Thursday, December 22, 2005

SILA ANG MAGBAYAD NG KANILANG MGA UTANG

Hindi namin malaman kung kami’y bubunghalit ng halakhak o haharap sa aming inudoro upang isambulat doon ang lahat naming kinain at ininom sa tuwing makikita namin sa telebisyon ang patalastas na nagtatanong sa atin kung masisikmura ba nating ipamana sa mga susunod na henerasyon ang utang ng bansa, na pagkatapos ay sinasabi sa ating dapat nating pasanin ang Expanded Value-Added Tax (EVAT) na sinimulang ipataw nitong Nobyembre 1.

Ang EVAT na ito –- kung saan idinagdag sa mga papatawan ng buwis ang langis, kuryente, at mismong serbisyong transportasyon –- ay isa sa walong revenue measure na ipinagtutulakan ng Malacañang upang diumano’y malutas ang krisis piskal na dumagan sa bansas sa kalagitnaan ng taong nagdaan. Ayon sa mga henyong economic manager ng Kagalang-galang na Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na nagduktorado ng ekonomiks sa Unibersidad ng Pilipinas (UP), ang EVAT ay makalilikom ng may P60 bilyon at malaki, samakatwid, ang magagawa upang punan ang piskal na depisito ng pamahalaan na umabot sa P80 bilyon noong 2004.

Tinatawagan tayo ng nabanggit na patalastas upang “magsakripisyo” alang-alang sa kapakanan ng bansa at ng mga susunod na henerasyon -- at kulang na lamang ay pagbabanggitin ang mga pangalan ng mga bayaning Jose Rizal, Andres Bonifacio, Apolinario Mabini, Macario Sakay, Wenceslao Vinzons, Claro M. Recto, Jose W. Diokno, Edgar Jopson, Liliosa Hilao, Lorena Barros, Eman Lacaba, Bobby de la Paz, Lean Alejandro at iba pa upang antigin ang ating makabayang damdami’t diwa.

Batay sa mga estadistika mula sa National Wages and Productivity Commission (NWPC), ang halaga ng pamumuhay sa buong bansa ay umabot na sa P667.20 bawat araw para sa pamilyang may anim na miyembro –- ang karaniwang pamilyang Pilipino. Samantala naman, ang pinakamataas na minimum na sahod magmula Hunyo ng taong ito ay P325 lamang, at ito’y sa National Capital Region (NCR).

Sa ganitong kalagayan, totoong malaking sakripisyo ang papasanin natin sa pagpapataw ng EVAT. Ngunit dapat nga bang tayo ang pumasan ng sakripisyong ito?

Sa pananaliksik ng ekonomistang si Dr. Alejandro Lichauco, lumilitaw na noong 1962 ay nasa $150 milyon ang utang panlabas ng Pilipinas. Ngayong taon, batay sa mga datos mula sa mismong gobyerno, ito’y nasa $69 bilyon na, o P3.8 trilyon. Kungh hahatiin ang P3.8 trilyon na ito sa kasalukuyang populasyong 84 milyon, lalabas na ang bawat Pilipino’y kasalukuyang nagkakautang ng P45,238.10 sa mga institusyong panlabas na ni anino’y hindi nakita ng karamihan sa atin.

Palaging ikinakatwiran ng pamahalaan na ang pangungutang na itong hindi matapus-tapos ay alang-alang sa pag-unlad ng bansa.

Ngunit gobyerno rin naman ang sa pana-panaho’y nag-uulat na taun-taon ay dumarami ang mga tumatanda nang di man lamang nakakikita ng kahit pisara, dumarami ang mga maysakit na namamatay nang di man lamang nakakikita ng duktor. Lubha pa namang mahalaga ang kalusugan at edukasyon sa pagpapaunlad ng yamang-tao.

Samantala’y kulang sa mahahalagang imprastruktura ang kalakhan ng bansa, at sa kakaunting bahagi nitong may mga gayon ay sira-sira naman ang maraming tulay at kalsada.

Nakikinabang ba kung gayon ang buong bayan sa mga utang panlabas? Maliwanag na hindi. Bakit ngayon tatawaging utang ng bansa ang mga ito, pareho ng ginagawa sa patalastas na ating pinag-uusapan?

Walang dapat na magbayad ng mga utang na ito kundi ang lahat ng naging opisyal ng pamahalaan na nasangkot sa pangungutang. Sa kaso ng mga yumao na, nararapat na habulin ang kanilang naiwang mga pag-aari. Sila ang magbayad ng mga utang na ito sapagkat sila lang naman ang nakinabang sa mga ito.
NPA GREW BEYOND 'CRITICAL MASS' IN 2005
Dramatic increase in tactical offensives

A few weeks ago, Malacañang spokespersons were quoted in the news as saying that the New People’s Army (NPA), the armed component of the clandestine Communist Party of the Philippines (CPP), remains “the biggest threat to national security.”

The Armed Forces of the Philippines (AFP) described the NPA as the country’s “No. 1 security threat” in mid-2004 – for the first time since the early 1990s.

This is a tune that is vastly different from what the government was singing as recently as the beginning of last year. Not too long ago the government was dismissing the NPA as a “spent force,” an “ideological orphan” engaged in extortion and other forms of banditry.

While the short time it took the government to make a turnaround on its earlier assessment of the NPA’s strength can cast doubt as to the accuracy of its statements, the NPA’s own figures appear to show that it became a stronger force for the government to reckon with in 2005.
Last year was a crucial year in the growth of the NPA forces, if we go by the Dec. 26, 2004 statement of CPP Central Committee chairman Armando Liwanag.

“The NPA now has the critical mass to intensify tactical offensives and increase its seizure of arms at an unprecedented rate,” Liwanag said in the statement. “It has raised its capability of arresting for investigation and, if the evidence warrants, for trial the most rabid puppets of U.S. imperialism, the most corrupt officials, the most cruel human rights violators, the worst exploiters and crime lords in prohibited drugs and other nefarious activities.”

“The attainment of critical mass means it has become extremely difficult, if not impossible, for the government to overcome the NPA militarily,” said CPP spokesperson Gregorio “Ka Roger” Rosal in a recent interview with Bulatlat.

Surpassing “critical mass”

In 2005, Rosal told Bulatlat, the NPA grew beyond the “critical mass” it attained last year.

Rosal said the total number of NPA regular, or full-time, fighters has gone up this year to the equivalent of 27 battalions. Asked for a more exact figure, Rosal said the NPA is still in the process of consolidating its data for the present year. But considering that in the military a battalion has about 500 troops, this would mean that the NPA now has roughly about 13,500 regular fighters.

And these are just the regular fighters. This does not yet include the members of the so-called People’s Militia, the village-based NPA fighters who perform community police functions – whom, as Rosal pointed out, the military describes as “peasants by day, NPA fighters by night.”

With the growth in the number of NPA forces has come an increase in the number of tactical offensives compared to last year, Rosal said.

Citing data obtained from reports by various guerrilla fronts, Rosal said the NPA was able to wage a total of 116 tactical offensives from Sept. 13 to Nov. 23 this year. Of these, there were five ambushes, six raids, four sparrow operations (quick attacks in population centers), eight sniping operations, and 14 executions of “criminals and human rights violators.”

From these, he said, the NPA was able to seize 54 high-powered firearms, as opposed to one loss. There were 128 government troops killed in action and 73 wounded during these offensives, as opposed to five killed and two wounded on the NPA side.

And that was just from Sept. 13 to Nov. 23. Rosal in particular cited the Southern Tagalog region, where a total of 62 government troops were killed in NPA offensives since March.

“This campaign is continuously being pursued,” Rosal said, “and is going to be pursued until the end of this year.”

The tactical offensives for this year were particularly numerous in Mindanao and the Bicol region, said Rosal – owing, he said, to the relative strength of the NPA in those areas compared to that in other parts of the country.

The rebel leader said the NPA wages an average of two tactical offensives every week in 2004. This is roughly equivalent to 104 tactical offensives for the said year.

Rosal said the NPA still has to consolidate its figures on the exact number of tactical offensives from the start of 2005 to the time of the interview with Bulatlat. However, he said, with the tactical offensives waged in various parts of the country from Sept. 13 to Nov. 23 alone, the number of NPA operations for this year has definitely exceeded that of last year.

The CPP called for an increase in tactical offensives in the latter part of mid-2005, Rosal told Bulatlat, as a contribution of the armed revolutionary movement to the struggle for the ouster of the Macapagal-Arroyo regime – which is under fire for the imposition of what have been described as “anti-national and anti-people” policies, corruption, electoral fraud, and human rights violations. The intensification of tactical offensives, Rosal explained, serves to weaken the AFP’s capacity and resolve to defend the regime.

With all these, Rosal said, has come an improvement in the NPA’s capacity to wage agrarian revolution, which the underground revolutionary movement considers a main component of the armed struggle. He said there were several successful campaigns this year for the lowering of debt interest rates and the increase in peasants’ harvest shares as well as the wages of farm workers and the farm gate prices of crops.

Increasingly formidable

The NPA, Rosal said, plans in the next few years to increase the number of guerrilla fronts it maintains from the present 130 to 140, and attain a more advanced stage of the present strategic defensive phase of the armed struggle and thus bring it closer to the strategic stalemate where the armed revolutionary forces would have acquired capacity for engaging in more massive confrontations with “enemy” troops.

There is a high probability that the NPA would achieve these goals should it be able to at least maintain the momentum it attained this year. The NPA upped the ante this year and it appears there is no stopping it from going further.

It is clear that the NPA has gone beyond the point where the government began to stop dismissing it as a “spent force.” From all indications, it is capable of going even further.
HINDI KA IBINABASURA NG AMING ALAALA

Itinapon ka ng kanilang gunita,
ngunit hindi ng aming gunita.
Paano ka ibabasura ng aming alaala?

Sa isang kamay mo'y naghuhumiyaw
ang katibayan ng iyong kabayanihan
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig,
habang sa kabilang kamay ay nakaluklok
ang isang latang tagasambot ng mga baryang inihuhulog
ng mga mahabaging kamay.

Pagpapalimos ng habag ang huli mong hantungan.
Ikaw, na nakipagbuno kay Kamatayan
upang huwag maging kahabag-habag ang bansa,
ay nauwi sa pagpapalimos ng habag.

Sapagkat itinapon ka ng kanilang gunita.

Itinapon ka ng mga gunita
nilang iilang hari-harian ng ating lupain,
sapagkat ang ginugunita nila
ay ang Kalbong Agilang lumipad palayo
nang maghasik ng nakatutunaw na init
ang Sumisikat na Araw ng Silangang Asya
at bumalik na lamang upang tayo'y sagipin
matapos na mabitay ang mga Tojo't Yamashita.

Itong Kalbong Agilang makalawang dumagit sa ating bayan
matapos nating makalag ang gapos ng ibang dayo --
ito ang pinili nilang gunitain.
Kaya't itinapon ka ng kanilang gunita.

