos ng mga nag-aklas noon sa ikinilos ng Magdalo.

Kaya't malabo ang ispekulasyong si Honasan ang pasimuno nito. Hindi niya itinangging may ugnayan sila ni Trillanes, malinaw na may impluwensiya siya sa mga ito, at malamang ay may alyansang taktikal si Honasan at ang Magdalo, subalit malabo ang sabihing kaya lamang nag-aklas ang Magdalo ay sapagkat inudyukan ni Honasan.

Malabu-labo ring si Estrada ang nagpakana nito. Bagama't masasabing hindi gaanong naplano nang maayos ang ginawa sa Makati, napakaliwanag namang hindi magagawa ni Estrada ang mag-isip ng ganitong pakana--lubha itong kumplikado sa katulad niya. Bagama't maaaring siya at ilan niyang bataan ay nagsamantala sa mga hinaing ng Magdalo at nagbigay sa kanila ng tulong pinansiyal at lohistiko, na tila ipinakikita ng pagkakasangkot ngayon ni Ramon Cardenas
sa kaso.

Balikan natin ang mga usaping dinala ng Magdalo sa Makati.

Inilathala na ng Philippine Center for Investigative Journalism ang dalawang paper ni Trillanes. Halos Kasabay ng dalawang ito, si Ed Lingao ay sumulat ng report para sa PCIJ rin tungkol sa ganyan ding paksa. Marami sa mga sinasabi sa mga ulat na ito ay naririnig natin sa mga kakilalang nakapagtrabaho o may kaugnayan sa militar na hindi sang-ayon sa mga nangyayari roon.

May batayan sa katotohanan ang alegasyon hinggil sa katiwalian sa militar.

Lalo pa itong pinatutunayan ng pangyayaring nakatakas ang Abu Sayyaf sa isang napakahigpit na military cordon sa Lamitan noong 2001--kailangan pa bang ipaliwanag ito?--at sa kaganapang hindi sila mahuli-huli hanggang ngayon gayong kitang-kita naman, nang ipasagip si Jeffrey Schilling, na kung gugustuhin ng militar ay kayang-kaya nilang iligpit ang mga bandidong ito sa ilang malalakas na bira lamang. Hindi ba't mayaman sa ransom money ang Abu Sayyaf? Kapalit ba ng hindi paghuli sa Abu Sayyaf ang porsiyento sa ransom money?

Tungkol naman sa alegasyong sina Angelo Reyes at Victor Corpus ang nagpabomba sa Davao.

Hindi ba't sa kasaysayan ng MILF ay inaamin nila ang anuman nilang kagagawan, maging yaong puno ng kapalpakan tulad ng pag-atake nila sa Siocon? Kaya may dahilan upang paniwalaan sila kapag sinabi nilang hindi sila ang may pakana ng alinmang pangyayari. Inamin nila ang masama nilang kagagawan sa Siocon, ngunit mahigpit ang pagtanggi nilang sila ang maygawa ng kaimpaktuhan sa Davao.

Ay sino ba naman ang makikinabang sa ganitong pambobomba? Hindi ba't ang militar ay kating-kating makakuha ng ayuda sa panginoon nilang si Uncle Sam? Datapwat upang makakuha sila ng dagdag-ayuda, kailangang lumitaw o palitawing may binabaka silang matinding banta sa kaayusan (parang wala na nito sa Pilipinas; angkop pa ba ang gamit ko nitong salita?). Kalaban nila ang MILF nang magkaroon ng pambobomba sa Davao, sapagkat sumalakay sila sa mga lugar na sakop ng naturang grupong rebelde kahit na may umiiral noong negosasyong pangkapayapaan.

At sa diumamo namang planong magdeklara ng batas militar ngayong buwan. Kating-kati ang pamahalaang magpasa ng isang Anti-Terrorism Bill na kung saan napakalawak ng maaaring pagpapakahulugan sa terorismo kaya't kahit ang mga ligal na kilos-protesta tulad ng mga ginagawa ng Bagong Alyansang Makabayan at iba pang katulad na pangkat ay pupuwedeng ituring na gawaing terorista. Ito'y tanda ng isang militaristang utak na siya lamang na makaiisip ng mga senaryong tulad ng batas militar.

Iniimbestigahan daw ang pinagmulan ng pag-aaklas sa Makati. Ngunit walang tandang ang mga usaping dinala ng mga nag-aklas ay susulyapan man lamang, at sa halip ay kung anu-anong katarantaduhan ang inaatupag ng mga nasa pamahalaan.

Nananatili ang mga ugat ng pag-aaklas sa Makati, samakatwid. Kaya't hindi tama ang sabi ni Macapagal-Arroyo na tapos na ang krisis sa Makati. Kundi ito maulit sa anyong higit na malaki at sa paraang higit na marahas, magpaparamdam ito sa ibang anyo at paraan. Lalo pa't walang popular na pagtangkilik ang pamahalaan--hindi ba't napakakaunti ng nagpunta sa prayer rally na ipinatawag upang magpahayag ng pagtangkilik kay Macapagal-Arroyo?