Ngunit hindi ka ibinabasura ng aming alaala --
hinding-hindi, at ang aming pag-alaala sa iyo
ay isang hakbang din tungo sa aming pagsasadlak sa kanila
sa nararapat nilang kauwian --
ang basurahan ng kasaysayan.

Friday, December 16, 2005

KUNG TAYO'Y IISA

Silang iilang mang-aagaw ng ating hininga:
alam nila ang hiwagang mangyayari
kapag ang marami'y naging iisa.
Kaya't ibig nilang tayo'y maging iisang paris
ng nakatiklop na mga tuhod,
maging iisang paris ng nakalaylay na mga bisig
habang nilalatigo ang ating mga likod
at ibinabangga sa dingding ang ating mga ulo.

Sa ganito'y mabuti pang hindi lahat tayo
ay mga nakatiklop na tuhod
at mga nakalaylay na bisig,
at may ilang nakaunat na binti't hita
at bisig na bumibigwas sa kanila.
Higit na mabuti
kung tayo'y maging iisang gubat
ng nakaunat na mga binti't hita,

maging iisang alon ng mga bisig
na hahampas sa kanila
at magbubuwal sa kanila --

at maglilibing sa kanila.

Wednesday, November 30, 2005

ANG MAKATA SA PANAHON NG KRISIS, NOON AT NGAYON

Kung nais nating makita ang pagkakaugnay ng tao’t ng lipunan, wala yatang pinakamainam na pook para rito kundi ang mga istasyon ng Metro Rail Transit o MRT.

Sa himpilang EDSA-Ayala, minsa’y patakbo sana akong aakyat (sapagkat hindi ako nakapag-ehersisyo sa bahay nang umagang iyon at gusto kong mag-ehersisyo), ngunit hindi ko kaagad natupad ang ibig kong gawin sapagkat mahaba ang pila paakyat at kaybagal pa ng usad, at sa dakong kaliwa nama’y may mahabang hanay rin ng mga bumababa. Nang maubos ang mga taong bumababa ay gumawi ako sa kaliwa at patakbong inakyat ang natitirang mga baitang, at nakita ko ang salarin sa pagkakaroon ng mahabang pilang kaybagal gumalaw: isang saksakan ng kupad maglakad na akala yata’y kanya ang buong MRT at ibig itong gawing isang Luneta.

Minsan din, sa himpilang EDSA-Buendia, dumating ang tren nang may sapat na luwag sa loob, at kakaunti lang ang mga kasabay kong nag-aabang kaya’t tiyak na lahat kami’y kakasya sana. Ngunit kakaunti sa amin ang nakasakay at ako ma’y muntik nang hindi makapasok, at muntik pa ngang maipit ng pinto. Ang may kagagawan? Magkaparehang binatilyo’t dalagita sa unahan ng mga pumasok, na ginawang walk in the park ang kanilang paglulan sa tren habang naghihimasan pa, na lalong nagpabagal sa kanilang paglakad. Aywan ko ba kung bakit hindi na lamang nagmotel ang mga tinamaan ng magaling na ungas.

Sa bawat insidenteng nabanggit –- ilang tao ang nahuli nang ilang minuto sa trabaho o sa klase, o sa pakikipagkita kaya sa kanilang mga kamag-anak o kaibigan? Hindi ko na binilang. Ngunit nakikita naman natin sa mga isinalaysay na ito kung paano maaaring makaapekto sa marami ang mga galaw ng kahit isa o dalawang tao lamang na sapagkat walang kapaki-pakialam sa mundo ay kaysasarap pagbabambuhin sa ulo.

Di gaano pa kaya ang epekto sa lipunan ng isang makata, na bukod sa tumatangan ng isang lubhang makapangyarihang sandatang pampanitikan ay lagi’t lagi pang nasa publiko?

Sa mga pananalita ng mga makatang Emmanuel Dumlao at Gelacio Guillermo sa isang porum ng Kilometer 64 sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) noong Nobyembre 18 ay natalakay nang husto ang usaping ito. Kapwa sila nakapagpakitang may papel at lalaging may papel ang makata sa lipunang kanyang ginagalawan dahil sa kapangyarihan ng kanyang sandatang pampanitikan at pampublikong katangian ng kanyang buhay.

Ang GAT

Sa pananalita ni Dumlao, malaking bahagi ang inilaan sa isang samahan ng mga makata na nagmarka sa kasaysayan hindi lamang ng panitikan kundi maging ng pulitika sa Pilipinas –- ang Galian sa Arte at Tula o GAT.

Inilahad niya ang mga tampok na ginawa ng GAT: paglalabas ng mga antolohiyang naging bahagi ng diskursong-madla; di-mabilang na poetry reading sa mga komunidad ng maralitang-lunsod, baybay-dagat, kabukiran, paaralan, piketlayn at iba pang lugar kung saan naroon ang nakararaming mamamayan. Ito ang pagsasabuhay ng GAT sa kredo nitong “Ibalik ang panulaan sa puso at tangkilik ng sambayanan,” na ang sumulat ay walang iba kundi si Virgilio Almario, kilala rin bilang Rio Alma, isa sa mga tagapagtatag ng naturang samahan.

Dinala ng GAT ang mithiin ng sambayanan na mabuhay sa isang tunay na malaya at demokratikong lipunan, at ito’y sinalamin ng mga tulang inilabas ng naturang samahan sa halos dalawampung taon ng pag-iral nito.

Isinilang ang GAT sa panahon ng diktadura, bilang isang pagtugon sa diktadura.

Isa ito sa iilang makabayang organisasyong sa panahon mismo ng Batas Militar ay natatag nang ligal, at nanatiling ligal sa mga taong ipinagbabawal ang lahat ng organisasyong natukoy ng pamahalaan bilang militante. Nagawa ito ng GAT sa pamamagitan ng pagpapanday ng isang panulaang malaalegoriko ang mga imahe, at sa ganito’y nakalusot sa mga sensor ng gobyerno ngunit naunawaan ng madla. Iniwasan nito ang mga salitang karaniwan nang iugnay ng pamahalaan sa rebelyon, at naging malikhain ito sa paggamit ng mga talinhagang bagama’t hindi halatang palaban ay may sariling mabisang paraan ng pananawagan ng pagbabalikwas, na nakilala ng madla sapagkat hinugot mula sa mismo nilang mga buhay.

Lumahok ang GAT sa pakikibaka sa diktadurang Estados Unidos-Marcos, at nagluwal ito ng maraming tulang naging mga klasikong paulit-ulit na binigkas sa mga kilos-protesta, halimbawa’y ang mga sumikat na anti-pasistang tula nina Jesus Manuel Santiago at Romulo Sandoval.

Ang ganitong panghahawak sa paninindigan ng GAT ang dahilan kung kaya kahit na pito sa lalong tinitingalang mga kasapi nito –- na ang isa’y magiging National Artist pa sa kalaunan –- ang sumuporta sa kandidatura nina Ferdinand Marcos at Arturo Tolentino sa snap election ng 1986 ay hindi naapektuhan nang malaki ang kabuuang kredibilidad nito.

Ang maalingasngas na pag-eendorso

Nabanggit ni Dumlao ang mga pangalan ng pitong kasapi ng GAT na tumangkilik sa kandidaturang Marcos-Tolentino noong 1986. Makabubuting banggitin muli sila rito, sa ikababatid ng lahat at upang huwag nating malimot: Virgilio Almario, S.V. Epistola, Lamberto Antonio, Teo Antonio, Mike Bigornia, Manuel Baldemor, at Ruth Elynia Mabanglo.

Buhay pa silang lahat, liban kina Bigornia at Epistola. Marami sa mga ito ang magpahanggang ngayo’y hindi inihihingi ng kapatawaran ng bansa ang kanilang ginawa –- kabilang na si Almario, National Artist for Literature ng 2003. Sa katunayan, sa isang interbiyu sa kanya ng isang estudyanteng gradwado sa UP noon ding 2003, sinabi ni Almario na ang Kaliwa ang nagpabomba sa Plaza Miranda noong 1971, at ito raw ay ginawa upang guluhin ang gobyerno ni Marcos.

Yaong mga may malawak na pagbabasa sa kasaysayan at lalo na’y yaong mga may malay na nang taong iyon ay tiyak na makaaalaalang ito rin ang dahilang ginamit ni Marcos upang magdeklara ng batas militar. At habang umiiral ang batas militar ay kayraming manunulat ang pinarusahan dahil sa kanilang pagbibilad ng kalagayan ng bansa: ipinapatay ang mga Lorena Barros, Eman Lacaba, Antonio Tagamolila, Liliosa Hilao at Valerio Nofuente, habang ang isang Henry Romero’y nawala at hindi pa natatagpuan magpahanggang sa mga araw na ito; samantalang ipinabilanggo naman sina Bienvenido Lumbera, Satur Ocampo, Luis Teodoro, Ninotchka Rosca, Bonifacio Ilagan, Pete Lacaba, Levy Balgos de la Cruz, at Dolores Feria, at marami sa kanila ang dumanas ng iba’t ibang anyo ng pagpapahirap sa bilangguan, kabilang ang pangunguryente sa bayag at utong at puki, pag-uumpog sa kanila sa dingding, pagpapahiga sa kanila nang hubo’t hubad sa bloke-blokeng yelo, at maging panggagahasa sa mga babae.

Ang sinabing ito ni Almario ay hindi pa niya binabawi magpahanggang ngayon, bagama’t hindi pa rin maipaliwanag ng mismong kampo ng mga Marcos kung bakit ang binomba sa Plaza Miranda ay ang pulong ng Liberal Party, na lumalaban din sa gobyerno noong 1971 at samakatwid ay maituturing noong taktikal na alyado ng Kaliwa. Batay sa kasaysayan, ang ganito’y istilo ng ilang panatikong maka-Kanang paksiyon sa militar, ngunit hindi ng Kaliwa.

Sinasabi ni Almario na tama ang pagkakadeklara ni Marcos ng batas militar, na nandahas sa napakaraming Pilipino? Iwan na natin sa kanya ang pagpapaliwanag dito, pati na sa inamin niya mismong pagiging propagandista ng kampo ni Marcos bago pa man ang snap election ng 1986 at habang siya’y kasapi pa ng GAT, na nagpatalsik sa kanya noong 1986. Siya na rin ang bahalang magpaliwanag kung may kaugnayan din ba ang lahat nito sa mahabang panahon niyang palinlang na paglalayo sa mga baguhang manunulat sa landas ng makabayan at makalipunang pakikisangkot –- sa isang bansa kung saan kailangang-kailangan ang mga manunulat na magpapatuloy sa tradisyon ng mga Francisco Balagtas, Jose Rizal, Crisanto Evangelista, Jose Corazon de Jesus, Salvador Lopez, Manuel Arguilla, Carlos Bulosan, Amado Hernandez, at iba pang katulad.

Mga aral ng GAT sa ating panahon

Naipakita ni Dumlao na ang GAT ay naging isang kapahayagan ng pagkakaisa ng mga makatang nagpasyang makipagkaisa sa kanilang mga mambabasa sa pagtatatag ng isang matwid na lipunan. Tinangkilik sila ng madlang malawak dahil dito at ang kanilang mga akda’y nag-ambag nang di-biro sa pagbibigay ng direksiyon sa pakikitalad ng sambayanan.

Kung ano ang mga aral na mahahalaw ng kasalukuyang mga makatang nakikisangkot, lalo sa panahong itong ang bansa’y nasa krisis na tulad sa panahon ng diktadurang Estados Unidos-Marcos, ay naroon sa pagkakalahad ni Dumlao sa mismong kasaysayan ng GAT at, gayundin, ng kanyang sariling karanasan bilang isang makata. Lampasan ang sarili, magsulat alang-alang sa sambayanan, ngunit huwag magpakulong sa mga pormulang kaylimit kabuliran maging ng mga dapat ay higit na malikhain sapagkat naghahangad na magwasak.

Mahalagang aral ito na maiging matutunan ng mga makatang kalahok sa tuluy-tuloy na proseso ng paglutas sa kasalukuyang krisis ng bansa –- isang krisis na ibinunsod ng isang ilehitimo’t tiwaling pamunuang ang mga patakara’y laban sa kapakanan ng bansa’t ng nakararaming mamamayan, at mapanlabag sa karapatang pantao. Mapakikinabangan ang mga aral mula sa karanasan ng GAT sa dalawang tipo ng matulaing pagtugon sa kasalukuyang krisis na binanggit ni Guillermo, na bilang paggagad sa nauuso ngayong pagbibigay ng akronimo, na ang pinakatanyag ay ang CPR na tumutukoy sa calibrated preemptive response na patakaran ng rehimeng Macapagal-Arroyo, ay tinawag niyang tactical poetry response (TPR) at strategic poetry response (SPR).

Ang TPR, sang-ayon kay Guillermo, ay ang “pagsagot sa nagaganap na maiinit na usapin na kinakaharap ng mamamayan,” habang ang SPR nama’y “panulaang tumutugon sa matagalang pangangailangan ng mga organisadong (puwersa) at masa sa edukasyon at muling paghuhubog sa sarili.”

Mahalaga ang pagsipi ni Guillermo sa winika ng rebolusyonaryong manunulat na si Eduardo Galeano ng Amerika Latina, dahil aral ito sa lahat ng makata at maging sa lahat ng iba pang manunulat, hindi lamang sa panahon ng diktadurang Estados Unidos-Marcos kundi sa panahon man ng paghahari ng ilehitimo, makadayuhan at makamayaman, at pasistang rehimeng Macapagal-Arroyo na binasbasan ng Estados Unidos.

Ano ang sinabi ni Galeano? “Ang sabihing mababago ang realidad sa pamamagitan lamang ng panitikan ay isang kabaliwan o paghahambog,” aniya. “Sa palagay ko, isa ring kalokohan na itatwang nakakatulong ito sa pagbabago.”

Sinasabi ni Galeano na ang panitikan ay magiging kagaya lamang ng isang baril na walang bala kung wala itong gagawin liban sa pagbibili ng mga pinabanguhang kahangalan, dili kaya’y ng mga pangarap na hindi kailanman matutupad, ngunit nagmamarka sa kasaysayan kapag nakapaghikayat sa madla na taluntunin ang landas ng kabayanihan.

Dalawang landas ng mga makata

Sa panahon ng kasalukuyang krisis, mainam na balikan ang isang nagdaang panahon din ng krisis upang matimbang nang maigi ang mga maaaring pagpilian ng makata sa parehong panahon. Noon man at ngayon, dalawang landas ang maaaring tahakin ng makata.

Sa isang banda’y maaari siyang maging isang mambebersong tagahabol ng tseke mula sa umaandar na kotse ng hari-harian, isang upahang tagapag-aliw sa korte ng mga dugong-bughaw na habang walang makain ang mga mamamaya’y pakutya silang sinasabihang kumain ng mamon. Maaari rin naman siyang maging bilanggo ng sariling toreng garing, diumano’y tiwalag sa daigdig, na pana-panaho’y naghahagis ng mga “pumpon ng mga salita,” sa wika ni Jesus Manuel Santiago, sa bintana upang masambot ng madla. Mukhang magkaiba, ngunit sa totoo’y iisa lamang ang mga landas na ito.

Sa kabilang banda nama’y maaari silang maging “troubadours for troubled times,” sa wika nga ni Eric Caruncho, maging kapwa mandirigma ng lahat ng nagbabalikwas laban sa kaapihan.

Makabubuting isaalang-alang ng makata na sa ganitong panahon ng krisis, tumitingkad ang karaniwang tendensiya ng mga taong takasan ang pait ng katotohanan, ngunit higit din namang nagiging madali sa kanila ang tanggapin ang mga progresibong kaisipang maaaring makarating sa kanila.

Monday, October 03, 2005

IN DEFENSE OF THE FREEDOM OF EXPRESSION

We, artists, support the "Walk for Democracy" being held today by civil libertarians and other human rights defenders.

Lawyer Vicky Avena, former commissioner of the Presidential Commission on Good Government (PCGG), was right on the mark when she said that President Gloria Macapagal-Arroyo is building a "de facto dictatorship." It is the height of bitter irony that just days after the country commemorated the 33rd anniversary of the declaration of martial law, President Gloria Macapagal-Arroyo would come up with two consecutive declarations undermining the civil liberties in the advancement and defense of which so many of our best and brightest compatriots gave their lives.

The first is the enforcement of the so-called "calibrated preemptive response" policy, which entails a strict implementation of the no permit, no rally policy provided for by Batas Pambansa Blg. 880 – a measure enacted during the days of dictatorship.

The second is Executive Order No. 464, preventing public officers from testifying in congressional investigations in aid of legislation without the President's permission. This measure effectively bars the few principled or conscienticized among our public officers from divulging information on government activities that may be detrimental to the national interest.

To top off all of these, Arroyo is pushing for an anti-terrorism bill which, by the broadness of its definition of "terrorism," could be construed to include even legal protest actions in its list of "terroristic activities" and makes people legally liable for simply being neighbors to suspected "terrorists."

All this is happening in an atmosphere of unceasing political killings. The past month alone saw the killings of four activists. More than 400 persons critical of the policies of the Arroyo administration have been killed since 2001: the list includes priests, lawyers, journalists and even local government officials aside from grassroots activist leaders.
This creeping curtailment of civil liberties by a President who won in the last election by fraudulent means and has long been under fire for her imposition of anti-national and anti-people policies, corruption, and human rights violations has grave implications for artists. In an atmosphere of increasing suppression of civil liberties, a clampdown on the freedom of expression as practiced by artists cannot be far behind.

We support this activity, and commit contributions to other forthcoming efforts, for the defense of democratic rights – in the tradition of our fellow artists Amado V. Hernandez and Lino Brocka.

Artists for the Removal of Gloria (ARREST Gloria)
October 4, 2005


Southern Tagalog Exposure
KASIBULAN Women Visual Artists' Collective
KUMASA (Kulturang Ugnayan ng Manggagawa at Uring Anakpawis sa Timog Katagalugan)
ARTIST, Inc. (Arts Research and Training Institute in Southern Tagalog)
Kilometer 64 Poetry Group
Tambisan sa Sining
APLAYA (Artistang Pangkultura ng Mamamalakaya sa Timog Katagalugan)
UPLB Umalohokan

Paolo Martinez
Andrea Muñoz
Gian Paolo Mayuga
Jeffrey Ferrer
Onin Tagaro
Bobby Balingit
Winnie Balingit
Lourd de Veyra
Dong Abay
Ninj Abay
Con Cabrera
Roselle Pineda
Heidi Takama

Monday, September 05, 2005

STATEMENT OF UNITY
BUKLURAN PARA SA KATOTOHANAN


If you agree with the following, please post on your blogs and pass on to your relatives and friends.

We come from all walks of life, from different political, cultural, and economic persuasions, different points of view. But in diversity, we find a cause for unity. That cause for unity is our common objective to secure the truth.

We all seek the truth. We want the truth to come out. And yet every means for seeking the truth has been frustrated; every avenue for arriving at the truth has been blocked; and every opportunity to find the truth is being closed.

Gloria Macapagal-Arroyo’s response to our call for the truth has been to suppress evidence, hide her accomplices, engage in a grand cover-up, sow fear, foment distrust and use every instrument at her disposal to encourage division among our people.

We will not be divided in these critical times.

We say with one voice, Gloria Macapagal-Arroyo must go. For the good of the country, she must go. For the sake of our nation’s future, she must go. For the preservation of hope as a motive force in our national life, she must go.

We are united by the belief that this crisis must be resolved in a manner that is peaceful and democratic. Without the truth, there cannot be peace; without the truth, there is no genuine democracy. The truth must set our nation free.

Unite for the truth. Demand the truth. Defend the truth.

Action for Economic Reforms
AKBAYAN Citizen’s Action Party
Ateneo Concerned Faculty and Youth
Bangon Pilipinas
Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN)
Be Not Afraid
Black & White Movement
Citizens for TRUTH (Transparency, Responsibility, Unity, Trust, Hope)
Citizens for Truth, Resignation, Impeachment, or Ouster (C4T)
Coalition for National Solidarity
Counsels for the Defense of Civil Liberties (CODAL)
De La Salle
FPJP Movement
Freedom from Debt Coalition (FDC)
Interfaith Movement for Truth, Justice and Genuine Change (IFM)
Kilusan ng Makabansang Ekonomiya (KME)
Laban ng Masa
Moro National Liberation Front (MNLF)
Peoples Assembly for Genuine Alternatives to Social Apathy (PAG-ASA)
Pwersa ng Masang Pilipino (PMP)
Reporma
Union of Muslims for Morality and Truth (UMMAT)
United Opposition (UNO)
Unity for Truth and Justice
UP AWARE
UP Diliman Student Council (UPD USC)
White Ribbon Movement
Women March
Youth DARE

Thursday, September 01, 2005

31 AGOSTO 2005, KAMARA DE REPRESENTANTE

Sapagkat batid na nilang sa lansangan
ay di malayong sila'y masagasaan ng madla,
dinala nila ang paligsahan
sa kanilang bulwagan,
kung saan kanila ang mga patakaran,
kanila ang mga patakarang
sila rin ang may kakayahang bumaliko.
At sila'y nagtanghal
ng isang moro-moro.
Mga tanga,
akala'y maaaring takasan
ang sarili nilang mga anino.

Sunday, August 28, 2005

ANG MGA SAGOT AY NASA MGA BULSANG UMAAPAW SA ITIM NA GINTO

Noong Agosto 6, 2005, si Cindy Sheehan ay nagpasimuno ng isang vigil sa labas lamang ng rantso ng George W. Bush, Pangulo ng Estados Unidos, sa Crawford, Texas upang hinging ito'y makipagkita sa kanya at ipaliwanag kung bakit ang digmaang pumatay sa kanyang anak sa Iraq ay sinimulan at nagpapatuloy pa rin.

Walang tunay na tugong ihahatid
ang may-ari ng rantso.
Kung magsasalita man siya,
ang kanyang mga sagot ay walang ipag-iiba
sa pag-unga ng kanyang mga baka.

Malamang ay muli niyang sasabihin
na ginagawa ng mga itlog na bakal
ng kanyang mga ibong mandaragit
sa lupa ni Abraham
ang ginawa ng mga kampon ni Herodes sa Israel
tatlong araw pagkasilang ni Kristo
sapagkat kailangang itaboy mula roon
ang mga demonyo.

Ngunit makikita mo ang kasagutan
sa nagtatabaang bulsa ng mga tagapagtambol
ng digmaang ito.
Dumanak ang dugo ng iyong anak sa Iraq,
Cindy Sheehan,
sa ngalan ng isang digmaang nagbubuhos
ng itim na ginto
sa kanilang mga lukbutan.
ON VIDEO: 'TUPARIN NATIN ANG BANTA NG ATING PANAHON'

We now have a copy of the music video "Tuparin Natin ang Banta ng Ating Panahon," produced by Artists for the Removal of Gloria (ARREST Gloria).

The lyrics for the song are taken from a poem of mine that appeared in Oust Gloria, a chapbook published by Kilometer 64. Bobby Balingit of The Wuds did the music for the song, while Lourd de Veyra of Radioactive Sago Project did the vocals.

Southern Tagalog Exposure and Teta Tulay of KASIBULAN Women Visual Artists' Collective directed the video. It was produced from illustrations and shadow animation by Teta, with additional photos and videos from Arkibong Bayan, GMA 7, Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), www.op.gov.ph, and www.kgma.org.

Download the video here.

If you cannot view the video, you need to install the Xvid Codec. Download the Xvid Codec here for Windows and here for Mac.

Sunday, August 21, 2005

RENE N. JARQUE, 40

It was with shock that I received the news that former Army Capt. Rene N. Jarque had died last Friday of cardiac arrest in Jakarta, Indonesia where he had been working since 2004. He was just less than two months short of his 41st birthday, and when I last saw him -- which was less than a year ago -- he looked strong enough to take on two men in a fistfight at the same time.

But more than that, it is saddening that the country has just lost one of the few honorable men to have come from its Armed Forces -- and at a time when no one expected him to die the way he did.

A 1986 graduate of the US Military Academy, Rene was a staunch opponent of corruption in the Armed Forces, which is most brazen in the highest echelons of its leadership. He sought to fight military corruption through armed means in 1989, and when that didn't succeed he turned to writing articles exposing various corrupt military practices in the different AFP publications. His facts were well-researched, his analyses incisive, his recommendations sound.

Because of his efforts, he was repeatedly subjected to harassment and was even placed under surveillance by his own superiors.

Disillusioned, he left the military service in 1998. He was then just a captain. One of his last works for the AFP was a paper arguing for a self-reliant defense policy, contrary to the present US-dependent one.

But the fight didn't end there. He would spend the next several years combatting military corruption and promoting AFP reform by continuing to write about these issues, this time for the major newspapers and magazines; as well as joining anti-corruption groups.

Even after he had taken his Jakarta job, he would every so often find time to return to the Philippines and speak in forums and conferences on corruption.

As a journalist, I had the pleasure of interviewing him in depth a number of times. He was one of my favorites among my frequent interviewees. Despite his hectic schedule, he always had time for interviews, whether personal or through e-mail, and to top that off he was both intelligent and eloquent.

He also had this way of making good friends with the journalists who interviewed him. He invariably took the initiative of keeping in touch with his journalist-interviewers even when there was absolutely no interview to make: from time to time he would send us jokes and other funny e-mails, aside from giving us the privilege of being among the first readers of his latest articles.

In early 2004, when he left for Jakarta, we lost contact with each other. Later that year, on one of his frequent visits to Manila, we saw each other again -- and without my asking him (which I had meant to do), he gave me his e-mail addresses and told me to just send him an e-mail if I needed anything. I was able to do several interviews with him that way.

Just nine days before he died, he had e-mailed us a copy of a speech he delivered before the Philippine Military Academy (PMA) Class of 1995. It was about courage, integrity, loyalty and the soldier.

That was Rene N. Jarque -- a patriot in his own right, a brilliant thinker, and a good friend. An officer and a gentleman.

Thursday, August 11, 2005

SAPAGKAT TAYO'Y MAY MGA PUSO

Parang mga punyal ang ating mga panulat.
Tayo'y humahawak ng mga punyal
sapagkat minamahal natin
ang kinakalawang na mga bisig na nagpapaikot
sa mga gulong ng mga makina sa mga pabrika
at nagpapaandar sa makinarya ng ating kabuhayan;
ang mga nagtatanim ng buhay
sa mga parang at sa buong sambayanan
na ang sariling mga buhay
ay lagi't laging saklot ng tagtuyot.
Minamahal natin sila
sapagkat tayo'y may mga puso.
Kaya't parang mga punyal ang ating mga panulat.

Friday, July 29, 2005

NOW ON MP3: 'TUPARIN NATIN ANG BANTA NG ATING PANAHON'

Download MP3 file here.
Produced by Artists for the Removal of Gloria (ARREST Gloria)
Lyrics: Alex Remollino (Kilometer 64)
Music: Bobby Balingit (vocalist and lead guitarist, The Wuds)
Vocals: Lourd de Veyra (vocalist, Radioactive Sago Project)
Sound mix: Southern Tagalog Exposure

(Southern Tagalog Exposure and Kilometer 64 are member organizations of the ARREST Gloria alliance, while Bobby Balingit and Lourd de Veyra are individual members)

("Tuparin Natin ang Banta ng Ating Panahon" first appeared in print as a poem in the Oust Gloria chapbook published by Kilometer 64)

Thursday, July 14, 2005

SILANG IILANG MANG-AAGAW NG TAGUMPAY

Isinisilang at yumayao ang mga panahon,
ngunit di lumilipas
ang ating kahapon.

Sa mga panahon ng palitang-putok,
tayo sa larangan ang nagdadala ng bandila
at ang ating mga dibdib at ulo
ang nakalaang lurayin ng mga punlo ng kaaway.
Ngunit sa panahon ng lubos na paglalaho ng usok,
ang nagwawagayway ng bandila
ay silang iilang hindi halos umapak sa larangan.

Minsan nila itong ginawa sa Kawit,
makalawang ito ay ginawa nila sa EDSA.

At ngayon,
narito na naman sila --
parang mga manananggal
na naghihintay sa pagsilang ng bilog na buwan
upang makalipad ang kalahating katawan
at makapanagpang.
Magtatagumpay ba silang muli sa pang-aagaw ng tagumpay?

Kahit na ilang bukas ang dumating,
tuluy-tuloy lamang ang ating kahapon
hangga’t tayo’y may ugaling matulog kaagad
pagkatapos ng kahuli-hulihang putok ng baril.

Thursday, June 30, 2005

TUPARIN NATIN ANG BANTA NG ATING PANAHON

Matapos na babuyin ang mga balota
at baliin ang susing magbubukas sana
sa mga kahong nagkakanlong sa tunay na pasya ng bayan,
ang panipis na nang panipis na bituka ng mga mamamayan
ay binutas,
binutas ng rehimen.
At ang kalikasang noon pa'y nilalamas-lamas
ng mga dayuhan
ay tuluyang sa kanila'y ipinagahasa.

Dumalas ang pagbaha ng mga paa sa lansangan,
ang pagpinta ng mga bandila
at pagtuldok ng mga kamao
sa himpapawid.
At bakit hindi?
Ang mga mamamaya'y mga tao,
di tulad ng mga namumuno sa bansa.

Ngunit sapagkat iginigiit nila ang pagiging mga tao,
ang sagot sa kanila
ay ang dahasin,
pataying parang mga hayop.
Ito raw ay upang maipagsanggalang ang demokrasya.

Ang demokrasya'y ipinagtatanggol
ng rehimeng nahalal nang di nahahalal,
rehimeng gumahasa sa demokrasya.

Kaya't halina,
isigaw natin nang buong lakas
ang hatol ng ating panahon:
Nararapat na gumulong
ang ulong may suot na koronang ninakaw.

Isigaw natin ito hanggang sa mabuwag
ng ating mga tinig
ang mga alambreng pader ng Mendiola.
Tiyakin nating matutupad
ang banta ng ating panahon:
Mene thecel phares,
huwad na Pangulo.

Tuesday, June 07, 2005

KAPATAWARANG WALANG BATAYAN

Sa kanyang sanaysay na “Tungkulin ng Manunulat” (Ani, Cultural Center of the Philippines, Hunyo 1987), napakalaking pananagutan ang iniaatang ng kuwentista, peryodista, makata, at mandudulang si Rogelio Ordoñez sa kanyang mga kapwa manunulat. Aniya:

“Sinasabing ang manunulat ay ‘mambabatas ng daigdig’ at ‘direktor ng konsensiya’ ng bayan kung kaya hindi lamang siya dapat na maging matapat na tagapaglarawan ng buhay, kundi dapat ding maging pinakamahigpit na kritiko nito.”

At siyang totoo! Napakalaki ng tiwalang ibinubuhos ng publiko sa di-karaniwang talinong ipinagpapalagay na taglay ng bawat manunulat, kaya’t bawat manunulat ay may malakas na impluwensiyang intelektuwal sa kanyang mga mambabasa. Dahil dito, ang manunulat ay may tungkuling hindi lamang isiwalat ang buong katotohanan kundi lumahok din sa pagbabago nito.

Malimit-limit din namang mapag-usapan ang mga alagad ng panulat na naging tapat sa pananagutang ito, ngunit bibihira ang mga talakayan tungkol sa mga manunulat na gumamit sa kanilang mga pluma upang maghabi ng mga kasinungalingan. Kaya naman sa panahong sila ang mamayagpag ay wari bang naliligaw tayo tungkol sa kung paano sila dapat na tingnan mula sa pangkasaysayang pananaw.

Ang kasaysayan ng siglong nagdaan ay hindi nagkukulang sa bilang ng manunulat na naging mga taksil sa dakilang misyon ng mga alagad ng panulat, ngunit magkasya na muna tayo sa dalawang tampok na halimbawa: sina Benigno Ramos at Guillermo de Vega.

Anak ng mag-asawang nasangkot sa Himagsikang 1896 sa Bulacan, Bulacan si Benigno Ramos. Bata pa’y kinakitaan na siya ng pambihirang kahusayan sa pagbigkas ng tula at pagtatalumpati. Ang kakayahan niyang ito ay umakit sa ilang pulitikong umugnay sa kanya upang hilingan siyang bumigkas o magtalumpati sa kanilang mga kampanyang elektoral.

Dahil sa pagkakaugnay sa mga pulitikong ito, naging maluwag ang pagkakapasok niya sa mga kilalang pasulatan sa Maynila, at naging mabilis naman ang kanyang pagsikat bilang manunulat dahil sa kanyang talino sa pagsusulat. Nakilala siya bilang isang makata at mamamahayag na rebelde, dahil sa kanyang matalim na pagbatikos sa mga pangunahing suliranin ng lipunan sa kanyang mga akda.

Noong dekada 1930, itinatag at pinamunuan niya ang kilusang Sakdalista, na lumahok sa halalan ng 1934 batay sa isang platapormang anti-imperyalista at anti-piyudal. Umani ito ng malaking tagumpay, bagay na lumikha ng takot sa establisimyentong pulitikal nang mangampanya ito nang taon ding iyon para sa pagboykot sa plebisito hinggil sa panukalang Konstitusyon ng 1935, na magtatalaga sa Pilipinas bilang isang komonwelt taliwas sa kahingian nitong kagyat at ganap na kasarinlan bago lumipas ang 1935.

Naging biktima ng paninikil ang kilusang Sakdalista, at dahil dito’y nakaisip ang maraming kasapi nito na magsagawa ng marahas na pag-aaklas. Ngunit dahil buhaghag at walang sapat na kasanayang militar, madaling nagapi ng mga awtoridad ang nagsipag-aklas.

Nang maganap ang pag-aaklas, nasa Hapon si Ramos diumano’y upang ikuha ng tangkilik ang partidong Sakdalista.

Sa mga huling taon ng dekada 1930, kabilang si Ramos sa mga magtatatag ng Lapiang Ganap, isang grupong nagpalaganap ng propagandang naglalayong ihanda ang publiko sa pagtanggap sa mga Hapones bilang mga tagapaghatid ng Pilipinas tungong paglaya mula sa kuko ng Estados Unidos.

Noong panahon ng digmaan laban sa Hapon, namayagpag si Ramos bilang isa sa mga direktor ng Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas (Kalibapi), isang grupong nagkalat ng propagandang pumupuri sa “pagtulong” ng Hapon sa Pilipinas. Ito’y sa gitna ng malawakang pamiminsala ng Imperyal na Hukbong Hapones sa buhay at kabuhayan ng milyun-milyong Pilipino, kabilang ang paggamit sa ilang daang babae bilang comfort women o mga parausan ng libog.

Isinilang sa Rizal –- isang lalawigang ipinangalan sa Pambansang Bayaning si Dr. Jose Rizal, isang dakilang makabayang manunulat –- si Guillermo de Vega, makata at mananaysay. Nag-aral siya sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) hanggang sa magtamo ng Ph.D. sa Agham Pampulitika.

Isa siyang propesor ng naturang kurso sa pamantasang nabanggit nang kunin siya upang maglingkod sa gobyerno ni Ferdinand Marcos. Naging aktibo siyang propagandista ng naturang rehimen.

Sa kasagsagan ng Batas Militar (1972-1986) –- isang panahong kinatampukan ng malawakang pagdakip, pagpapahirap, at pagpatay sa mga nagsusulong ng ganap na kasarinlan at tunay na katarungang panlipunan –- susulatin ni De Vega ang librong Ferdinand Marcos: An Epic, isang librong-tulang naglalarawan sa diktador bilang isang Mesiyas.

Tiyak na ubod ng lulupit ang mga panginoong pinaglingkuran nina Ramos at De Vega, at napakabigat ng pananagutan ng mga ito sa kasaysayan. Napakahihirap patawarin ang mga kasalanan ng mga ito.

Ngunit paano naman ang dapat na pagtingin ng kasaysayan sa mga tulad nina Ramos at De Vega? Sila ba’y di-hamak na higit na madaling patawarin kaysa sa kanilang mga panginoon, dahil di tulad ng mga ito’y hindi naman sila kumitil ng buhay?

Ang sinumang sasagot ng “Oo” sa ikalawang tanong ay walang mapatutunayan kundi ang kanyang pagtataglay ng isang kagila-gilalas na uri ng kahangalan, at kung marunong tumawa ang mga uod ay tiyak na pagtatawanan siya ng mga ito sapagkat kaydali nilang makikitang sila’y higit pang matalino sa kanya.

Kung siya ma’y may taglay na Ph.D. mula sa UP, na ipinagpapalagay na siyang pinakamahusay na pamantasan sa Pilipinas, makabubuti pang ang lahat ng salaping ginugol ng mga nagbabayad ng buwis upang siya’y makakuha ng kanyang titulo ay inihagis na lamang niya sa Payatas, at baka mapulot pa ng mga bata roong araw-araw ay nabubuhay sa pangambang baka sila maguhuan ng bundok ng basura, at makatikim man lamang sila ng ilang buwang hindi nila kailangang magkakalkal ng basura upang may maipalaman lamang sa kanilang mga impis na tiyan.

Totoong walang pinatay sina Ramos at De Vega. Ngunit sa bawat paglalabas nila ng akdang pumupuri sa Emperyong Hapones, sa kaso ni Ramos; o sa rehimeng Marcos, sa kaso naman ni De Vega –- pinabango nila sa harap ng marami pati na ang lahat ng kasalarinan ng mga ito. Katumbas ito ng pagdukot sa hukom na maglilitis sa salarin at pagputol sa dila ng mananaggol ng nagsasakdal. Paggawa ito ng paraan upang ang mamamatay-tao’y makaligtas sa anumang parusa at patuloy pang makakitil ng buhay.

Ang pagmaliit sa pananagutan ng mga tulad nina Ramos at De Vega sa kasaysayan ay pagmaliit din sa papel ng manunulat sa lipunan –- at kung manggagaling pa ito sa isa mismong manunulat ay tunay na nakapagbabaligtad ng sikmura.

Maaaring walang inutang na buhay sina Ramos at De Vega, ngunit napakaliit ng pagitan nila at ng mga umutang ng buhay. Kung sila’y nabuhay hanggang sa ating panahon, ang patawarin sila nang hindi naman tapat na humihingi ng kapatawaran ay hindi lamang isang napakalaking kamangmangan kundi higit pa’y isa ring pagkakasala sa bansa.

Sunday, June 05, 2005

PAGSASAKDAL KAY BENIGNO RAMOS, LIDER-SAKDALISTA

Sa kasaysayan ng nagdaang dantaon, isa sa mga personaheng lumikha ng pinakamalalaking alingasngas si Benigno Ramos –- makata, mambibigkas, mamamahayag, mananalumpati, lider-rebelde, pulitiko.

Hindi nawawala ang kanyang pangalan sa talaan ng pinakamahuhusay na manunulat, mambibigkas, at mananalumpating nabuhay sa kasaysayan ng Pilipinas. Subalit sa mga aklat ng kasaysayan, lagi’t lagi ring lumilitaw ang kanyang pangalan sa talaan ng mga taksil sa kapakanan ng sambayanan.

Isinilang sa Bulacan, Bulacan noong 1892, si Benigno Ramos ay anak nina Catalino Ramos –- isang kasapi ng Katipunan noong panahon ng Himagsikang 1896; at Benigna Pantaleon, na noong panahon ng Rebolusyon ay nagboluntaryong mangalaga sa mga sugatan at maysakit na Katipunero. Namulat siya sa mga karanasang ito ng kanyang mga magulang at maaaring ang pangyayaring ito ang nagtanim ng diwang mapaghimagsik sa kanyang kamalayan.

Bata pa si Ramos ay kinakitaan na siya ng kahusayan sa pagbigkas ng tula at sa pagtatalumpati. Noong siya’y isa pang paslit, madalas na siya’y nahihikayat ng mga nakatatandang kababayan na tumayo sa ibabaw ng isang bangko at doon magtalumpati o bumigkas ng tula habang pinanonood nila nang buong paghanga.

Ito ring kakayahan niya sa pagbigkas at pagtatalumpati ang magiging sanhi ng pagkakainteres sa kanya ng ilang pulitiko, na umugnay sa kanya at hinilingan siyang bumigkas o magtalumpati sa kanilang mga kampanya. Labinlimang taong gulang siya nang siya’y unang mahilingang bumigkas sa isang kampanya.

Ang kanyang pagkakaugnay sa mga pulitiko ang naging daan naman upang siya’y madaling magkapuwang sa mga kilalang pasulatan sa Maynila. Mabilis din ang kanyang pagsikat bilang isang manunulat, dala na rin ng kanyang kahusayan sa larangang ito.

Noong 1922, nakaugnay sa kanya ang noo’y Pangulo ng Senado na si Manuel L. Quezon, na nagbigay sa kanya ng trabaho bilang isang kagawad sa Senado.

Walong taon pagkaraan nito, magkakahiwalay ng landas sina Ramos at Quezon.

Noo’y nagsagawa ng isang welga ang mga estudyante ng isang mataas na paaralan sa Maynila dahil sa panlalait ng isang Amerikanang guro sa mga Pilipino sa isa sa kanyang mga klase. Kagaya ng mahusay ding makatang si Jose Corazon de Jesus, nasangkot si Ramos sa welgang-estudyanteng ito.

Si Quezon, na sumisipsip sa Gobernador-Heneral, ay nag-utos kay Ramos na itigil ang pagtangkilik sa welga at, higit pa riyan, itakwil ito. Ikinagalit ni Quezon ang pagtanggi ni Ramos na sundin ito, kaya’t sinabihan niyang magbitiw ito sa Senado.

Ang pangyayaring ito ay nagbunsod kay Ramos na maglabas ng sarili niyang pahayagan, na kanyang bininyagang Sakdal.

Ito’y inilathala nang lingguhan sa wikang Tagalog, at matinding bumatikos sa mga Amerikanong tagapamahala, kay Quezon at sa kanyang mga tagasunod, sa mga asendero, sa Simbahan, at sa Konstabularya. Ipinanawagan ng Sakdal ang kagyat na kasarinlan ng Pilipinas at kinundena nito ang palaki nang palaking agwat sa pagitan ng mayaman at mahirap, na pinatunayan nito sa pamamagitan ng mga beripikadong estadistika.

Noong 1933, nagpasya si Ramos na magbuo ng isang partidong pulitikal. Mula sa mga mambabasa ng Sakdal ay nabuo ang organisasyong Sakdalista, na sa kongreso nito sa pagtatatag ay nagpasyang lumahok sa halalan ng 1934.

Ang plataporma ng mga Sakdalista ay umikot sa tatlong saligang usapin: edukasyon, dominasyon ng Estados Unidos sa ekonomiya ng Pilipinas, at ang panukalang pagkakaroon ng Estados Unidos ng mga base militar sa bansa.

Inilarawan nila bilang kolonyal ang sistemang pang-edukasyon ng Pilipinas at, sa partikular, binatikos nila ang seryeng Readers ni Camilo Osias dahil sa pamamarali nito ng kulturang Amerikano. Iginiit nilang ang dahilan ng kahirapan ng kalakhang mamamayan ay ang pagkakasakal ng Estados Unidos sa ekonomiya ng Pilipinas, at tinutulan nila ang higit na pamumuhunan ng Estados Unidos sa bansa. Tinutulan din nila ang panukalang magtatag ng mga base militar ang Estados Unidos sa Pilipinas, sa kadahilanang hindi makikinabang ang Pilipinas sa mga ito.

Isa si Ramos sa mga nanalong kandidato ng Sakdalista, at dito nagsimula ang kanyang pagpapakita ng oportunismo. Pinalabnaw niya sa kanyang panunungkulan ang paghahapag ng mga kahingian at itinuon niya ang kanyang enerhiya sa mga periperal na usapin.

Gayunman, nagpatuloy sa pagkilos nito ang organisasyong Sakdalista. Ang mga lider nitong hindi nagpatianod sa tukso ng kapangyarihan at pribilehiyo ay humikayat sa mga mamamayan na iboykot ang plebisito ng 1935 para sa Konstitusyong Komonwelt, bilang paggigiit ng kahingian nilang magkaroon ang Pilipinas ng ganap at hustong kasarinlan nang hindi lumalampas ang 1935.

Ang Gobernador-Heneral ay naglabas ng kautusang nagsasabing sedisyoso ang naumang kampanya laban sa plebisito, at marami sa mga lider at kasapi ng organisasyong Sakdalista ang pinagdadakip.

Napoot ang kanilang mga kasamahan at nag-isip ng marahas na pag-aaklas. Hatinggabi ng Mayo 2, 1935 nang may 150 magbubukid na naaarmasan ng mga tabak at paltik ang nagmartsa patungo sa munisipyo ng San Ildefonso, Bulacan upang ibaba ang bandila ng Estados Unidos at itaas ang bandilang Sakdalista. Sumunod ang mga kasamahan nila sa iba pang lalawigan tulad ng Cavite, Rizal, at Laguna. Sa kabuua’y may 60,000 Sakdalista ang nasangkot sa pag-aaklas na ito.

Tumugon ang Konstabularya. Buhaghag at mahihina ang sandata, madaling nagapi ang mga Sakdalista, at pagdating ng tanghali ng Mayo 3 ay tapos na ang lahat: 57 Sakdalista ang napatay, daan-daan ang sugatan at may 500 ang nabilanggo.

Nang maganap ang pag-aaklas, si Ramos ay nasa Hapon. Noo’y madalas na siyang magtungo sa nasabing bansa upang diumano’y ikuha ng tangkilik ang kanyang partido.

Ilang taon matapos ito, si Ramos at ang ilang nakabig niyang lider ng mga Sakdalista ay magbubuo ng Lapiang Ganap, isang grupong nagkalat ng propagandang maka-Hapon. Naging behikulo ang Lapiang Ganap sa pagpapalaganap ng mga sulating nagsasabing ang Hapon ay makatutulong sa paglaya ng Pilipinas. Nang sumalakay ang Hapon sa Pilipinas noong 1942, kabilang nga sa mga sumalubong sa Hukbong Imperyal nito ang Lapiang Ganap.

Di naglaon, naging direktor sa publisidad si Ramos ng Kapisanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas o Kalibapi, na naging behikulong pampropaganda rin ng imperyalismong Hapones.

Naging sagad-sagaran si Ramos bilang isang propagandista ng imperyalismong Hapones sa Pilipinas, sa kabila ng malawakan at walang-habag na pamiminsala ng mga puwersa nito sa buhay at kabuhayan ng mga Pilipino –- mahirap man o mayaman.

Sa dakong kalagitnaan ng pananakop ng Hapon sa Pilipinas, isang himnong martsang may pamagat na “Dai-atiw ng Kalibapi” ang lumabas. Isa sa mga taludtod nito ang may lamang ganito:

Narito ang bansang Hapon
Na sa ati’y tumutulong
Upang tayo ay masulong
Mapaanyo ay yumabong...


Sa paglabas ng kantang ito, na nilapatan ng himig ni Felipe Padilla de Leon, ilang manunulat ang naghinalang si Ramos ang sumulat ng mga titik nito. Isang makata naman ang nagsabing hindi maaaring si Ramos ang sumulat ng mga pangit na taludtod na ito sapagkat siya’y isang lubhang mahusay na makata.

Isang organisasyon ng mga manunulat ang nagsagawa ng pagsisiyasat at napatunayang si Ramos nga ang sumulat ng mga titik ng “Dai-atiw ng Kalibapi.” Pinagtibay ng organisasyon ang isang resolusyong si Ramos ay lilikidahin sa tamang panahon.

Hindi na natuloy ang paglilikida sapagkat si Ramos ay naglaho na lamang at sukat dakong 1946, bagama’t hinihinalang kasama siya ng mga tumakas na Hapones na namatay sa Nueva Vizcaya nang bumagsak ang sinasakyan nilang eroplano.

Gayunman, hindi pinatawad ng kasaysayan si Ramos. Bagama’t hindi naglalaho ang pagkilala sa kanyang ipinamalas na kahusayan bilang isang manunulat, mambibigkas at mananalumpati, hindi naman nalilimot ng kasaysayan ang kanyang kataksilan sa kapakanan ng bansa. Pirmi siyang kabilang sa listahan ng mga taksil –- kasama nina Pedro Paterno, Emilio Aguinaldo, at iba pang katulad.

Ano kaya kung nabuhay si Ramos hanggang sa ating panahon? Magiging gayundin karahas kaya sa kanya ang kasaysayan?

Batay sa timpla ng kasalukuyan, may sapat na batayan upang mangambang kung kinabuhayan ni Ramos ang ating panahon ay makukuha niya ang kapatawaran kahit hindi niya hingin. Malamang na hindi iilan ang magpapaumanhin para sa kanya kahit na di siya humingi ng paumanhin, at magsasabing wala naman siyang kinitil na buhay.

Na isang napakalaking pagkakamali lalo kung magmumula sa hanay ng mga taong kundi man may napakataas na inabot sa pormal na pag-aaral ay may sapat na dahilan upang asahang magpakita ng malalim na kamulatan sa kasaysayan. Hindi nga pumisil ng gatilyo o nagtarak ng bayoneta si Ramos, subalit sa bawat paglalabas niya ng piyesang pumupuri sa imperyalismong Hapones ay pinabango niya pati ang pagkitil nito ng napakaraming inosenteng buhay.

Ganito ang dapat na pagtingin kay Benigno Ramos at sa kanyang mga katulad –- at may mga kaparis siya sa ating panahon.

Mga sanggunian:

1. Renato Constantino, The Philippines: A Past Revisited, Manila: Foundation for Nationalist Studies, 1975

2. Delfin L. Tolentino, Jr., “Benigno Ramos: ‘Poeta Revolucionario,’” introduksiyon sa Benigno Ramos, Gumising Ka, Aking Bayan (Mga Piling Tula), Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1998

KAHIT DI NIYA NAHAWAKAN ANG PATALIM

Duguan ang kanyang mga palad
kahit hindi niya hinawakan man lamang
ang patalim.
Nahagip ng kanyang mga mata
ang pagbaon ng punyal,
ngunit iba ang tulak ng kanyang mga labi:
“Hindi siya mamamatay-tao,"
aniya hinggil sa salarin.
Kahit di niya nahawakan man lamang
ang patalim –-
naliligo, naliligo ang kanyang mga palad
sa dugo ng taong pinutlan ng buhay.

Wednesday, May 11, 2005

SA PUTANG KINANTAHAN NG ISANG MAKATANG HIGIT PALANG PUTA

Naawit niya ang lahat ng tunog
sa pagitan ng iyong mga hita
sa bawat gabing ipinauupa mo ang iyong katawan.
Ngunit wala isa mang titik mula sa kanya
hinggil sa kung bakit
nalubog ka sa pusali:
wala isa mang titik niyang nagsasabi
na ika'y nariyan
pagkat ibig mong alpasan
ang larawan sa kuwadrong bintana
ng inyong barung-barong --
larawan ng kulay-uling na tubig sa estero,
at di mo ito maalpasan
nang di naglalangoy sa isa pang putikan,
pagkat siyang katalagahan
ng iilang diyus-diyosan sa bayang ito.
Inawitan ka
ng isang makatang ayaw gawing putik
na ikukulapol sa mukha ng mga huwad na bathala
ang tinta ng kanyang panulat.
Bakit?
Sa dakong huli,
siya pala'y magiging upahang tagahimod ng bulbol
ng mga naglublob sa iyo sa pusali ng pagpuputa.

Monday, May 02, 2005

HINDI NATATAPOS SA HULING TULDOK ANG PAGSUSULAT

Ang pagsusulat ay di natatapos sa huling tuldok. Hindi ito tulad ng pagtae na sa sandaling maideposito mo ang iyong tae sa inudoro ay masasabi mong “ayos na ang butu-buto,” sa lokal na islang.

Kailanma’y hinding-hindi maaaring sabihin ng isang manunulat na siya’y “isang manunulat lamang,” liban na lamang kung siya’y may talinong tulad ng sa isang kuto at kahit na nag-aral siya hanggang sa duktorado (at nakatapos ng ganito kataas na kurso nang may pinakamataas na karangalan) ay walang pumasok sa kanyang ulo sa itinagal-tagal ng kanyang pamamalagi sa pamantasan liban na lang marahil sa mga alikabok ng yesong sa di-inaasahang pagkakataon ay sumuot sa mga butas ng kanyang ilong at tainga at tumagos hanggang sa utak –- kung mayroon mang matatawag na utak sa loob ng kanyang bungo.

Kahit na hindi manunulat ang isang tao at talagang siya’y walang sinusulat kundi pana-panahong mga liham na ang pakay ay bihagin ang puso ng itinuturing niyang pinakamagandang nilalang na nabuhay sa buong kasaysayan ng daigdig, hindi niya masasabing ang sulat ay magwawakas sa paglukso ng puso ng kanyang pinaparaluman. Kadalasan, kung sa ganitong paraa’y magkulay-rosas ang paningin ng isang nililigawan at ituring niyang pinakamakinang na mutya ang mga katagang nakaukit sa mabangong papel na pinagsulatan ng liham sa kanya, ibabahagi niya sa mga kaibigan at kamag-anak ang sarap ng pakiramdam ng masabihan sa sulat ng gayon katamis na mga pangungusap.

Gaano pa kaya kung ang isang tao’y isang manunulat? Paglabas ng publikasyong naglalaman ng kanyang akda, daraan ito sa mga mata ng maaaring daan-daan, maaaring libu-libong tao at maaari pang daan-daang libo sa loob ng isang araw lamang. At ang mga makababasa ng akdang sa akala nila’y isang hiyas ng panitikan ay magkukuwento pa ng kanilang nabasa sa lahat ng kakayanin nilang pagkuwentuhan nito.

Ang tao’y kumikilos batay sa idinidikta ng kanyang kamalayan. At sa pagbubuo ng kamalayan, napakalaki ng epekto ng salitang nakasulat, lalo’t kadalasa’y maaaring magawa ng nakalimbag na salita ang mga bagay na hindi malimit na nagagawa ng karaniwang pag-uusap.

Bahagi ng pampublikong kaalaman ang kung paano nakapagbigay ng inspirasyon sa mga mamamayan upang magsagawa ng mga pagkilos tungo sa pagpapalaya sa bansa, halimbawa, ang dalawang nobela ni Dr. Jose Rizal, ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo; dili kaya’y ang makabayang mga tula nina Andres Bonifacio at Jose Corazon de Jesus.

Sa kabilang dako naman, hindi rin matatawaran ang papel ng mga manunulat ng mga teksbuk na pinopondohan ng World Bank o WB sa pagpapalaganap ng isang kamalayang makaneokolonyalismo. Malaki ang kinalaman nila sa pangyayaring magpahanggang ngayo’y itinuturing ng marami bilang mga tagapagligtas ang mga puwersang Amerikanong sumakop sa Pilipinas noong dulo ng ika-19 dantaon, sa kabila ng pagkakaroon ng marami ring katibayang nakalaya ang kalakhan ng Pilipinas nang halos walang tulong ng mga tropa ni Tiyo Samuel, na walang isang buwan mula sa pagtitibay ng Saligang Batas ng Malolos ay nagsimulang igiit ang kanilang “soberanya” sa Pilipinas.

“Maraming namamatay sa maling akala,” lagi’t laging sinasabi sa atin. Totoo ito.

Napakalaki ng pananagutan ng isang tao kung ang isa niyang kamag-anak o kakilala ay mapahamak dahil sa maling akalang sadya niyang itinanim sa isip nito. Kung ang kapatid niyang nakapiring ay nasa bingit ng bangin at sinabihan niya itong tumalon nang pasulong, at ito’y sumunod sa paniniwalang hindi bangin ang kanyang kinalalagyan, wala siyang ipinagkaiba kay Cain na pinatay sa pamamagitan ng sandata ang sariling kapatid na si Abel.

Kung sasamantalahin ng isang namamayagpag na manunulat ang kanyang katayuan upang ipampuno sa sariling bulsa ang paglalako ng mga sulating pampabilog sa ulo ng bayan, malaki ang kanyang pananagutan kung masalaula ang mga mamamayan dahil sa lakas ng impluwensiya ng kanyang mga sinulat.

Ganito ang lohikang dapat na gumabay sa pagtingin sa ilang manunulat sa Pilipinas na sa isang bahagi ng ating kasaysayan ay naglako ng mga sulating nagpabangag sa halos buong sambayanan. Hindi iilan ang kanilang ipinahamak sa pamamagitan ng pagtatanim ng isang palsong kolektibong kamalayan. Maaaring kailanma’y hindi sila tuwirang kumitil ng buhay, ngunit kung sadya nilang sinakyan ang wika nga ni Rogelio Ordoñez ay “ruweda ng panlilinlang,” utang nila sa buong bansa ang lahat ng buhay na nakitil dahil sa lasong kanilang inihalo sa pambansang kamalayan.

Sunday, April 10, 2005

GRADWAITION
(Pambungad na talumpati sa paglulunsad ng GradWait, ikapitong chapbook ng Kilometer 64, sa Bound Bookshop noong Abril 8)

Pagbati sa ating lahat. Gusto kong bumati ng "Magandang gabi," pero parang mahirap kapag inisip natin ang tema ng inilulunsad nating chapbook ng Kilometer 64 -- sa pamagat pa lang ay naroon na ito, GradWait.

Panahon nga ngayon ng pagkuha ng mga diploma, at tuwing ganitong panahon ay umuusbong ang isang atmospera ng pagmamalaki. Ito'y dala ng pagpapalagay na ang mga tumanggap ng diploma ay napabilang na sa paliit na nang paliit na pribilehiyadong klub ng mga "may sapat na pinag-aralan."

Kapag nabibigkas ang mga katagang "may sapat na pinag-aralan," naaalala ko si Andres Bonifacio -- hindi lang dahil kinuwestiyon ang kanyang mga kredensiyal sa Tejeros Convention. Bakit, 'ka n'yo?

Kapag nagtanong ka kung sino si Andres Bonifacio, kaagad kang sasagutin ng "Siya ang Ama ng Himagsikan." Aasarin ka pa ng kausap mo kung college graduate siya: "Ang bobo mo naman! Andres Bonifacio lang, hindi mo pa alam? Siya ang Ama ng Himagsikan!" ang sasabihin sa iyo ng karaniwang college graduate na tatanungin mo kung sino si Andres Bonifacio.

Pero kapag nagtanong ka kung ano ang katuturan ng isang Andres Bonifacio sa kasaysayan ng Pilipinas, kulang ang dalawang oras para ka makakuha ng matinong sagot -- kahit na college graduate ang kausap mo.

Sa edukasyon kasing nakukuha natin sa mga paaralan, sa kalakha'y sinasanay tayong magsaulo lang at hindi magsuri sa katotohanan. Sa pinakamalabis ay alam natin kung ano ang korte ng gulong pero hindi natin alam kung para saan ang gulong.

At kaydali namang magsaulo: kahit sino'y puwedeng dumampot ng teksbuk sa kahit saang bookstore o public library at isaulo ang mga laman niyon. Kaya ano ngayon ang kaibhan ng isang karaniwang nakatapos ng pag-aaral sa maraming walang diploma? Bakit kailangan nating gumising nang maaga araw-araw at gumastos ng ilampung libong piso sa loob ng apat na taon o higit pa para lamang sa kalakha'y magsaulo -- sa isang bansa kung saan ang edukasyon ay unti-unting nagiging pribilehiyo na lamang ng mga anak ng mayayamang wala namang ginawa kundi magpalaki ng kanilang mga puwit sa kanilang pagkakaupo sa mababango at air-conditioned na opisina?

Ang mga nakatapos daw ng pag-aaral ay makakukuha ng magandang trabaho.

Naaalala ko sina Benjamin Franklin at Leo Tolstoy.

Sila'y mga henyo sa kani-kanilang mga larangan. Si Benjamin Franklin ay isang dakilang scientist na siyang nakadiskubre ng elektrisidad at bukod pa'y isa ring mahusay na philosopher. Si Leo Tolstoy naman ay isang batikang manunulat na siyang may-akda ng epikong nobelang War and Peace; at ng isa pang bantog na nobela, ang Anna Karenina -- bukod sa ilan pang pawang mahuhusay na obra.

Pero sila'y parehong hindi nakatapos ng pag-aaral. Si Benjamin Franklin ay ni hindi nakaabot sa katumbas ng Grade VI. Si Leo Tolstoy ay nakatuntong sa kolehiyo, pero mabababa ang marka at hindi na rin nakatapos ng kurso.

Kung sila'y nabuhay sa Pilipinas at nagdaan sa karaniwang proseso ng paghahanap ng trabaho, ang pinakamadali nilang mapapasukang trabaho ay ang maging diyanitor -- diyanitor, mga kaibigan, kahit na sila'y mas marami pang alam kaysa sa mayayabang na sekretarya ng mga kumpanyang pag-aaplayan nila, at maging sa mga may-ari ng mga ito.

Diyanitor nga ang unang naging trabaho ng kaibigan nating si Abet Umil bago siya nakilala bilang isang manunulat, sapagkat siya'y hindi rin nakatapos ng pag-aaral. Diyanitor. Samantalang pag kausap mo siya'y malamang na mapag-uusapan ninyo sina T.S. Eliot, Bienvenido Santos, at Manuel Arguilla -- at ilan sa mga college graduate ang makikita ninyong may kakayahang makipagtalakayan nang matino tungkol sa nabanggit na mga manunulat?

Bibihira ang college graduate na nakikita kong may ganitong kakayahan, maski roon sa mga nag-Ph.D. sa Panitikan sa ilang malaking unibersidad, na bagama't nag-Ph.D. sa Panitikan ay lubhang limitado ang perspektiba sa literatura, kaya naman sa mga signipikanteng proyektong pampanitikan ay kung sinu-sino ang binibigyan ng mahahalagang papel -- maging yaong mga taong ang nakaraan at maging kasalukuyan ay punung-puno ng mga butas na amoy-patay na daga.

Pero ang mga may diploma ay makakukuha raw ng magandang trabaho. Siyanga kaya?

Dalawa lamang ang landas na karaniwang pinupuntahan ng mga college graduate sa panahong ito. Maaaring sila'y mapunta sa mga call center, kung saan sa wika nga ng ating ka-Kilometrong si Lecter ay magigi silang mga "human answering machine" -- pasintabi sa mga nakapagtrabaho at nagtatrabaho sa mga call center. Kundi man sila mapunta sa mga call center, sila'y mapupunta sa ibang bansa upang maging mga caregiver, kundi man domestic helper -- sa wika nga ni Ave Perez Jacob ay "mga tsimoy at tsimay ng mundo."

Malalim ang ugat ng ganitong kalagayan: kulang ang dalawang oras upang talakayin ito nang buo. Pero masasabi nating ito'y nagmula pa roon sa ipinunla ng mga Thomasite noong 1900s.

Ang iba't ibang aspeto ng sistemang pang-edukasyon ay ipinakikita ng mga tula sa GradWait, at ang ilan sa mga tulang ito ay itatanghal ng mga ka-Kilometro at ng mga inimbitahang panauhin. Muli, mahirap bumati ng "Magandang gabi" kaya pagbati na lang sa ating lahat, at sana'y maibigan natin ang mga pagtatanghal. Maraming salamat.

Thursday, March 10, 2005

BALIW

Hindi ko alam kung nasaan na siya, kung siya kaya'y buhay pa. Minsan ko lamang siyang nakita at matagal na akong hindi nagagawi sa lansangang kinakitaan ko sa kanya, ang A.H. Lacson sa Sampaloc, Maynila (lalong kilala sa luma nitong pangalan, ang Governor Forbes).

Ako noo'y pauwi mula sa isang panggabing klase sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST). Taong 1997 iyon.

Madilim noon ngunit malinaw sa akin ang ayos niya: buhok na pinapagdikit-dikit na ng nagkaipun-ipong mga dumi, gula-gulanit na damit na halatang bumibilang na ng taon nang hindi nadarampian ng sabon.

Ang bawat magdaan sa kanyang harapan ay sinasabihan niya ng: "Tarantado kayo, mga bobo kayo! Mga sira-ulo kayong lahat!"

Sa bahaging ito'y malamang na marami na ang natatawa sa babaeng ito at nagtatanong kung ano ang karapatan ng isang tulad niya na sabihang baliw ang matitino.

Habang sinusulat ito'y naaalaala ko ang isa ring babae, higit na matanda ngunit nasa kalagayang katulad niyaong sa babaeng nakita ko sa A.H. Lacson, na naligaw sa loob ng kampus ng UST at sinisigawan ng kung anu-ano ang bawat madaanan -- estudyante man o kawani ng unibersidad.

Isang kaklase ang noo'y kasama ko, na ang sabi'y: "Pag ikaw ang ginano'n, payag ka, sisigaw-sigawan ka lang ng sira-ulo?"

Ano nga naman ang karapatan ng mga tulad nila na sigawan tayo, kutyain tayo?

Kaydaling sabihing wala.

Kaydali sa ating sila'y pagtawanan. Ngunit masdan natin ang ating paligid at baka hindi na natin magawang tumawa.

Sa isang bansa kung saan bawat masalapi'y sinasamba at hindi inuusisa ang pinanggalingan ng kanyang kayamanan -- kung nakaw ba ito o pinaghirapan, kung saan mga baliw ang turing sa mga taong may matayog na paninindigan, kulang ang kahit isang milyong National Center for Mental Health (NCMH).

Sa isang lipunan kung saan ang kung sino ang kumaplog kay ganire't ganyang "artista" ay itinuturing na higit pang mahalagang balita kaysa sa karanasan ng milyun-milyon nating kababayang araw-araw ay dinarahas ng kawalang-katarungan at kapag nangahas na igiit ang karapatang mabuhay bilang tao'y hinahagkan ng batuta't mga punlo, kulang ang lahat ng strait jacket sa mundo.

Sa isang lipunan kung saan ang mga istasyong-radyong ang mga disk jockey ay pulos na nagyayabang na kaputang-inahan ang nalalamang sabihin sa pagitan ng pagpapatugtog ng mga kantang karamiha'y umaatikabong kaungasang nilapatan ng "musika" ay nagiging pangunahing mga himpilan, matamis pa ang manirahan sa isang mental hospital.

Huwag nating pagtawanan ang mga baliw at sa panahong ito'y kayhirap humanap ng mga kasintino nila sa ating paligid.

Saturday, February 26, 2005

PILA SA LOTERYA

Nang ako'y magpunta nitong nagdaang linggo lamang sa suki kong arkilahan ng mga VCD at VHS tape, nakita ko ang isang tanawing matagal kong di nakikita roon.

Katabi niyong video rental shop ang isang outlet ng Philippine Lotto. Kayhirap pong pumasok sa video rental shop sapagkat ang pila sa lotto, ay! ang pila sa lotto ay kayhaba po. Sa pagtantiya namin, kung yaong paliku-likong pila ay itutuwid, masasakop nito ang distansiya mula Ramon Magsaysay High School sa España hanggang sa panulukan ng Nicanor Reyes Street (lalong kilala bilang Morayta, ang luma nitong pangalan).

Samantala'y kung araw-araw tayong nanonood ng Eat! Bulaga, baka mapansin nating tila parami nang parami ang sumasali sa kanilang mga promo at pakontes. Ay akong ngang hindi naman sadyang nanonood ng Eat! Bulaga kundi nakapapanood lamang nito sa telebisyon ng mga sinasakyan kong bus ay nakapapansin na nito, di lalo na marahil yaong mga suki ng naturang programa.

Madaling hanapin ang pangunahing dahilan ng mga pangyayari: dumarami ang nagtataya sa pag-asang sila'y pagpalain ng kapalaran at biglang yumaman.

At hindi natin sila masisisi. Ang mga pangyayaring ito'y repleksiyon ng kalagayan ngayon ng kabuhayan sa ating bansa.

Ang antas ng disempleyo, bagama't bumababa raw ayon sa mga henyong sina Gloria Macapagal-Arroyo at Patricia Sto. Tomas, ay wala pa ring pagbaba sa double-digit na antas na unang naitala sa Pilipinas noong 1957 at lumitaw na lamang muli noong 2003.

Nasa 10 sa araw-araw, ayon sa pagtataya ng IBON Foundation, ang nagsasarang small- at medium-scale enterprise sa Pilipinas dahil sa matinding kumpetisyong dulot ng mga korporasyong transnasyunal. Mahigit sa 200 manggagawa tuloy ang araw-araw ay nawawalan ng trabaho.

Samantala, ang halaga ng mga pangunahing bilihin at serbisyo ay patuloy na tumataas, dahil sa tuluy-tuloy na pagsadsad ng halaga ng piso laban sa dolyar na dulot naman ng globalisasyon katulad ng aaminin maging ng negosyanteng si Raul Concepcion, datapwat walang kakabit na pagtaas sa kita ng mga mamamayan.

Mula sa P455.94 noong 2003, ang pang-araw-araw na gastusin sa pamumuhay para sa isang pamilyang may dalawang magulang at apat na anak--ang karaniwang pamilyang Pilipino--ay nasa P492.19 na ngayon, batay sa datos mula mismo sa National Statistics Office (NSO). Samantala, ang pangkalahatang minimum na sahod ay nasa P202.59 lamang, batay sa datos mula sa National Wages and Productivity Commission (NWPC).

Kung tutuusin natin ang katumbas ng P492.19 sa isang buwan, ito'y aabot sa P14,190. Maging sa hanay ng mga empleyado sa mga opisina ay marami ang hindi aabot sa ganito ang buwanang kinikita.

Yaon namang mga magsasakang palay ang itinatanim ay umaabot lamang sa P2,000 ang karaniwang kinikita matapos na magbenta ng ani, at ito'y kailangan nilang papagkasyahin sa loob ng tatlong buwan--hanggang sa susunod na anihan. Ito'y katumbas ng P22.22 lamang sa bawat araw.

Sa ganitong desperadong kalagayan ng bansa, dumarami ang nakaiisip na mangapit sa kapalaran sa pag-asang biglang mahango mula sa putikan.

Thursday, February 24, 2005

DI PUMUPUSYAW ANG HIMIG NG MGA KISSA

Ang kahapon ay ang ngayon din, Sulu.

Hindi nagmumulto ang pamamaslang sa Bud Dajo
sapagkat di yumao ang mga namaslang.
Ang kahapon at ang ngayon
ay walang ipinagkaiba kundi ang mga taon:
ang mga may karapatan sa yaman ng lupain
ay dinarahas ng mga kawatan,
mag dayo't mga tagaritong dugong-bughaw.

Ang ngayon ay ang kahapon din, Sulu:
ang mga salarin ay sila at sila rin.

Kaya't di pumupusyaw ang himig ng mga kissa.

Wednesday, January 26, 2005

KALATAS SA LUISITA MALL

sa likod ng maaliwalas mong mukha
ganap kang kalbaryo O Luisita
sapagkat dinilig ng dugo at luha
ang sagana at mayaman mong dibdib


-- Santiago Villafania, "Sonito 207: Hacienda Luisita"

I
Minsa'y may nagsabi sa akin
na tila sadya kang itinulos sa aspalto
upang takpan ang nagnanaknak na kahirapan
sa sinapupunan ng Hacienda Luisita.

Hindi ko ito sasalungatin.
Paano ko pabubulaanan
ang katotohanang kasinliwanag ng sanlibong araw?

Sa likod ng iyong ipinagyayabang na karangyaan,
nakalulula ang mga larawan
ng manggagawang-bukid na ang lingguhang sahod ay di maipambibili
ng kahit galunggong;
ng sakadang walang maiulam kundi hangin,
ng naghihikahos na manggagawang ayaw bigyan ng dagdag sa sahod.

II
Ikaw ang ngiti ni Kris Aquino,
panapal sa luhang bumabaha sa Hacienda Luisita.
Ikaw ang rosaryo ni Cory Aquino,
pangkubli sa kaimpaktuhang kamakaila'y dumakma
sa kayraming busabos na nangarap mabuhay.
Ikaw ang mga paliwanag ni Peping Cojuangco,
pampalabo sa mga totoong kaganapan.

Sunday, January 23, 2005

KABYAWAN SA FUDGE

At nailabas din naming Kilometer 64 ang aming ikaanim na chapbook ng mga tula. Ito'y tungkol sa mga nangyayari sa Hacienda Luisita, lalo na ang madugong pagbuwag sa hanay ng mga welgista noong Nobyembre 16 ng taong nagdaan, at pinamagatang Kabyawan.

Bakit Kabyawan? Pakinggan natin ang tagapagtatag ng grupo, si Rustum Casia: "Panahon ng anihan (nang) iputok ng mga manggagawa ng Central Azucarera de Tarlac (CAT) at mga manggagawang bukid ng Hacienda Luisita Inc. (HLI) ang welga.

"Kabyawan."

Pangunahing gumugunita sa marahas na pagbuwag na humantong sa isang masaker noong Nobyembre 16, tumutukoy rin ang mga tula sa Kabyawan sa matinding pagsasamantalang dinaranas ng mga manggagawa at manggagawang-bukid sa Hacienda Luisita--ang di-pamamahagi ng lupang dapat ay naipamahagi na noon pang 1967, ang pagpapasahod sa manggagawang-bukid ng P9.50 lamang sa bawat araw ng patrabaho at pagpapatrabaho nang dalawang araw lamang sa bawat linggo, ang napakababang bayad sa mga sakada na hindi sapat upang maipambili man lamang ng ulam na kapirasong tuyo, ang kulang na pasahod sa mga manggagawa sa milling.

Ang mga ito'y mga bagay na nagaganap sa gitna ng nakalululang karangyaan ng mga Cojuangco at Aquino, ang mayayabang na may-ari ng Hacienda Luisita.

Ginanap ang paglulunsad ng koleksiyon noong Enero 20 sa Fudge Cafe, ang paborito naming tambayan, na matatagpuan sa España Street, Sampaloc, Maynila.

Dito'y nagkaroon ng mga pagtatanghal. May pagbigkas ng tula mula kina Sonny Villafania, Jonar Sabilano, Kapi Capistrano, Babes Alejo, Spin (na sapagkat mayaman ay may bahay dito at dito), Rustum, sa Dulaang Katig, at sa inyong lingkod. Tumugtog din ang ND Go Gerls at ang inyong lingkod. Mayroon ding pagtatanghal ang performance artist na si Boyet de Mesa ng Tupada at New World Disorder.

Sa isang bahagi ng programa'y ipinalabas namin ang Sa Ngalan ng Tubo, isang bidyo dokumentaryong produksiyon ng Tudla Multi-Media Network, na tungkol sa mga pundamental na usapin sa likod ng welga sa Hacienda Luisita at sa karahasang naganap noong Nobyembre 16. Matapos ito'y nagbigay ng pananalita si Ka Rodel Mesa, isang tagapagsalita ng Alyansa ng mga Manggagawang-Bukid sa Asyenda Luisita (AMBALA), na naimbitahan namin.

Samantalang nagtatampok ng mga tula mula sa mga kasapi ng Kilometer 64, ang Kabyawan ay may tig-i-tig-isa ring ambag na tula mula sa mga sumusunod: Gelacio Guillermo, isang matagal nang tanyag na makata ng protesta at dating manggagawa sa Hacienda Luisita; Danilo Ramos, isang magbubukid mula sa Bulacan at pambansang tagapangulo ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP); at Ronalyn Olea, dating tagapangulo ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP), ikatlong nominado ng Anak ng Bayan Youth Party (AnB) sa halalan sa party-list nitong nagdaang eleksiyon, at ngayo'y nasa National Union of Students of the Philippines (NUSP).

Mabibili ang bawat kopya ng Kabyawan sa halagang P20. Kung paano makabibili nito'y malalaman sa pamamagitan ng pagpunta sa e-group ng Kilometer 64.